Isang araw, pauwi na si Khei sa kanyang bahay ng biglang tumawag si Rye para makipagkita sa kanya ng biglaan. Si Rye ay best friend ni Khei mula pa noong elementary sila, super close sila na halos magkapatid na nga ang turing nila sa isa’t isa. Halos lahat ng problema ni Rye kay Khei niya sinasabi at siya namang nagpapayo sa kanya, ang tawag nga niya kay Khei ay “DJ Khei” dahil para itong DJ sa radio na nagpapayo sa mga listener nito.
Sa isang coffee shop nakipagkita si Rye kay Khei. Nakita niya ito na nakaupo sa may bandang sulok na bahagi ng shop at para bang ang gulo-gulo ng isipan.
“Rye! How are you?” tanong ni Khei.
“Sasabihin ko na agad, wala ng paligoy-ligoy pa…
Kaya ako nakipagkita sayo kasi … Naguguluhan ako eh…
Di ko alam kung tama ba o hindi ito.” Sabi ni Rye, nagtaka si Khei kung ano ba ang ibig niyang sabihin.
“Wait! Naguguluhan ako sayo…
Di kita maGets eh. Ano ba yung tinutukoy mong tama o hindi?” tanong ni Khei.
“Ito yun, diba dati may kwenikwento ako sayo na nagugustuhan kong classmate ko.
Tapos di ko naman alam kung gusto din niya ako. Tapos may isa pa akong classmate naman na
close na close sakin. Minsan nga napapagkamalang kami kapag nag-aaway kami saka kapag
naglalambing siya sa akin, pero hindi naman talaga kami.
Friends lang kami, pero nung last time na nag-away kami.
Grabe! Alam mo yung parang may relasyon kami, sa naging reaksyon niya…” sabi ni Rye.
“Ano ba naging reaksyon niya? Paano?” tanong ni Khei, habang takang-taka.
“Yung super tampo siya nung nakita niya na may umaakap sakin.
Tapos nung hindi ako pumayag na sabay kami kumain. Iniiwasan ko daw siya.
Eh matagal na kami di nagkakasama sama nung mga friends ko na iyon eh…
Syempre sa kanila muna ako sumama…” sabi ni Rye.
“Nagtampo siya dahil doon? Selos lang yan sa mga old friends mo…” sabi ni Khei.
“Tapos ito pa, eh di nagtext ako sa kanya.
Nakikipagbati ako sa kanya …
Tinanong ko kung ‘Okay tayo?’ tapos syempre sabi niya ‘OO’
Tapos mula noon, parang lalo siyang naging sweet sakin, hanggang isang araw
nagyaya siyang lumabas. Tapos dun, nalaman ko ‘KAMI NA PALA’ nagulat ako eh.” sabi ni Rye.
“Huh? Wait … Kayo na pala? Pero hindi mo alam?
Ano siya lang nag-assume na kayo na? Nangligaw ka ba sa kanya?
Ano ba nangyari? Paano niya nasabing kayo na? POTASSIUM
yang classmate mo ah …” sabi ni Khei.
“Oo, di ko alam kami na pala, nung araw na nagText ako sa kanya kung
‘Okay tayo?’ yun yung araw na naging kami daw … Akala niya ata tinatanong ko siya
Kung okay maging kami? Pero ang ibig ko sabihin dun na kung ayos na kami, friends ba.
Iba naman pala ang dating sa kanya. Hindi ako nangligaw nuh!
Anong potassium?” sabi ni Rye.
“Potassium as in POTA ASSUMING! Nakakatuwa naman kayo.
So noon lang naConfirm na kayo na? Kung iba naman pala yung ibig mo
sabihin nun, ba’t di mo nilinaw sa kanya nung sinabi niya yun sayo na
kayo na pala… Gusto mo din ba yan?” tanong ni Khei.
“Eh, kasi ayoko siya masaktan eh. Ewan ko, basta alam ko friend ko siya.” Sabi ni Rye.
“Eh, siya naman may kasalanan eh. Assuming siya.
Ayaw mo masaktan? Pero sa ginagawa mo, baka lalong masaktan yan.
Sa oras na malaman niya na, hindi mo naman pala talaga siya gusto.
Kaya lang pala naging kayo kasi nagAssume siya. Pero para sayo
kaibigan lang pala siya.” Sabi ni Khei.
“Oo nga eh. Tapusin ko na kayo ito.
Para habang maaga pa di na magkasakitan.
Pero nahihirapan ako sabihin sa kanya eh. Alam mo yung mali
na naging kami eh. Pero nandiyan na eh, ang hirap bawiin.” Sabi ni Rye.
“If I were you, tatapusin ko na yan.
Umpisa pa lang MALI na naging kayo, paano pag pinatagal mo pa yan?
Lalo magiging MALING MALI yan. Pwede mo pa itama ang lahat habang maaga pa.” sabi ni Khei, napaisip si Rye.
Lumipas ang mga araw, at hindi nagawang sabihin ni Rye ang totoo kaya tumagal pa ang relasyong hindi naman talaga dapat.
--------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook: http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...