Hanggang sa ngayon ay pilit pa din na umiiwas si Khei kay Jayvee, dahil sa ayaw niya ng komplikadong sitwasyon. Pero kahit anong iwas niya, itong mga kasamahan niya ay nilalapit siya dito kay Jayvee. Hindi alam ng mga kasamahan niya na umiiwas siya dito kay Jayvee, at lalong ayaw niya ipaalam sa mga ito dahil tiyak na mag-uusisa ito kung bakit.
Isang araw, naguguluhan na talaga si Khei sa mga nangyayari. Dahil kahit anong iwas niya dito kay Jayvee ay nakikita at nakikita pa din niya ito, kung iisipin naman kasi talagang malaki ang chance na magkita silang dalawa dahil unang-una sa iisang hospital lang sila nakaDuty, pangalawa same department pa sila. Pero hindi maalis sa isipan ni Khei na yung iba naman niyang mga kasamahan ay hindi niya nakikita kahit na same time pa sila ng duty, may kaniya kaniya kasi silang lugar. Pero ito si Jayvee, na hindi naman niya ka-same time ng duty eh mas madalas pa niyang nakikita. Kaya naman humingi na siya ng sign, talaga tinaon niya na sa araw na iyon kasi alam niya na walang pasok ng araw na iyon si Jayvee. Ang hiningi niyang sign ay kapag nakita niya si Jayvee sa araw na iyon, na imposibleng mangyari dahil wala itong pasok, ay ibig sabihin noon ay meant to be silang dalawa.
Dumating na yung araw na walang pasok talaga si Jayvee, papasok pa lang noon si Khei at hindi niya inaasahan ang mangyayari noong araw na iyon. Nakita niya si Jayvee sa hospital, hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit ito nandoon, pero isa lang ang alam niya, nagkatotoo ang sign na hinihingi niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya noong araw na iyon, para bang naiinis siya na hindi maipinta ang pakiramdam niya noon. Hindi din naman kasi yun ang unang beses na humingi siya ng sign, pero ayaw niya pa din maniwala. Sa tingin niya coincidence lang ang nangyari noon, kaya naman humingi pa siya ng one last sign.
Manonood noon ng concert sina Khei at mga kaibigan niya. Nang nasa mismong event place na sila, bigla siyang nagbanggit ng song title, at kapag iyon ang unang kinanta ng singer, ibig sabihin confirmed lahat ng signs. MEANT TO BE nga sila ni Jayvee for each other no doubt. Sa di inaasahang pagkakataon, natupad na naman yun sign na hinihingi ni Khei. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaction niya, para siyang naiiyak na natutuwa na ewan habang pinapakinggan niya na kumakanta yung singer.
“Nung una yung sa twitter, kapag nakita ko siya kinabukasan. Crush ko nga siya.
At nakita ko siya, kahit na hindi naman kami madalas nagkikita ng ganung araw…
Pangalawa, yung nakita ko siya kahit wala siyang pasok. Tapos ito ngayon,
pangatlo na….” sabi ni Khei sa isip niya.
Talaga nga naman pwede maging POSIBLE ang IMPOSIBLE, hindi talaga makapiniwala si Khei sa mga nangyayari sa kaniya. The first time kasi na mangyari yung sign pwede pa ituring na aksidente lang na nangyari, second time pwede namang coincidence lang. Pero yung third time? Iba na kasi eh, lalo na kung lahat ng signs na hinihingi niya ay sunod-sunod na nangyayari at walang palya ito. Hindi niya alam kung dapat na ba siyang maniwala, o patuloy na kwestyunin ang mga nangyayari sa kaniya.
Isang araw nagkaroon sila ng team building, walang balak sumama noon si Khei pero dahil kailangan, pumunta na siya. Pagdating niya kung saan sila magkakaroon ng team building halos wala pang tao, maya-maya pa ay nakita na niya si Jayvee paparating, bigla siyang nakipag-usap sa iba para kunwari hindi niya ito nakitang paparating. Napansin niya na umupo malapit sa kinaroroonan nila itong si Jayvee, pero hindi niya ito pinansin. Bago magsimula ang team building, pinaayos na sila ayon sa kanilang mga kagrupo dahil ang ayos ng upuan ay base kung sino ang kagrupo nila. Nataon naman na magkatabi ang grupo nina Jayvee at Khei, kaya naman muntik pa magkatabi ang dalawa. Pero gumawa ng paraan si Khei para hindi sila magkatabi, sa may bandang likod siya umupo habang si Jayvee ay nasa bandang unahan lang niya.
Nagsisimula na magsalita ang speaker sa harap ng stage ng mapansin ni Khei na parang may nakatingin sa kaniya at napansin niya na si Jayveeang nakatingin sa kaniya. Hindi niya ito pinansin, maya-maya pa ay napansin niya na lingon ito ng lingon kaya naman medyo naalibadbaran na siya kaya naman bigla niya kinausap yung katabi niyang si Emmet para naman malibang siya at di na mapansin si Jayvee na lingon ng lingon sa kaniya. Nang nagtagal nagkaroon na ng activity para kanilang team building, hindi mesyado nasali si Khei dahil ayaw niyang magkikilos ng araw na iyon. Nakaupo lang si Khei sa side ng pwesto ng team nila, ng mapansin niya na biglang lumipat doon banda sa unahan kung saan siya nakaupo itong si Jayvee. Hindi niya alam kung bakit ito lumipat doon, hindi naman kasi dapat umupo dun si Jayvee dahil hindi sila magkagrupo. Hanggang sa naghahanap ng participant para sa activity ang MC ng team building nila, inuudyukan sumali si Khei ng isa nilang kagrupo pero ayaw niya, at bigla itong namersonal.
“Oi, wag ka ngang ganyan kay Khei, girlfriend ko kaya toh” sabi bigla ni Jaydee, sabay akbay kay Khei at hinilig siya papalapit sa kaniya. Magkatabi kasi silang dalawa ni Khei.
Si Jaydee ay isa din sa mga co-interns ni Khei, hindi sila nito mesyado close at nito lang sila nagsimulang magkasama nina Khei.
Hindi alam ni Khei kung ano ang sasabihin niya pagkarinig niya ng sinabi ni Jaydee, dahil nasa unahan lang banda si Jayvee at natatakot siya na baka narinig nito ang sinabi ni Jaydee. Noong una, gusto sana niya sabihin ng pabiro sa namemersonal sa kaniya na ”isusumbong kita kaya Jayvee” pero hindi na niya ito nagawa dahil sa sinabi ni Jaydee. Kaya naman bigla na lang sinabi ni Khei ng hindi nag-iisip na:
“Oo nga boyfriend ko kaya ito si Jaydee…” sabi ni Khei, sabay turo nan aka pogi sign kay Jaydee, pero pinahaging niya kay Jayvee na nasa unahan lang banda.
Hindi iyon nakita ni Jayvee, dahil nasa unahan siya at nakaharap siya sa stage, kaya kung sakali man naririnig lang niya ang usapan nina Khei. Lumipas lang ang ilang segundo pagkasabi ni Khei na boyfriend niya si Jaydee, biglang tumayo sa kinauupuan nito si Jayvee at bumalik sa kaniyang mga kagrupo. Napansin iyon ni Khei, at sa hindi malaman na dahilan para bang nag-iba ang pakiramdam niya. Pakiramdam kasi ni Khei, narinig lahat ni Jayvee ang mga sinabi niya at pati ang sinabi ni Jaydee dahil medyo malakas ang pagkakasabi nito. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya kaya umalis si Jayvee dahil sa narinig nito at baka nagselos ito. Pero hindi naman siya sigurado kung iyon nga ang dahilan, basta ang alam niya gusto niya bawiin ang sinabi niya na boyfriend niya si Jaydee dahil hindi naman iyon totoo pero hindi niya alam kay Jaydee kung seryoso ba ito nung sinabi niya iyon.
Matapos ng nangyari napansin niya na parang nag-iba ang mood nitong si Jayvee, noong una kasi napaka-active nito sa mga activities ng team building pero mula nung nangyari yun bigla na lang wala na itong gana sumali. Hanggang sa noong picture taking na, napansin ni Khei na parang sa kanila banda nakatingin ito si Jayvee, pero hindi siya sigurado na sa kanila nga ito ni Jaydee nakatingin pero para naman kasi ang layo ng tanaw nito mula sa camera, para bang lagpas-lagpasan naman ang tingin niya. Pero naisip niya na baka siya lang ang nag-iisip noon.
Kinagabihan lang ng team building activity nila, agad na nag-online si Khei dahil gusto na niya makita yung pictures nila noong araw na iyon. Hanggang sa nakita niya ang picture ng team nina Jayvee, doon niya naConfirm na hindi nga nakatingin sa camera itong si Jayvee noong kinukuhanan ang grupo niya ng picture. Yun yung time na pakiramdam niya ay sa kanila itong nakitang si Jayvee, at ngayon sigurado na sya na malamang sa kanila nga ni Jaydee ito nakatingin. Kitang-kita sa itsura ni Jayvee sa picture na parang ang lalim ng iniiisip niya, at para bang may bumabagabag dito. Hindi lang alam ni Khei kung ano ba ang dahilan, kung siya ba ang dahilan? Hindi naman sa pagiging assuming pero hindi natin masasabi baka nga naman naapektuhan si Jayvee sa narinig niya, yun na lang na bigla siyang umalis pagkarinig ng sinabi nina Khei at Jaydee.
----------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...