Makalipas ang ilang buwan, halos lahat ng kasama ni Khei sa hospital ay close na sa isa’t isa. Ganoon din naman si Khei, medyo malapit lang siya pero di gaano. Mailap kasi si Khei sa tao, at hindi madaling magtiwala kahit maloko itong kasama. Ilang beses na din sinubukan ni Jayvee na maging malapit sa kanya pero madalas, wala namang nangyayari eh. Halos lahat kasi ng kasama nila, close na ni Jayvee, si Khei na lang ang hindi. Kaya naman gusto din niya mapalapit kay Khei.
Isang araw, galing si Jayvee sa kanyang MedSchool at dumiretso na siya sa hospital na pinagtratrabahuhan niya. Habang nasa sasakyan siya, may tatlong taong nakaputi na biglang tumawid sa kalsada. Maya maya pa ay pinarada na niya ang sasakyan niya at bumaba siya. At naglakad sa gilid ng sidewalk, nakita niya na sina Khei at ang mga kaibigan nito ang nasa kabilang side ng kalsada, wala sila sa side walk, halos nasa gitna na sila ng daan habang nagtatawanan. Sila pala yung biglaang tumawid, nakita ni Jayvee na papalipat na sa sidewalk kung saan siya naglalakad sila Khei. Nasa unahan na niya naglalakad sina Khei at mga kaibigan nito, kaya inunahan niya ito sa paglalakad. Gusto niya sana batiin ito, kaso mukha namang di siya papansinin dahil parang ang saya saya nila at baka mapahiya lang siya pag di siya nito pinansin. Nagmadali na siya pumasok sa gusali.
Lingid sa kaalaman ni Jayvee, nakita pala siya ni Khei. Naging katuwaan na kasi ni Khei at mga kaibigan nito na maghanap ng medyo may itsura at wala, habang nasa daanan. Habang nagtatawanan sina Khei at mga kaibigan nito, napansin niya na may medyo may itsurang lalake na naglalakad dun sa may gilid ng sidewalk. Singkitin ang itsura, maputi at yung usong-uso na hairstyle ng mga lalake ang ayos ng buhok nito. Balak sana niya ituro iyon sa mga kaibigan niya, pero nung naRealize niya na si Jayvee pala iyon hindi na niya tinuloy.
Habang nasa canteen sila Khei, napakadaming tao dahil lunch break. Maya maya pa ay nakita ni Johanne si Jayvee sa canteen at nakapila sa bilihan ng pagkain doon.
“Si Jayvee oh …” sabi ni Johanne sabay nguso dito.
Napatingin si Khei kung saan nakanguso si Johanne, at nakita niya si Jayvee na umalis na sa pila. At napatingin ito sa kanya, at dahan dahan inalis ni Khei ang tingin niya Kay Jayvee, sabay tumungo sa lamesa. Dumaan sa gilid ng table nila si Jayvee, ngunit hindi nila ito pinansin, medyo tumingin ito sa kanila bago tuluyang lumagpas sa kanila at lumabas ng canteen.
“Ui, bakit di niyo man lang pinansin si Jayvee?” tanong ni Johanne.
“Mukhang nagmamadali eh… Hayaan mo na siya …” sabi ni Khei.
“Ang choosy niya nuh? Ayaw ng pagkain sa canteen… haha” sabi ni Johanne, nangiti na lang si Khei.
Napansin ni Khei na kahit madaming nakakabiruan at parang kaClose si Jayvee, wala talaga itong kasa-kasama parati. Madalas mag-isa lang ito napunta sa canteen at kapag break time nila, mag-isa lang din ito. Parang kahit madami siyang kakilala, wala talaga siyang barkada.
Tapos na ang lunch break, pabalik na sila sa kani-kanilang duty sa hospital nang dumating si Jayvee. Naabutan niya na nagkwekwentuhan sina Khei at Emmet, isa din sa mga interns ng hospital na madalas nakaka-asaran ni Khei.
“Ano ba yan di ko nakita yung crush ko ngayon ….
Kapag di ko siya makita ngayon, di ko na siya crush…” sabi ni Emmet, sa malungkot na tono.
“Di lang makita, di na agad crush?
Di mo talaga siya crush … Ano ba dito yung crush mo?” tanong ni Khei, pero ayaw sagutin ni Emmet ang tanong niya kasi kapag sinagot daw niya madali na malalaman ni Khei kung sino yun.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...