Mag iisang buwan na din ang internship nila Khei sa hospital ng school nila, busy ang lahat sa kanilang mga trabaho, nang biglang kinausap si Khei ng isa sa kaniyang mga kasama sa duty at tinanong kung saang school siya nanggaling at kung saan ito. Sinabi ito ni Khei sa kanila at biglang nagulat ang mga ito sabay sabi:
“Talaga? Doon din galing si Jayvee eh! Same school pala kayo.”
Si Jayvee, ang lalakeng crush ng classmate ni Khei na siya namang titig na titig sa kaniya ng sinabi niya kung saang school siya nanggaling. Doon naisip ni Khei na kaya siguro titig na titig si Jayvee sa kaniya ay dahil sa iisa ang school na pinanggalingan nila. Naisip niya na baka iniisip ni Jayvee na nagkita na sila dati, kaya naman inaalala siya nito kaya siya tinitigan.
“Oh? Talaga? Anong year ba siya nag graduate doon?” tanong ni Khei, ngunit hindi alam ng mga kasama niya ang sagot.
At dahil sa nalaman ni Khei, hinanap niya sa facebook si Jayvee. Nilagay niya sa search box ‘Jayvee Lorenzo’ at biglang lumabas agad ang madaming Jayvee Lorenzo, pero may isang account na mayroon siyang mutual friend.
Tiningnan niya ang facebook account na ito, at nakita niya na si Jayvee nga na kasama nila sa hospital. TIningnan niya kung saang school ito nag-aral at tama nga ang sabi ng mga kasama niya, same school nga sila. At nakita niya na isa pala itong Med student sa kaniyang dream school. Bigla niya ngayon naalala na si Jayvee pala yung nakita niya dati sa FB na binalak niyang i-add. Iyon yung mga panahon na hinahanap niya sa facebook ang Kuyang Buko ni Cheche, ngunit si Jayvee ang nakita niya.
Isa ng third year Med student si Jayvee, walang nakalagay sa facebook kung kalian ang birth year niya, tanging birth date lang kaya hindi makwenta ni Khei kung ilang taon na si Jayvee. Pero kung pagbabasehan ang year of graduation ni Jayvee nung high school siya, he’s around 24-26 years of age. Tiningnan din niya kung kelan ito nagtapos doon sa former university na pinapasukan niya, at nalaman ni Khei na hindi na pala niya ito naabutan doon na nag-aaral, pero naabutan pa niya ito sa hospital ng school nila. Nakita niya kasi sa facebook na nagtrabaho pala si Jayvee doon sa hospital for 2 years, bago ito pumasok sa med school. Working student si Jayvee, kaya naman napahanga si Khei sa kaniya. Di tulad niya na puro asa sa kaniyang magulang, dapat nga ay tapos na siya sa kaniyang pag-aaral at papasok na sana siya sa med school kung naging matino lamang siya sa kaniyang pag-aaral.
Ngayon naalala ni Khei, kaya pala parang familiar ang mukha ni Jayvee noong una niya itong makita dahil madalas si Khei sa hospital dati, siguro doon niya ito nakikita kaya naman familiar siya sa mukha ni Jayvee. Sakitin kasi si Khei, kaya naman parang ikalawang tahanan na niya ang hospital.
Naisip ni Khei na i-add si Jayvee, pero nagdalawang isip ulit siya sa ikalawang pagkakataon na nais niya itong i-add.
Kilala naman kasi siya ni Jayvee, pero hindi naman sila close, kaya hindi na lang niya ito in-add.
Medyo napangiti si Khei dahil sa mga nalaman niya noong araw na iyon. Sino naman kasing mag-aakala na yung taong dati mo na palang nakakasalamuha ay makikita mo ulit at magiging magkakilala kayo. At yung taong dati binalak mo lang i-add sa facebook as friend ay magiging katrabaho mo. Parang ang liit ng mundong ginagalawan niyo para magkita kita kayo, hindi naman kasi lahat ng makikita mo sa facebook na mutual friends nyo ay makikilala mo talaga sa personal ng hindi inaasahan, para bang sinadya na pagtagpuin kayo.
-----------
Follow the creator of the story on twitter:
http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook:
http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...