Holiday season na, at dahil doon nagkaroon ng break sina Khei at mga co-interns niya. Sinulit niya ang pagkakataong ito para makapag-isip isip na din sa mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Talagang hindi maalis sa isipan niya ang nangyari noong team building nila, kaya naman naisipan niya na magtanong-tanong sa mga kaibigan niya. Hindi niya sinasabi na siya ang involve sa sitwasyon na yun sa mga kaibigan niya, pero may hinala ang mga ito na siya nga iyon. Sa iilang napagtanungan niya, madalas ang sinasabi ng mga ito ay malamang naapektuhan yung guy na nakarinig kaya naman ito biglang umalis. Ngunit hanggang ngayon hindi maantindihan ni Khei kung bakit nga ba sinabi ni Jaydee na girlfriend siya nito.
Gulong-gulo noon si Khei ng bigla na lang niya naisipan na subukan ang isang site na pwede ka makipag-chat sa isang taong hindi mo kilala, at ginawa nga niya iyon. At doon siya nagtanong-tanong tungkol sa mga nangyayari sa kaniya na nagpapagulo sa isip niya. Pagkatapos niyang makipag-chat doon naliwanagan ang kaniyang isipan at may mga ilang sinabi ang ka-chat niya na tumatak sa isip niya.
“Malamang gusto ka ng guy na iyon, pero bakit kasi doon ka pa nagkagusto?
Eh TAKEN NA YUN! Meron naman diyang SINGLE na handa ka mahalin ng buong-buo…”
Naisip ni Khei na tama ang ka-chat niya, bakit nga naman niya gugustuhin ang isang tao na hindi naman niya maaring makasama, kung meron namang tao na handa siyang mahalin. At naisip nga niya si Jaydee, pakiramdam niya kasi may gusto sa kaniya ito kaya naman nito nasabi na girlfriend siya nito. Ang isa pang tumatak sa isip niya na sinabi ng ka-chat niya ay:
“Ang mga lalake, malapit talaga sa tukso yan. Madali kami matukso, natural na sa amin iyon.
Pero kahit natutukso kami, isa lang ang mahal namin, iisa lang ang nasa puso namin. Parang ako, napapatingin man ako sa ibang babae, pero ang mahal ko pa din ay ang girlfriend ko.”
Doon napaisip ng husto si Khei, siguro itong si Jayvee naghahanap lang ng mapaglilibangan at nataon naman na siya ang gusto nito paglibangan, may girlfriend si Jayvee at malamang iyon talaga ang mahal nito. Kaya naman naisip niya na kung natutukso lang sa kaniya itong si Jayvee, lalo dapat siyang umiwas dito. Kahit pa unti-unti nang nahuhulog ang loob niya dito, kailangan niya itong pigilan dahil hindi tama na mahulog siya dito. Bakit niya hahayaan ang isang tao na pumasok sa buhay niya kung pansamantalang ligaya lang naman ang hatid nito at nakikihati lang siya, kung meron naman taong pwedeng magbigay sa kaniya ng kaligayahan na walang hanggan at walang kahati kanino man.
Patapos na ang holiday season at malapit na ulit bumalik sa duty sina Khei, naisip niya na sa oras na bumalik na ulit sila sa duty sisimulan na niya ang tuluyang pag-iwas kay Jayvee, kung kinakailangan niyang magtago, magtatago siya dito kay Jayvee. Medyo O.A itong si Khei, pero sa tingin niya kasi iyon ang pinakamaiging paraan para maiwasan niya ng tuluyan si Jayvee.
Sa unang araw ng duty ni Khei sa taon, maswerte naman na hindi sila nagkatagpo nitong si Jayvee. Lumipas ang mga araw at hindi na niya nakikita si Jayvee sa hospital, naisip niya na siguro ito na ang simula ng tuluyan nilang hindi pagkikita ni Jayvee. Naglalakad noon si Khei papunta sa hagdan upang umakyat sa isa pang floor ng hospital ng may mapansin siya na may nakasunod sa kaniya, medyo nilingon niya ito pero hindi niya ito namukhaan, pakiramdam niya si Jayvee iyon pero hindi siya sigurado. Maya-maya pa ay napansin niya na sobrang dikit na dikit ito sa kaniya habang papaakyat na siya ng hagdan, wala namang naakyat sa kabilang side ng hagdan kaya nagtataka siya kung bakit hindi pa ito mauna sa kaniya. Lilingonin na sana niya ang nasa likod niya para malaman niya kung sino ito ng bigla niyang nakita ang isa niyang kasamahan na pababa at makakasalubong niya ito kaya binate niya ito. Pagkatapos nilang magbatian tinuloy na niya ang pag-akyat ng makarating na siya sa isa pang palapag, binagalan niya ang paglakad para maabutan siya ng kasunod niya at makita niya kung sino ito ngunit wala ng sumunod na umakyat. Nang magkaroon ng pagkakataon na makita niya ulit ang nakasalubong niya na kasamahan sa may hagdanan tinanong niya ito kung sino ang nasa likod niya noong mga panahon na paakyat siya ng hagdan, at laking gulat niya na si Jayvee nga ang nasa likodan niya ng time na iyon.
Pagkatapos itong malaman ni Khei, medyo napailing siya. Buong pag-aakala niya kasi hindi na niya makikita si Jayvee sa taon na iyon, pero ayon magkasunod pa pala sila na umaakyat, ngayon niya natanto kung bakit parang sobrang dikit nito habang paakyat siya, ni hindi man lang dumistansya. Hindi tuloy mapigilan ni Khei na magtanong kung bakit ba kahit anong iwas niya dito kay Jayvee ay nagkru-krus pa din ang landas nila.
Ganoon nga ba talaga? Kung sino pa ang iniiwasan mo siya pa ang nakikita mo. Kung sino naman ang hinahanap mo, siya namang hindi mo makita-kita kahit anong hanap mo?
Minsan talaga may mga bagay na hindi mo maipaliwanag at napakahirap intindihin sa buhay na ito.
-----------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...