Chapter 37: Remember Me

29 0 0
                                    

Minsan talaga kahit anong iwas mo sa tao, may isang bagay pa din na magpapaalala sayo dito. At ganoon ang nangyayari kay Khei, kahit kasi di na niya madalas makita itong si Jayvee nitong mga nakaraang araw, madalas naman naririnig niya itong pinag-uusapan ng mga kasamahan niya.

Isang araw, narinig ni Khei ang usapan ng kanyang mga kasamahan na sina Bradney at Axel. Si Bradney ay ang pangalawa mula sa head intern nila, at isang regular employee sa ospital at si Axel naman ay isa din sa mga kasamahan nila. Hindi man mesyado noon narinig ni Khei ang usapan nina Bradney at Axel, dahil nagSoundtrip sya habang nasa quarters, may suot siyang headset, naintindihan naman niya ang kwento ni Bradney kahit papaano, dahil noong marinig niya ang pangalan ni Jayvee, agad na niyang hininaan ang music niya. Malakas kasi ang pagkakasabi ni Bradney sa pangalan ni Jayvee, hindi malaman ni Khei kung sinadya ba talaga nito ni Bradney na ilakas ito o ano, at saka bakit kailangan pa doon magkwentuhan sina Alex at Bradney, tila ba sinasadya na marinig niya ito.

(RING RING)

Sinagot ni Khei ang tawag sa kaniyang cellphone. Si Cheche ang tumawag sa kaniya, hindi nya inaasahan ang tawag na iyon noong araw na iyon.

“Ui, ano nga pala ulit name nung guy na

kasamahan mo diyan na galing din dito sa school?” Tanong ni Chechei, nagtaka naman si Khei kung bakit ito bigla niya naisipan itanong.

“Bakit??” tanong ni Khei.

“Basta, sabihin mo na lang ….” Sabi ni Cheche

“Teka …” sabi ni Khei, hindi niya kasi magawang sabihin dahil nasa quarters siya , kasama sina Bradney at Axel, kaya tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumabas sa quarters nila.

“Jayvee … bakit ba kasi?” pabulong na sinabi ni Khei.

“Ano last name?” tanong ulit ni Cheche.

May paparating na kasmahan ni Khei, kaya hindi niya magawang sabihin ito kahit pabulong. At ng malapit na itong kasamahan niya sa kaniya, kinantyawan pa siya nito.

“Tama na yang cellphone, magpahinga ka na lang ….”

Napangiti lamang si Khei, at saka pabulong na sinabi ang last name ni Jayvee, pagkalampas ng kasamahan nito sa kaniya.

“Ah, siya ata tong nandito ngayon eh …” sabi ni Cheche, napaisip bigla si Khei kung bakit nandun ito si Jayvee.

“Paano mo naman nasabi? Ano naman gagawin niyan diyan?”, nagtatakang tanong ni Khei.

“In fairness, gwapo niya talaga ah, ang ganda manamit, tapos yung tindig….” Sabi ni Cheche, na parang kinikilig.

“Gwapo???? Aba baka hindi sya yan!” sabi ni Khei na medyo natatawa pa.

“Hindi, siya ata toh, ano itsura ulit nun?” tanong ni Cheche.

“Alam mo na naman, itsura nun eh …

Nakita mo na sa personal diba? Dun sa gimikan natin?” sabi ni Khei, dahil ayaw niya ito ilarawan pa.

“Bili na kasi …

Nakalimutan ko na eh …” sabi ni Cheche, na parang gustong-gusto malaman ang itsura ni Jayvee.

“Maputi, medyo chinito na mukhang koreano …

Medyo chubby, pero di gaano sakto lang …

Di katangkaran, magka height nga lang ata kami …

Tapos medyo malaki tiyan, mahilig kasi uminom …”

Tiningnan ni Cheche ang lalake, at sakto lahat ang sinabi ni Khei na paglalarawan dito.

“Siya nga ito … Ang gwapo niya talaga…” sabi ni Cheche, na kinikilig.

“Pagkatapos mo dati lait-laitin yan, biglang sasabihin mo ngayon gwapo???” sabi ni Khei.

Natawa si Cheche, noong time naman kasi na linait niya yun hindi pa niya ito nakikita sa personal, at saka mula ng narinig niya itong kumanta mas lalo siyang nagwapuhan kay Jayvee. Minsan kasi talaga may mga taong hindi photogenic, pero pag sa personal doon mo makikita ang tunay na kagandahan/kagwapuhan nito.

-------------------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon