Chapter 44: Face It!

15 0 0
                                    

Habang nasa taxi si Jayvee papauwi, naisip niya bigla ang nangyari. Kung bakit kaya biglang hinigit si Khei ng kasama nito at hindi natuloy sa paglabas.

(Flashback)

Papalabas na si Jayvee, nang makita niya na papalabas na din sina Khei. Pagkakita niya sa taxi, agad siyang sumakay dito.

“Boss san po tayo?” tanong ni Manong Driver.

“Huh? Saglit lang po” sabi ni Jayvee, habang nakatingin kina Khei na naglakad.

Nakatingin lang ang Manong Driver kay Jayvee at nag-aantay kung saan ito magpapahatid, habang siya naman ay nakatingin lang kina Khei, ng biglang hinigit ito ng kasamhan niya.

“Sige na Manong tara na sa South tayo” sabi ni Jayvee, at umandar na ang taxi.

Naisip niya nasayang ang pagkakataon niya para makausap itong si Khei dahil walang nangyari. Nasip niya na baka hindi pa ito ang tamang panahon para magkausap silang dalawa ni Khei.

Isang araw naglalakad si Khei papunta sa may elevator ng may makita siyang isang babae na nakatayo sa gilid ng pinto ng opisina sa may ospital. Nakita niya na nasa loob ng office si Jayvee, dahil may clear window ito na malaki. Pasakay na sa elevator si Khei ng biglang may sumigaw ng apelido niya at napatingin siya dito, kasamahan niya pala ang tumawag sa kaniya ng bigla namang bumukas ang pinto ng opisina at tumingin ang lalakeng nagbukas ng pinto sa direksyon ng kasamahan niya na sumigaw ng apelido niya at saka naman sa kaniya. Nagulat si Khei dahil si Jayvee ito, ang iniisip niya ay magagalit ito dahil sa pagsigaw ng kasamahan niya pero hindi nakatingin lang ito sa kaniya.

Habang nakatingin si Jayvee sa kaniya, napansin bigla ni Khei na ang cute ng mata ni Jayvee para itong may “TEDDY BEAR EYES” dahil bilog na bilog at itim ang pupils nito. Di nagtagal binaling na ni Jayvee ang tingin niya sa babae na nakatayo sa gilid ng pinto ng office at kinausap niya ito habang si Khei naman ay nakikipag-usap mula sa malayo sa kasamahan niyang tumawag sa kaniya. Maya-maya pa ay dumating na ang elevator kaya naman sumakay na siya, hindi maiwasan ni Khei na mapaisip kung bakit nag-iintay ang babae sa labas at di na lang agad ito pumasok sa office, alam niya na secretary iyon ng Medical Director ng ospital pero di niya mapigilan mapaisip kung ano ang kailangan nito kay Jayvee.

Rest day ni Khei ang araw ng Monday, ito ang araw kung saan nagpapakasasa siya sa pagtulog at pagkain sa kaniyang tahanan. Nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Nate:

“Wala ka bang balak pumunta?” sabi ni Nate, nagtaka si Khei.

“Pumunta? Saan? Ano meron?” taking-taka na tanong ni Khei.

“May seminar tayo ngayon! Ano ka ba?”

“Seminar? Teka unaware ako dun ah” sabi ni Khei, natawa si Nate.

“Sira! NagPost si Jayvee ah, di mo nabasa?

Naka-mention lahat ng pupunta dun” sabi ni Nate, napaisip si Khei.

“Yung post niya? Di naman ako kasama dun eh, kasama ba talaga ako diyan?”

Tanong ni Khei, narinig niya ang bungisngis ni Nate.

“Oo, pumunta ka na lang daw sabi ni Jayvee” sabi ni Nate.

“Huh? Hello? Hello?”

Nagtaka si Khei, pagtingin niya putol na ang linya. Ayaw niya sana pumunta pero naisip niya paano kung kasama nga talaga siya doon? Kaya kahit ayaw niya umalis ng araw na iyon pumunta siya. Pagdating niya sa lugar kung saan sila mag-se-seminar, nakita niya ang isa niyang kasamahan at dito siya sumama para may kasabay siya sa pagpasok sa pag gaganapan ng seminar. Habang naglalakad sila papasok sa function room, sakto naman na kakalabas lang ng elevator ni Jayvee. Tabi kasi ng elevator ang pinto ng function room, pagkakita ng kasama ni Khei kay Jayvee, binati niya ito. Napatingin ito sa kanila at sumenyas ng “Wait” biglang bumagal sa paglalakad ang kasama ni Khei, hindi naman niya pwede unahan ito pumasok sa loob dahil baka mahalata siya. Pagkatapos kausapin ni Jayvee ang isang lalake sa tapat ng elevator, lumapit ito sa kanila ng kasama niya habang papalapit ito sa kanila sinabi nito:

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon