Break time nila noon sa hospital at nasa canteen sila ng mga kasamahan ni Khei. Busy gumawa ng report si Khei sa kanyang laptop noon, habang nakain.
“Multi-tasking na naman siya oh…” palokong sabi ni Emmet kay Khei.
Pinaka-ayaw sa lahat ni Khei ay iyong iniistorbo siya kapag may ginagawa siya. Kaya naman napatingin siya kay Emmet ng medyo masama. Lumapit si Emmet sa kanya, sabay biglang nakipindot sa keyboards ng laptop ni Khei. Syempre nagulo ang sinusulat na report ni Khei kaya naman nag-init ang ulo nito at namura si Emmet. Napansin ni Emmet na nakatingin si Jayvee kaya naman nagsumbong ito dito.
“Jayvee, minura ako oh…” sabi ni Emmet, natawa lamang si Jayvee.
“Si Emmet naman ang nanguna eh..
Kamura mura kasi yung ginawa mo..” sabi ni Khei, napailing lamang si Jayvee habang natatawa.
“Hala sige, iiwan ka ng asawa mo…” sabi ni Emmet, Natawa si Khei kasi anong connect noon sa kanila, saka wala naman siyang asawa, boyfriend nga wala eh. Binatukan na lang niya si Emmet, wala din kasi siyang maisip na isagot.
“Jayvee, binatukan ako oh…” sumbong ni Emmet.
Tiningnan ni Khei si Jayvee, at tawa lang ito ng tawa, sa kakatawa ay namumula na ito. Napapaisip si Khei, bakit ba tuwing may ginagawa siya, kay Jayvee nagsusumbong si Emmet, hindi naman nila ito superior.
Oras na ng duty nila Khei, ng biglang nagRing ang cellphone niya. Malapit lang sa kanila si Jayvee noon, at napakaingay na ng cellphone ni Khei, kaya agad niya itong sinagot.
“Ano ba yan ang ingay…” sabi ni Jayvee, sabay tingin kay Khei.
“Hello…” sabi ni Khei, pagkasagot niya ng tawag.
“Punta ka mamaya, celebration ko dahil pumasa ako sa proper ko.” Sabi ni Rye, mula sa cellphone.
“Bahala na, duty ako ngayon. Pahamak ka, akala ko naman emergency. Bye.” Sabi ni Khei, sabay baba ng phone.
Hindi nakapunta si Khei sa celebration ni Rye, dahil napagod siya ng husto noong araw na iyon. Makalipas ang isang linggo, lumabas silang magbabarkada at nagkita sa favorite hang out place nila along Central Business District.
“Ano nangyari sa celebration mo?” tanong ni Khei, pagkakita kay Rye.
“Grabe, di ka maniniwala…
Nag sleep over kasi sa bahay si Mye at yung friend namin after nung party sa bar…
Tapos syempre doon ko sila pinatulog sa room ko.
Eh diba dalawa yung bed ko dun?
Isa yung single, isa yung double size na bed.” Sabi ni Rye.
“Oh, ano nangyari?” tanong ni Khei.
“Ito na, usapan kasi yung pinsan ko doon din matutulog sa room ko.
Bali ang magtatabi dun sa double size na bed ay yung pinsan at friend namin ni Mye.
Tapos kami ni Mye doon sa single bed magtatabi. Kaso itong pinsan ko hindi dun natulog.
Tuloy kinabukasan, naabutan kami ng Dad ko na magkatabi sa maliit na kama ni Mye.
Tapos mag-isa lang doon sa isang bed yung kaibigan namin” sabi ni Rye.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...