Chapter 6: Last Summer

59 0 0
                                    

Ilang buwan bago pumasok si Khei sa kanilang paaralan ni Cheche, nagpunta siya sa Maynila upang doon maghanap ng mapapasukang paaralan. Wala talagang balak si Khei mag-aral sa kanyang pinapasukang paaralan ngayon ngunit doon siya bumagsak sa huli. Habang naghahanap ng mapapasukang paaralan si Khei sa Maynila, meron siyang nakitang FX, hindi siya sigurado kung dadaan ba iyon sa kanyang pupuntahan na paaralan, nagdadalawang isip siya na sumakay dito dahil baka maligaw lamang siya kapag sumakay siya. Maglalakad na sana palayo si Khei ng mapansin niya ang isang lalake na nakaupo sa may bandang likuran ng FX, medyo may itsura ito, maputi, matangos ang ilong at higit sa lahat ang itsura ng lalake na iyon ay parang pinagsama-samang itsura ng mga crush ni Khei, kaya naisip niya na sumakay na din para makatabi ito. Nang papasakay na si Khei sa FX, biglang may nauna sa kanya na pwumesto sa kanyang uupuan dapat kaya sa unahan na lang siya pwumesto.

Habang nasa biyahe, napansin ni Khei na nakatingin sa kanya yung lalake, hindi alam ni Khei kung bakit ito nakatingin sa kanya. Pasimpleng tumitingin si Khei sa lalake, at habang tinitingnan niya ito, naalala niya ang mga dati niyang crush nung high school pa lamang siya dahil para talaga itong pinagsama-samang itsura ng mga crushes niya.

Ilang minuto ang lumipas at bumaba na ang lalake, talaga namang tinandaan ni Khei kung saan itong street bumaba, napaisip siya kung doon ba banda ito nakatira o kaya naman may binisita lamang sa lugar na iyon. DI nagtagal bumaba na din si Khei sa kanyang destinasyon. Pagkatpos niya matapos ang dapat niyang gawin sa kanyang paaralan na pinuntahan nagpasya siya na umuwi na dahil wala na namang siyang gagawin pa doon. Malapit lamang sa isang supermarket ang eskwelahan na iyon, at medyo nauhaw si Khei kaya naman nagpasya siya na bumili ng inumin sa loob ng supermarket. Pagkalabas niya ng supermarket, maya-maya pa ay may nakakuha ng atensyon niya. Isang lalake na naglalakad mula sa malayo, matangkad, maputi, matangos ang ilong at nakasuot ng T-shirt na dilaw at basketball shorts. Habang naglalakad si Khei papunta sa sakayan, nagkasalubong sila ng lalake, at napatingin si Khei, dahil naramdaman niya na para bang may nakatingin sa kanya at pagkakakita niya. Ang lalake na nakatingin sa kanya na nakasalubong niya ay ang lalake din na kasabay niya kanina sa FX.

Medyo nagulat si Khei sa nangyari, at habang nagtitinginan sila ng lalaking nakasalubong niya. Makikita mo sa itsura nila na para bang gusto sabihin sa isa’t isa na IKAW NA NAMAN?. Pagkalagpas nila sa isa’t isa napangiti si Khei at nasabi sa sarili

“Small world it is … Saan kaya nag-aaral iyon? Mukha siyang varsity sa tangkad niya.”

Hindi mawala sa isip ni Khei ang lalake na nakasabay niya sa FX at nakasalubong niya sa labas ng supermarket. Kung alam nga lang niya kung saan ito nag-aaral, malamang doon na din siya mag-aral sa pagbabakasakali na makita ulit ang lalake na iyon.

---------------------------

Follow the creator of the story on 

twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: 

http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: 

http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon