Chapter 17: What's Wrong?

34 0 0
                                    

Naranasan niyo na ba yung madalas napapansin niyo may taong nakatingin sa inyo, pero hindi niyo naman talaga kilala yung taong natingin sa inyo. Medyo nakakailang siya, kasi hindi mo alam kung ano ba ang iniisip sayo ng taong iyon.

Sa madalas na pagtambay ni Telay sa canteen, meron siyang isang lalake na madalas na napapansing nakatingin sa kanya. Tuwing dadating at aalis na siya, nakatingin ito sa kanya. Medyo naiilang na nga siya sa lalakeng iyon, naikwento niya iyon kay Khei. Feeling ni Khei, gusto siya kausapin ng lalakeng iyon kaya madalas tinitingnan siya nito naghahanap lang ng tamang pagkakataon para makausap siya. Kinikilabutan na si Telay dahil sa lalakeng iyon, ang lalakeng iyon ay si David.

Si David ay isa sa mga varsities ng school nila pero hindi ito kasama sa line up kapag naglalaro ang team nila, kumbaga TEAM B si David, madalas kasama siya nina Pau kaya naman familiar ang mukha niya kay Telay.

“Hindi kaya may gusto sayo yan si David?” tukso ni Khei kay Telay, sabay ngisi.

“Ay! Ano ba yan?! Sana si Pau na lang!” sabi ni Telay, sabay simangot pero parang medyo kinikilig.

“Asus! CHOOSY KA PA BA?

Gwapo naman si David. Matangkad, matangos ang ilong,

singkit tulad mo at higit sa lahat matalino!” sabi ni Khei, para bang bini-BUILD UP niya si David kay Telay.

Medyo napaisip si Telay, at para bang kinilig at gusto ng maniwala sa mga sinasabi ni Khei na baka nga may gusto si David sa kanya.

Tuwing dadating si Telay sa canteen madalas nakatingin si David sa kanya, habang si Telay naman ay nakatingin sa kasama ni David na si Pau. Isang araw, magkasama si Pau at David at umupo ito sa table katabi lamang ng table kung saan nakaupo si Telay. Syempre, medyo kinilig si Telay kay Pau, pero hindi niya ito pinahalata. Pinipigilan niya ang sarili niya sa pag ngiti para hindi siya maging kapuna-puna kina Pau at David. Lingid sa kaalaman niya, pulang-pula na pala siya sa sobrang pagpipigil sa kakiligang nararamdaman niya dahil kay Pau.

“Miss? What’s wrong?” tanong ni Pau kay Telay, dahil napansin nitong namumula na ito habang nakatungo sa lamesa.

Nagulat si Telay sa boses na narinig niya, bigla niyang inangat ang ulo niya at hinarap ang ulo kung saan nanggaling ang boses. Laking gulat niya na si Pau pala ang lalakeng kumausap sa kanya, hindi niya alam kung anong sasabihin niya kaya naman umiling lang siya at ngumiti si Pau sa kanya. For the first time, nginitian siya ni Pau tulad ng ginagawa niya sa iba.

Sa sobrang hiya niya sa nangyari, nagkunwari siya na may tumawag sa kanya sa cellphone at agad umalis sa canteen, pagkatapos ay nagpunta siya sa restroom para mailabas ang kakiligang nararamdaman niya. Sa kagustuhan niyang wag mapansin ni Pau, lalo tuloy siyang napansin dahil sa pagpigil niya sa emotion niya. Pero kahit pakiramdam niya na nanapahiya siya, natutuwa siya kasi sa unang pagkakataon kinausap siya ni Pau.

Isang araw, naisipan ni Khei na dumalaw sa dati niyang school kung saan sila nag-aral ni Jayvee. Papasok siya loob ng campus noon ng may makasalubong siya na parang familiar ang mukha at ng magkalapit na ang dalawa, nakita niya si Mickey Alcantara. Si Mickey ang dating classmate ni Khei noong open section pa siya, na medyo naging crush din niya. Ang laki na ng pinagbago ni Mickey, medyo nanaba ng kaunti at syempre gwapo pa din. Naikwento ni Khei kay Cheche ang nangyari.

“Ano nagpansinan kayo?” tanong ni Cheche.

“Ngitian lang…” sabi ni Khei.

“Alam mo ba yang Mickey mo, napaka PDA nila ng girlfriend niya.” Sabi ni Cheche, at kwenento niya ang lahat kay Khei.

Medyo na-TURN OFF si Khei sa nalaman niya kay Mickey, at naalala niya bigla ang status nito noong nakaraang linggo.

“Nakaka-inlove yung mga lalakeng STICK TO ONE…

Kaso lalakeng STICK lang ako, hindi stick to one…”

Medyo, agree si Khei sa status ni Mickey. Totoo naman eh, at napatunayan na namang hindi siya stick to one na tipo ng tao. May girlfriend pa nga siya dati, balak na niya pormahan si Cheche, kaya naman medyo nakaka-turn off ang ganoong tipo ng lalake.  Kaya naman natatawa na lamang si Khei, kapag naalala niya na medyo naging crush niya iyon si Mickey.

-------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon