Chapter 39: Hart Hart Day

25 0 0
                                    

Pagkagising ni Khei, agad niyang binuksan ang TV, at agad din itong pinatay matapos marinig ang HAPPY VALENTINE’S DAY. Hindi naman sa pagiging bitter, pero si Khei kasi yung tipo ng tao na ayaw ng mga ganiyang klaseng okasyon. Para kasi sa kaniya, isang araw lang naman iyon, at ginagawang sobrang BIG DEAL ng ibang tao. Na tipong yung iba, halos ibenta na ang sarili magkaroon lang ng ka-Date sa araw na iyon. At yung iba, kung makapagDrama eh akala mo ikamamatay nila sa oras na wala silang ka-Date sa araw na iyon.

Nataon naman na may duty si Khei sa araw na iyon, pagkapasok niya agad siyang binate ng mga kasamahan niya at inakap siya ng mga ito ng mahigpit. Tanging tipid na ngiti lamang ang ipinakita niya pagkatapos siyang akapin ng mga ito.

“Bitter much girl?” tanong ni Johanne, umiling lang si Khei.

“Palibhasa kasi wala yan kaDate” pang-aasar ni Emmet, napatingin lang si Khei at saka binuksan ang locker niya, nasa quarters kasi sila noon.

“Marunong ka ba magmahal?” tanong ni Emmet, napatigil sa pag-aayos ng locker niya si Khei.

“Ano ba namang klaseng tanong yan?” tanong pabalik ni Khei kay Emmet.

Ngumiti si Emmet sa kaniya at biglang napataas ng kilay.

“Alam mo, hindi naman porket NBSB ka ay ibig sabihin na noon ay

HINDI KA MARUNONG MAGMAHAL …

Maari naman kasing nagmahal ka na, hindi nga lang naging kayo.

Hindi ka lang nagkaroon ng chance na maipadama iyon sa taong mahal mo

dahil iba ang tinitibok ng puso niya ….

Mayroon nga mga taong ilang beses na nagkaroon  ng relasyon

pero hanggang ngayon HINDI PA DIN ALAM KUNG ANO ANG PAGMAMAHAL …

Hindi naman kasi basehan yung pagkakaroon ng relasyon

sa pagiging marunong sa pagmamahal …” sabi ni Khei, habang nakaharap sa kaniyang locker, at saka tumingin kay Emmet.

Nagulat si Emmet sa sinabi ni Khei, pati si Johanne kaya ang tanging nasabi na lamang ng mga ito ay:

“HUGOT!!!”

At sila ay nagtawanan na lamang.

Noong araw na iyon, hindi na inaasahan ni Khei na magkikita pa sila ni Jayvee, dahil alam namang niyang mas maaga siyang uuwi kesa dito. Kaya maaring hindi na sila magpang-abot pa, ngunit sa di inaasahang pagkakataon nautasan itong si Khei na pumunta sa department nina Jayvee. Sinabi niya sa sarili niya, na hindi siya gagawa ng paraan upang magkita sila sa araw na iyon, dahil ang gusto niya ay kusa lamang para mas nakakakilig. Pagpunta niya sa department nina Jayvee, nasa loob ng office ito at nakatalikod kaya naman hindi siya nito nakita, inaantay pa sana niya na humarap ito kasi hindi ito humaharap. Kaya naman naisip niya na siguro hindi talaga sila magkakakitaan sa araw na iyon. Pasakay na sana si Khei ng elevator, ng bigla namang may kumausap sa kaniya, kaya naman lumagpas ang elevator na padating. Maya-maya pa ay lumabas na sa office si Jayvee, at pasakay din ng elevator, magkakasabay sana sila kaso nagpasama ang kumausap kay Khei sa comfort room, na nasa kabilang side ng hallway.

Paglabas nila ng comfort room, wala na si Jayvee sa tapat ng elevator kaya naisip niya na baka nakasakay na ito, ang tagal bago dumating ng susunod na elevator kaya naman naisipan niya at ng kasama niya na bumaba ng isang floor para doon na ito intayin. Habang papalakad sila sa tapat ng elevator biglang may isang lalake na paparating at pumindot ng button ng elevator may hawig ito kay Jayvee, at pumasok agad sa elevator, dali-dali naman sila pumasok at baka maiwan sila.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon