Chapter 49: Chances Are

26 0 0
                                    

Makalipas ang limang taon, isa ng ganap na doctor si Jayvee, gayon din si Khei. Nakatapos na sa masteral si Selena at siya na ang Vice-President ng Montemayor Inc., habang sina Pau at Telay naman ay nakatapos na din sa kanilang mga pag-aaral. Madami ng nagbago, sa isang taon nga lang marami na ang pwedeng magbago, ano pa kaya ang limang taon?

(KRIIIIIIIING)

“Hello” sabi ni Khei pagkasagot ng kaniyang cellphone.

“Khei!!! Finally, nakontak din kita!” sabi ni Telay na tuwang-tuwa.

“Oh? Telay, bakit ka napatawag?

Sorry, I’m busy kasi. You know naman, daming work sa hospital” sabi ni Khei

“Ever since nakuha ko yung number mo nung umuwi ka dito,

hindi man lang kita makaUsap, dahil parating answering machine

ang nasagot sa tawag ko, akala ko ayaw mo lang ako makausap

di ka man lang nag-call back kahit isang beses” sabi ni Telay na medyo nagtatampo.

“I’m so sorry, pero diba we still catch up pa din naman

kapag nagkaka-chat tayo sa skype. When was the last time I saw you?” tanong ni Khei

“Nung umuwi ka 4 years ago pa ata yun,

anyway the reason I called is just to ask you

if narecieved mo na ba yung invitation” tanong ni Telay, na medyo excited.

“Yeah, (Sabay kinuha yung invitation card sa drawer sa tabi ng bed niya)

Wedding invitation niyo ito ni Pao diba?” tanong ni Khei, habang tinitingnan yung card.

“Ay hindi? May iba pa ba?

Syempre, kasal naming yan ni Pao eh.

Kanino pa ba ako ikakasal eh di syempre sa

PRINCE CHARMING ng buhay ko!” sabi ni Telay sabay tawa ng malakas, napangiti si Khei.

“Sira ka talaga!

Naninigurado lang ako nuh,

baka kasi alam mo na” sabi ni Khei.

“Hay naku, wag mo kaming itulad sa inyo ni Pao.

Basta umatend ka ha? Pag wala ka sa wedding

kalimutan mo na may kaibigan ka dito sa Pilipinas!” sabi ni Telay sabay pinutol ang linya.

Napangiti na lang si Khei, nang sinabi ni Telay na wag silang itulad sa kanila. Alam niyang si Jayvee ang tinutukoy nito, naisip niya tuloy kung kamusta na kaya ito. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang naging sila Telay at Pao, ngayon ikakasal na sila. Sisimulan na nila ang isang bagong yugto sa mga buhay nila ng magkasama. At dahil sa kasal nila Telay at Pao, kakailanging bumalik ni Khei sa bansa pero hindi niya alam kung handa na ba siyang bumalik at harapin ang katotohanan, hindi niya alam kung ano ang aabutan niya pagbalik niya sa PIlipinas, paano kung magkita sila ulit ni Jayvee?

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon