Chapter 46: Madly In Love

10 0 0
                                    

Isang araw, nakita ni Selena na nagPark ang sasakyan ni Jayvee sa school at may babaeng bumaba dito. At maya-maya pa ay hinabol ito ni Jayvee, saka hinalikan sa pisngi saka kumaway para mag-paalam. Hindi maipinta ang itsura ni Selena ng mga panahong iyon, gusto niya lapitan si Jayvee pero hindi niya magawang kumilos sa kinatatayuan niya.

Habang nag-drive si Jayvee papauwi sa kaniyang bahay mga 10:30pm na iyon ng biglang may tumawag sa kaniya, unknown number,  at sinagot niya ito.

“Jayvee, come here to my place right now”

Nagulat si Jayvee sa sinabi ng tumawag sa kaniya, hindi niya ito nabosesan.

“Teka, sino ka ba?” tanong ni Jayvee, tumawa ang babae.

“Jayvee, baby have you forgotten me already.

Seven months lang limot mo na ako?” sabi ni Selena.

“Selena, we’re over. Stop this” sabi ni Jayvee, at ngumisi lamang si Selena.

“Just come here, I need you.” Sabi ni Selena.

“You know what Selena, ilang beses na may lumapit sakin.

At sinabi yan, stop destroying your life because of me.”

“Jayvee, my life is completely in mess without you.

I rather die than to live without you.”

“Selena, wag mo nga sabihin yan.”

“I’ll wait for you till 12mn, I know that you will come”

(TOOOOT)

Selena hung up on Jayvee. Hindi sana pupunta si Jayvee, pero naisip niya paano kung may gawing hindi maganda itong si Selena, sa mga sinabi niya kasi parang wala na sa ayos nap ag-iisip ito kaya naman naisip niya na pumunta sa condo unit nito kahit gabing-gabi na.

12:00 AM (Jayvee’s time of arrival)

Dali-dali umakyat si Jayvee sa floor ng unit ni Selena, at pagdating niya doon agad siyang nag-doorbell pero hindi binubuksan ni Selena ang pinto. Tinawag niya ito sa pangalan niya at kumatok pero walang nasagot kaya naman naisipan na niya buksan ang pinto. Laking gulat niya dahil hindi pala ito nakaLock.

12:20 AM (Jayvee opened the door)

Pagkapasok niya sa loob agad niyang hinanap si Selena, wala ito sa living room kaya naisip niya na baka nasa room niya ito. Pagkapasok niya sa loob ng kwarto nito nakita niya si Selena na walang malay sa higaan nito, nakabulagta at may bote ng alak sa tabi nito at isang bote ng sleeping pills na wala ng laman. Agad na binuhat ni Jayvee si Selena para itakbo sa pinakamalapit na ospital.

Makalipas ang dalawang oras wala pa ding malay si Selena, hindi mapakali si Jayvee kahit sinabi na ng doctor na magiging maayos din ang lahat. Mabuti nga at naisugod agad sa ospital itong si Selena dahil kung hindi malamang ay wala na siya ngayon.

“Jayvee Lorenzo ano ang nangyari kay Selena?

Ano na naman ba ang ginawa mo?” galit na tanong ng lalaki habang papalapit kay Jayvee.

Napatingin si Jayvee sa lalake at napatayo sa kaniyang kinauupuan at umiling. Pagkailing niya bigla na lang siyang sinapak sa mukha ng lalake at napasubsob si Jayvee sa upuan na bakal.

“I knew it from the very start!

Hindi ka talaga makakabuti para sa anak ko!

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon