(KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING)
Hudyat na tapos na ang klase, dahil tumunog na ang school bell. Pagkatapos ng klase agad na inayos ni Khei ang kaniyang mga gamit, at bumaba na sa looby ng school nila. Nakita ni Telay si Khei sa lobby kaya naman agad niya itong nilapitan, at nakipagkwentuhan. Syempre, hindi niya pwedeng makalimutan ikwento ang nangyari sa kanila ni Pau. Naglalakad sila noong papalabas sa campus ng mapansin ni Khei na parang may nakatingin sa kanila, at pagkatingin niya nakita niya ang isang lalake na maputi, matangkad, nakasuot ng uniform na pang engineering, na naglalakad habang nakatingin sa kanila, na may hawak hawak na papel.
“Ui, san ka ba nakatingin?” tanong ni Telay kay Khei.
“Huh? Sino yun?” tanong ni Khei, sabay paling ng ulo sa direksyon kung nasaan ang lalake.
Tumingin si Telay sa lalake, at agad niya itong namukhaan, napangiti siya.
“Yan? Student council yan dito eh, kaso di ko alam ang name.
Bakit crush mo?” asar ni Telay, sabay ngisi.
“Hindi, napansin ko kasi nakatingin siya satin.” Sabi ni Khei, habang nagtataka kung bakit nga ba ito nakatingin sa kanila.
“Ayiee… baka type ka haha” sabi ni Telay.
“Nakatingin lang, TYPE AGAD?” sabi ni Khei, sabay ngiti at natawa si Telay.
Hanggang sa pag-uwi hindi mawala sa isip ni Khei ang lalake, kung bakit ito nakatingin sa kanila. Iba kasi yung napatingin lang sa nakatingin talaga eh kaya naman hindi ito mawala sa isip niya. Mula noong araw na iyon, sa tuwing nakikita niya ang lalake na iyon sa school nila, madalas na niya itong napapansin. Minsan nakakasabay pa niya ito kumain sa canteen, hanggang sa isang araw nagkaroon ng event sa school nila. May magaganap ng grand ball sa university nila, lahat ng mga estudyante ay inaanyayahang dumalos sa pagtitipon na iyon. Nasa klase noon sina Khei at Telay, ng biglang na-interrupt ang klase nila dahil nga mag-announce ang mga student council officers nila tungkol sa event na iyon. Naunang pumasok sa room nila ang isang babae, sabay sumunod ang isang lalake, ang lalake ay yung lalakeng, engineering student na nakatingin sa kanila noong nakaraan sa lobby. Naunang magsalita ang babae, at sinundan ito ng lalake:
“Kaya sana guys, sumama kayo. Matutuwa kami kung makikita namin kayo dun.” Sabi ng lalake, sabay smile.
Biglang natanto ni Khei, na kahawig ng lalake ang Kuyang Buko ni Cheche. Kaya naman naisip niya na sumama sa grand ball para makilala ang lalake, at mapakilala niya ito kay Cheche. Nung una naisip niya baka kaya si Kuyang Buko ang lalakeng iyon, pero nung magtagal naisip niya na hindi pwede maging si Kuyang Buko iyon dahil hindi naman katangkaran si Kuyang Buko katulad ng lalake na iyon.
(RING RING RING)
Tumunog ang cellphone ni Cheche, at agad niya itong sinagot.
“Cheche, may balita ako!” sabi ni Khei, sa isang masiglang tono.
“Ano?” tanong ni Cheche, na parang walang gana making.
Kwinento ni Khei ang tungkol sa kahawig ni Kuyang Buko. Kaya naman biglang ginanahan si Cheche sa topic nila.
“Umatend ka na, tapos pakilala mo ako, pag nakilala mo na siya.” Sabi ni Cheche.
“Yun nga din ang balak ko eh, kaso depende pa kung hindi siya matataon na busy ako.” Sabi ni Khei.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...