Chapter 18: The Party

32 0 0
                                    

Isang araw sinama ni Khei si Telay sa isang party ng kaibigan niya, pagkadating nila doon sa party nakita ni Khei sina Mye at Rye, agad naman niya itong binati at pinakilala si Telay.

“Ui, pupunta si Naye at Pau dito.” Sabi ni Rye, napangiti si Khei at tumingin kay Telay.

“Ano?” tanong ni Telay, natawa na lamang si Khei.

Makalipas ang ilang segundo dumating na sina Naye at Pau na magkasama. Binati sila nina Rye at Mye, lumapit ang dalawa at pinakilala sila kina Telay at Khei.

“Paul James, this is Kyla, short for Khei.

And Telay, Thelma Sy.” Sabi ni Mye, ngumiti si Pau sa dalawa, at napatingin si Naye kay Thelma.

Nahahalata kasi ni Naye na parang may iba kay Telay (Thelma), kakaiba kasi ang reaksyon nito ng ngumiti si Pau, yung parang kinikilig pero nagpipigil lang.

Nasa iisang table sina Khei, Telay, Naye, Pau, Rye at Mye. Dahil sila ang magkakakilala, kaya sila ang nagsama-sama sa iisang table. Habang nagkakaroon ng kasiyaan, busy naman kumain ang anim sa kanilang table, naunang matapos kumain si Pau, at may nag-alok dito na uminom ng alak. Agad namang pumayag si Pau, at game na game na nakipag-inuman at ng magtagal na pinakanta siya ng mga kainuman niya sa isang videoke machine, at agad din namang ito kumanta. Habang kumakanta si Pau ng “Crazy For You”, syempre tuwang tuwa si Naye pakiramdam niya kasi ay dedicated ang kantang ito para sa kanya. Syempre si Telay ay kinikilig din, pero ayaw niyang ipahalata. Napapangiti na lamang si Khei, dahil alam niyang nagpipigil lang si Telay para hindi mahalata na kinikilig na ito. Maya-maya pa ay biglang nagRing ang cellphone ni Naye, kaya kinailangan nitong umalis sa lugar dahil maingay. Lumabas muna siya sa place of event, at doon nakipag usap. Sakto naman na ang next song na kakantahin ni Pau ay duet song, hindi naman pwedeng kantahin niya ito ng solo, kaya naman gusto ni Pau na may sumabay sa kanya sa pagkanta. Syempre ayaw ni Mye, Rye at Khei pumayag na sabayan si Pau, hindi naman niya maintay si Naye dahil mukhang matatagalan pa ito sa pakikipag-usap sa labas kaya naman naisip ni Pau na si Telay ang ayain dahil nakaupo lamang ito sa gilid at tahimik.

“Telay? Sing with me..” sabi ni Pau, sabay ngiti at abot ng mic.

Syempre, nagulat si Telay sa ginawa ni Pau, gusto niyang tumanggi pero nahiya na siya dahil kinantwayan na siya ng mga tao doon. Agad siyang tumayo at kinuha ang mic, tumabi sa kanya si Pau at sakto namang nagPlay na ang song na kakantahin nila, “You Are The One” ang title ng song. Feel na feel ni Pau ang pagkanta, habang si Telay naman ay medyo nahihiya-hiya pa. Awkward nga naman kasi na kumanta ng ganoong kanta kasama ang crush mo, pero nung nagtagal na unti-unti nawala ang hiya ni Telay, at naFeel na din ang pagkanta ng song.

You are the one that I’ve been waiting for..”

Habang kinakanta yan ni Pau, dahan dahan siyang lumapit kay Telay at tinitigan siya nito sa kanyang mga mata, ginawa yun ni Pau para kiligin ang mga nanunuod sa kanila, nagulat si Telay sa ginawa ni Pau at ng turn na niya para kumanta biglang nawala sa tono si Telay, natawa sila Rye, Mye at Khei pati pa ang iba pang nandun sa party. Sakto naman na dumating na si Naye, at nagtataka siya kung bakit nagtatawanan ang mga tao. Nakita niya na nakanta sina Telay at Pau, pero hindi na niya nakita ang eksena kung saan nakatitig sa mga mata ni Telay si Pau, pagkadating niya naka distansya na si Pau kay Telay, at natawa na ng natawa si Pau habang nakaharap kina Rye at Mye na nanunuod sa kanila ni Telay.

Pagkatapos nilang dalawa kumanta, si Naye at Pau naman ang kumanta. Naupo na lamang sa gilid ulit si Telay, napansin ni Khei na parang hiyang hiya pa din siya sa nangyari. Biruin mo nga naman, noong una ang ganda ganda ng pagkakakanta niya sabay biglang sablay dahil sa ginawang paglapit ni Pau sa kanya. Nakakahiya nga naman kasi na mawala ka bigla sa tono ng kinakanta mo.

“Okay lang yun, nakaKota ka naman…” pabulong na asar ni Khei kay Telay, sabay ngisi.

Tumingin lamang si Telay sa kanya, sabay huminga ng malalim.

Makalipas ang isang linggo mula noong maganap ang party, nakatambay si Telay noon sa school canteen nila at wala noon sa school si Khei dahil nasa duty niya ito sa hospital. Tuwing naaalala niya ang nangyari noong party, nahihiya pa din siya kaya nga nauna na sila umalis ni Khei bago pa bumalik sina Pau at Naye sa table nila. Nahihiya kasi siya baka asarin siya ng mga ito kaya naisip niya na mabuti pang umalis na agad sila doon. Papaalis na si Telay noon sa canteen ng mahulog bigla ang ballpen na nakasabit sa kanyang bulsa at pinulot niya ito. Pagkatayo niya, papalakad na siya noon ng may makabunggo siya, pagkatingin niya si Pau ang nakabunggo niya. Hiyang hiya si Telay, at di malaman ang gagawin, biglang ngumiti si Pau sa kanya at nagsalita.

“Telay” sabi ni Pau.

“Pau…” sabi ni Telay, habang nakatingin kay Pau na sobrang lapit sa kanya.

“Bigla kang nawala sa party, ano nangyari?” tanong ni Pau, sabay atras si Telay para magkaroon naman sila ng distansya ni Pau.

“Ah, eh kasi… ano eh…” di alam ni Telay kung anong sasabihin niya, medyo natatawa si Pau.

Ah, ano ba yung eh kasi ano na yan?” sabi ni Pau, sabay ngisi. Natawa si Telay sa sarili niya, sabay kamot sa ulo.

“Kailangan ko na umuwi nun, pinauwi ako eh.” Sabi ni Telay, napatango na lang si Pau.

Dahil nasagot na naman ni Telay ang tanong ni Pau, naisip nya na maigi pang umalis na siya, mukha naman kasing naniwala si Pau sa palusot niya, pero nung patalikod na siya biglang nagsalita si Pau.

“Ang ganda ng pagkakanta mo nung una dun sa song.

Ano nangyari nung huli?” tanong ni Pau sa kanya, kaya bigla siyang napaharap ulit.

“Ah, kinabahan na kasi ako eh, ang dami ng nanunuod…” sabi ni Telay, sabay hawi sa buhok niyang pumaling sa mukha niya.

“ah…” sabi ni Pau, sabay hawak sa buhok ni Telay.

Nagulat si Telay, sa ginawa ni Pau, kaya naman napatingin siya kay Pau.

“oh…” sabi ni Pau, sabay pinakita kay Telay ang maliit na papel na nakuha niya sa buhok nito.

Natawa na lamang si Telay, akala niya kasi kung ano na eh. Siguro nakuha niya iyon nung pinulot niya yung ballpen niya, baka nahulog yun mula sa table.

-----------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon