Tuwing weekend, nakaugalian na ni Khei na umaalis ng condo niya, ayaw niya kasi na nag-stay lang siya doon dahil boring. Mag-isa lang naman kasi siya nakatira doon, kaya naman mas pinipili pa niya na lumabas kasama ang mga barkada niya. Nataon naman ng araw na iyon ay nayaya siya ng mga kasamahan niyang intern na mag out of town trip sila. Syempre, sumama itong si Khei para naman magkaroon sila ng bonding moments.
Ginamit na servive ang sasakyan ni Khei, siya ang nagdri-drive 5 lang naman kasi sila kaya kasya doon sa sasakyan ni Khei. Yung iba naman, susunod na lang pagkatapos ng duty nila. Naisipan nila magpunta ng Tagaytay, dahil 1 hour drive lang naman ito mula sa city.
Pagkadating nila Khei sa inupahan nilang bahay na pagtutuluyan habang nasa Tagaytay, agad nilang inayos ang kanilang mga gamit at nilagay sa kani-kanilang kwarto. Pagkatapos noon ay nag-order na sila ng pagkain sa delivery at hinanda na ang videoke at inumin. Nang dumating na ang pagkain na inorder nila sakto naman dumating na din yung iba pa nilang kasama, yung mga sumunod galing sa duty.
Magkatabi si Johanne, at Khei sa upuan. Habang nasa may sofa naman sina Nate, at ang iba pa nilang kasamahan. Maya-maya pa ay namili na ng kanta ang isa nilang kasamahan na si Daniel. Si Daniel ay isang intern din, pero di sila mesyado close ni Khei, at tahimik na tao ito pero sikat siya sa kanilang mga intern dahil bukod sa gwapo, matangkad at matalino, mabait at sweet din ito sa mga kasamahan niya.
Naglolokohan noon ng biglang nakisali sa usapan itong si Daniel sa usapan, at naki-asar kay Khei. Napatingin lamang siya dito, at hindi naman siya naOffend sa sinabi ni Daniel, pero biglang sinabi nito sa kaniya:
“Hindi, joke lang yun (sabay peace sign)
Alam niyo naman na MAHAL NA MAHAL ko yan si Mitsuo eh” sabi ni Daniel, sabay ngiti.
Natawa na lamang si Khei, sa sinabi ni Daniel at umiling-iling habang nagkakantywan silang magkakasama. Maya-maya pa ay nilagay na Daniel ang song number na kakantahin niya sa videoke. Sabay sabi ng:
“Ang kantang ito ay para kay Kyla Maruko Mitsuo”
At dahil doon, kinantyawan na naman nila si Khei, sabay sabi ng isa nilang kasama:
“Ayiee!!! Khei, kinikilig na yan!!!”
Napailing na lang si Khei, nang magsisimula na ang kanta biglang nagloko ang videoke at hindi tumuloy sa pagtugtog, kaya inulit ulit nila ilagay ang number ng kanta sa videoke. Nakadalawang beses na sila naglagay pero talagang nahinto ang tugtog. Kaya naman sabi ng isa nilang kasamahan ng pabiro:
“Ang lakas talaga manalangin nito ni Khei, ayaw tumogtog ng videoke”
Napailing lamang si Khei, at naghanap na lang kakantahin, at pinabayaan sila ayusin ang videoke.
Maya-maya pa ay nagsimula na itong tumugtog ulit, kaya naman sa pagkakataong ito sinabi ng kasamahan ni Khei:
“Kapag ito, nahinto pa ulit, hindi talaga sila Destiny ni Daniel…”
Pagkasabi noon ng kasamahan ni Khei, sa isip-isip niya.
“Talagang di kami destiny niyan ni Daniel nuh,
nakita ko na si Mr. Destiny ko eh.. Si - - - -“
Biglang napatigil sa pag-iisip si Khei, dahil naghiyawan ang mga kasamahan niya dahil bigla na naman nagloko ang videoke. Natawa na lang si Khei sa nangyari, para kasing mismong tadhana na ang nagsasabi, na wag na ipilit pa siyang i-link kay Daniel.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...