Summer na naman, at syempre oras na para magliwaliw at namnamin ang summer break. Malayo pa ang pasukan pero si Khei ay abalang-abala na para sa mga requirements niya sa bago niyang lilipatang school, walang kaalam-alam si Cheche iiwan na pala siya ni Khei sa kanilang eskwelahan. Naisipan ni Cheche na kumustahin si Khei habang nasa bakasyon siya.
“Khei!!!!!!” sabi ni Cheche.
“Che? Bakit? Ui! Anong nangyari?” tanong ni Khei kay Cheche, habang dinig na dinig niya ang hininga nito mula sa cellphone.
“Khei, kasi… Ano eh.. eeeeeh!” di maituloy-tuloy ni Cheche ang kanyang pagsasalita.
“Bakit ba? Ui! Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Khei.
“Si Kuyang Buko! NAKITA KO SIYA!” kilig na kilig na sagot ni Cheche kay Khei.
Pagkadinig ni Khei sa sinabi ni Cheche, agad nag-init ang ulo niya dahil mahimbing na siyang natutulog ng tumawag ito sa kanya at madaling araw pa.
“CHECHE! Akala ko naman kung anong emergency ang nangyari!
Tili ka ng tili tapos naghahabol ka ng hininga na para bang may humahabol sayo.
Tapos yang KUYANG BUKO MO na yan pala ang ibibida mo??
Anong oras na oh? Pwede naman ipagpabukas yan..” sabi ni Khei, na may tonong pagkainis.
“Sorry na, kasi naman eh. Sayo ko lang ito pwede i-Share” sabi ni Cheche, sabay tawa.
“Saan mo ba nakita? Akala ko ba nasa bakasyon ka?
Sa campus ka ba nagbabakasyon? Haha” pang-aasar ni Khei kay Cheche
“Ano ba?! Hindi ah, nasa Puerto galera ako. Naka check-in kami ng pamilya ko
sa isang hotel. At dito ko nakita si Kuyang buko …
Nagbabakasyon din ata siya.” Sabi ni Cheche, habang tuwang-tuwa sa nangyari.
“Ah.. Baka sinundan ka?” sabi ni Khei, para kiligin si Cheche at syempre kinilig naman siya.
“eeeh! Ano ba?! Kinikilig ako… hahaha” sabi ni Cheche, habang kilig na kilig.
“Lilipat na ako…” biglang sabi ni Khei, pambasag trip lang sa kakiligan ni Cheche.
“Lipat? Saan ka lilipat? Bakit ka lilipat?
Eh diba okay naman diyan sa condo mo?” tanong ni Cheche.
“Hindi, I mean lilipat ako ng school…” sabi ni Khei.
“Joke ba yan?!” tanong ni Cheche.
“OO hindi! Totoo ito, lilipat talaga ako. Bye!” sabi ni Khei, pero hindi niya binaba ang linya.
“Saan? Bakit? Akala ko ba dito ka na?
Pang ilan mo na yan ah …” sabi ni Cheche, na may tonong malungkot.
“Ewan, di ko alam kung saan…
Basta lilipat ako. Grabe ka naman, pangatlo pa lang ito kung magkataon.” Sabi ni Khei.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...