Chapter 20: I'm Back

35 0 0
                                    

Isang gabi, naisipan ni Khei na tingnan ang facebook account ni Jayvee kahit alam naman niyang wala siyang makikitang bago dito, dahil private ang account nito, hindi naman kasi sila friends sa facebook kaya hindi niya pwede makita kung ano ang mga post nito.

(Typing ….. Jayvee Lorenzo)

Agad lumabas ang facebook account ni Jayvee, at nakita niyang bago na ang display picture nito. Nagulat siya dahil may mga visible post na din sa public itong si Jayvee, kaya naman binasa niya ang mga iyon. Habang binabasa niya ito, parang mas lalo niyang nakikilala itong si Jayvee. Pakiramdam niya, mali yung mga hinala niya dati sa kaniya kaya naman medyo naGuilty siya.

 Tiningnan niya ang about me nito, at nakita niya na visible na din ang work information nito, dati kasi hindi eh, kaya binasa niya ito. Nalaman niya doon na sa pinagtratrabahuhan ngayon ni Jayvee ay naging intern pala siya doon dati, bago siya nagtrabaho sa former college ni Khei at saka ulit ito bumalik ngayon doon para doon na tuluyang magtrabaho kung saan intern si Khei.

Napansin ni Khei na parang may kulang dun sa basic information ni Jayvee, hindi na visible dito ang status niya kung ‘Single or In a Relationship’, dati kasi natatandaan niya visible ito at ang nakalagay doon ay ‘In a Relationship’, napaisip tuloy siya kung bakit ito tinago ni Jayvee bigla. Naisip niya na hindi kaya single na ulit ito, o baka naman ayaw niya na itong ipangalandakan na may girlfriend siya. Pero naisip niya, kapag may girlfriend ang isang lalake, hindi naman nila ito tinatago, madalas nga proud pa sila dito parang si JC sa girlfriend niya, kahit hindi nakalagay sa facebook accounts nila ng girlfriend niya na ‘In a Relationship’ sila, nakapost naman ang mga pictures nila doon at nagpapalitan pa ng sweet posts sa wall ng isa’t isa. Hindi katulad ni Jayvee, napansin kasi ni Khei na sa mga past post ng sweet statuses nito, sa dami ng nagLikes, at ng nagcomment, walang babae na nagcomment sa post na iyon. Kaya naisip niya hindi kaya wala talagang girlfriend ito si Jayvee. Pwede naman kasing ilagay iyon na ‘In A Relationship’ kahit ang totoo wala naman talaga, medyo nabuhayan noon si Khei kasi naisip niya si JC may girlfriend na, pero si Jayvee malay mo wala pa kaya may chance pa kung sakali. Aminado na naman si Khei sa sarili niya na crush nga niya ito si Jayvee, pero hindi gaano kaCrush, yung crush na hanga lang yun lang.

Nasa duty noon si Khei at may mga papel na inaayos sa ibabaw ng table niya, ng bigla itong dumating si Jayvee at kinausap ang head nila, hindi narinig ni Khei ang pinag-usapan ng dalawa hanggang sa may binigay na papel ang head nila kay Jayvee, nagulat si Khei kasi biglang tumabi ito si Jayvee sa inuupuan niya, pagkatingin niya merong pinipirmahan ito si Jayvee.

“Talagang dito pa sa tabi ko umupo?

Pwede naman siya umupo dun sa harap ng head namin.” Sa isip ni Khei.

Meron naman kasing upuan dun sa tapat ng table ng head nila Khei, pero ito si Jayvee doon pa talaga tumabi sa kanya, kaya naman maski sino magtataka sa ginawa nito ni Jayvee.

(RING RING)

Tumunog ang cellphone ni Jayvee, dahil may tumatawag sa kaniya, agad siyang umalis sa kinaroroonan niya para sagutin ang tawag. Nagtaka si Khei, dahil dali-dali itong umalis si Jayvee, naisip niya baka emergency yun kaya ganun nalamang ito kung magmadali si Jayvee.

Nagpunta si Jayvee sa isang restaurant at may kinatagpo siya dito. Naka semi-formal na damit noon si Jayvee, at pagkadating niya sa venue, agad na may sumalubong na mag-aassist sa kaniya at sinamahan siya nito sa kakatagpuin niya. Malayo pa lang ay natatanaw na niya ang kakatagpuin niya, isang babae na maputi, matangos ang ilong, medyo magara manamit, may mga suot na alahas, medyo may kahabaan ang buhok at may highlights ito na burgundy red, naka suot ng red sleeveless dress na medyo elegante tingnan at kontodo make-up ang mukha.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon