Medyo matagal na din simula ng unang magkakilala itong si Pau at Telay, at habang nagtatagal lalong nagiging close ang dalawa. Dati sa tuwing nanunuod ng game si Telay ni Pau, hindi ito alam ni Pau. Pero ngayon sa tuwing nanunuod si Telay alam na ni Pau na may isang babae na todo ang pagsuporta sa kaniya.
Isang gabi, gumimik sina Pau at David sa isang bar kasama ang mga kaibigan nila. Panalo kasi sila sa game nila kaya naman sila ay nagcelebrate, napansin ni David na medyo malalim ang iniisip nito ni Pau.
“Brad, ang lalim ng iniisip mo ah?” sabi ni David, sabay tabi kay Pau sa inuupuan nito.
Ngumiti lamang si Pau, sabay uminom ng alak, at huminga ng malalim.
“Ayaw mo pag-usapan? Kung ano man yan, kaya mo yan!” sabi ni David, sabay tayo, pero biglang nagsalita si Pau.
“Naranasan mo na ba yung feeling na….
Masaya ka sa tuwing kausap mo siya
yung parang ang gaan-gaan ng pakiramdam mo kapag kausap mo siya.
Kahit hindi naman siya yung babaeng mahal mo?
Minsan nga pakiramdam ko, mas masaya pa ako na kasama ko siya
kaysa doon sa babaeng nililigawan ko.” Sabi ni Pau, sabay inom ulit ng alak, napaupo bigla si David sa tabi niya.
“Hindi ko pa nararanasan yan, pero diba dapat mas masaya ka kapag kasama mo yung babaeng gusto mo.
Baka naman masiyahin lang na kausap yang tinutukoy mo.” Sabi ni David, sabay inom na din ng alak.
“Hindi eh, seryoso naman usapan namin.
Pero pag siya kausap ko happy lang, alam mo yun?
Hindi katulad pag si Naye, parang ang komplikado ng lahat pag siya kausap ko.” Sabi ni Pau, napailing si David.
“Brad, alam ko na nangyayari sayo.
Nagkakagusto ka na siguro dun sa babaeng tinutukoy mo.
Diba dati, masaya ka naman kay Naye kahit komplikado?
Baka naman nagsawa ka na sa set-up niyo?
Magulo kasi eh…” sabi ni David, sabay patong ng kamay sa balikat ni Pau.
“Siguro nga, hindi ko alam eh.
Ewan ko ba kasi kay Naye, ilang buwan na ako nangliligaw
Pero hindi pa din daw niya akong pwedeng sagutin eh.
Kaya mabuti na daw yung ganito, parang kami pero hindi.” Sabi ni Pau, sabay straight na inom ng isang bote ng alak.
“Sino ba yang nagpapagulo sa isip mo?” tanong ni David.
“Naalala mo yung babaeng kwenikwento ko sayo?
Yung babaeng lagi mong tinitingnan sa canteen?” sabi ni Pau, habang titig na titig kay David.
Inaalala ni David ang babaeng tinutukoy ni Pau, hanggang sa naalala na niya yung babaeng madalas tambay sa canteen na maputi at medyo singkitin tulad niya. Madalas ito ikwento ni Pau sa kanya kahit noong hindi pa magkakilala ang dalawa. Madalas kasi napapansin ni Pau na nakatambay ito mag-isa sa canteen at hindi ito tulad ng ibang babae na kapag nakikita siya ay tingin ng tingin at gustong gusto lumapit sa kaniya, kaya naman natuwa si Pau dito, gusto niya malaman kung bakit parang wala siyang dating sa babaeng iyon. Lingid sa kaniyang kaalaman, crush na crush siya nito ni Telay.
“I can remember na, I think na challenge ka lang diyan sa girl na yan.
Biruin mo naman kasi lahat nagkakandarapa sayo, pero sa kaniya parang wala kang dating eh.” Sabi ni David, sabay tawa.
Napatingin si Pau kay David, at napaisip kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya at parang naguguluhan na siya. Alam niya sa sarili niya na ang babaeng gusto niya talaga ay si Naye, pero kapag kasama niya ito si Telay, nagiging mas masaya siya, higit na mas masaya kaysa kapag si Naye ang kasama niya. Pakiramdam niya, nawawala na ang pagkagusto niya kay Naye, siguro matagal na rin kasi siyang nag-aantay pero walang nangyayari.
Minsan naman kasi kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kung hindi naman pinapahalagahan ng taong iyon ang pagmamahal na binibigay mo, dumadating sa point na napapagod din ang taong nagmamahal sayo ng lubos at sumusuko din. Para kasing ganoon si Naye, kapag kailangan ni Pau ng makakausap madalas busy ito, at halos wala ng time para makasama siya, pero pag si Naye ang nangailangan kay Pau, isang tawag lang at agad itong pumupunta. Pakiramdam ni Pau hindi pantay ang pagmamahal nila sa isa’t isa, kahit naman kasi hindi sila inamin naman ni Naye na mahal siya nito, pero hindi lang talaga pwede maging sila sa mga ilang dahilan na hindi niya magawang sabihin kay Pau kung ano ang tunay na dahilan.
Sa pagmamahal, meron talagang mas higit na nagmamahal, kadalasan naman hindi pantay eh. Pero hindi naman porket alam mong mas mahal ka ng taong iyon, ay mamimihasa ka na lang na gumawa ng mga bagay na alam mong pwedeng makasakit sa taong nagmamahal sayo.
-----------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...