Chapter 5: CrushMates

55 0 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas, dumaan ang pasko at bagong taon. Ilang buwan na lang ay matatapos na ang semester, hanggang sa puntong iyon ay hindi pa din nagkakaroon ng pagkakataon si Khei na makausap man lang si Mickey. Kahit kasi madalas pagkatapos ng class nila ay nagkakasalubong sila, nakikita niya ito madalas sa canteen at minsan hindi namamalayang nasa likod lang pala niya ito naglalakad, hind talaga sila nagpapansinan kahit magkaklase sila. Ganoon kasi ata talaga eh, kapag open section pupunta ka lang sa class mo para makinig ng lesson at pagkatapos aalis na, di mo naman kasi kailangan makipagClose pa sa mga classmates mo dahil ilang buwan mo lang naman sila makakasama tapos wala na. Di na ulit kayo magkakaklase.

Isang araw, nagkaroon ng groupings sa klase nina Khei. Kailangan nila bumuo ng grupo para sa debate nila at nagkataon naman na naging magkagrupo si Khei at Mickey. Umpisa pa lang talaga ng pinagbilang sila ng one to four, hinahangad na ni Khei na maging kagrupo niya si Mickey at WISH GRANTED dahil naging magkagrupo sila.

Nagpunta na sila sa kanilang mga kagrupo, at pagpunta ni Khei sa grupo nila ang bakanteng upuan ay sa tabi ni Mickey, nakatingin sa kanya ito at para bang inaantay kung tatabIhan siya ni Khei. Nagdadalawang isip si Khei kung tatabi ba siya kay Mickey o hindi. Papalapit na si Khei sa bakanteng upuan sa tabi ni Mickey ng biglang nakita ni Khei ang kanyang kaibigan sa klase na si Andrea.

“May nakaupo na diyan?” tanong ni Andrea, agad namang umiling si Khei kaya siya na ang naging katabi ni Mickey. At doon na lamang tumabi si Khei kay Andrea. Napatingin si Mickey sa kanya at kay Andrea.

Sinumulan na nila ang pagtalakay para sa kanilang debate, si Khei ang tumayong lider dahil wala namang may gusto na maglider at siya ang rinekomenda ni Andrea dahil sa lahat naman sa kanilang magkakagrupo si Khei ang may kapasidad na maging lider.

Kinakausap ni Khei ang kanyang mga kagrupo pero lahat sila kapag tinatanong niya ay puro hindi alam kung ano ba dapat ang gawin nila kaya naman pinasulat na lang ni Khei sa mga kagrupo niya ang mga naiisip nitong idea. Nang binigay sa kanya ang mga papel, natawa siya doon sa isang papel dahil sa haba ng nakasulat doon ay paulit ulit lang naman ito.

“Kanino ito?” tanong ni Khei habang natatawa.

Tinuro ng mga kagrupo niya si Mickey, sabay tanong kay Khei “Okay na ba yan?” habang medyo yumuyuko yuko at nakagat sa labi.

Napangiti si Khei at sabay sabi ng “Oo, okay na ito. Nakuha ko punto mo.”

Biglang tumunog ang bell, ibig sabihin tapos na ang oras ng klase, pero hindi pa sila tapos magplano para sa kanilang debate. Kaya nagSuggest ang isa nilang kagrupo na ilagay na lamang sa isang papel ang kanilang mga facebook accounts at cellphone numbers para naman magkaroon sila ng contact. Walang balak si Khei na ipalagay iyon sa kanila pero sa isip isip niya pabor sa kanya iyon dahil makukuha niya ang number ni Mickey ng walang kahirap hirap, magkakaroon na din siya ng rason na i-add si Mickey sa facebook.

Kinagabihan ng araw na iyon, inAdd agad ni Khei si Mickey sa facebook at agad agad naman siya nitong inAccept, maya-maya lang biglang nagChat si Mickey sa kanya. Puro tungkol sa debate ang pinag-uusapan nila, isang oras na silang magkaChat at medyo gabi na din, hanggang sa biglang nagMessage si Mickey na iText na lang daw siya ni Khei para sa mga detalye na may kasamang smiley face. Napangiti si Khei, kasi iyon na ang pagkakataong inaantay niya.

Kinabukasan, nagText si Khei kay Mickey, agad agad itong nagReply. Halos buong araw magkatext sila pero syempre puro tungkol sa debate nila ang piang-uusapan nila.

“Baka ako lang ang active sa group natin ah?” text ni Mickey kay Khei.

Agad-agad naman itong sinagot ni Khei na hindi lang siya ang active pero ang totoo siya lang talaga ang active dahil siya lang naman ang tinext ni Khei.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon