Pagkauwi ni Rye mula sa hangout place nila nina Khei, naisipan niya na magbukas muna ng facebook niya. Nagulat siya ng makita niya ang isang tagged photo sa girlfriend niyang si Mye na may kasamang lalake, at hindi lang basta kaama, nakakandong pa ito, at para bang close na close ang dalawa na kulang na lang ay maghalikan ito sa picture.
Hindi maipinta ang mukha ni Rye pagkakita ng larawan na iyon sa facebook, talaga namang nag-init ang ulo niya at sinugod niya itong si Mye sa tirahan nito kahit medaling araw na sa sobrang galit na nararamdaman niya at selos sa lalakeng kasama nito.
Pagkadating ni Rye sa tahanan ni Mye, kinatok niya ito at nagbukas naman ito ng pintuan. At laking gulat ni Rye na ang nagbukas ng pntuan ay ang lalake na kasama nito ni Mye sa picture, wala itong suot na pang-itaas kaya naman agad ng pumasok sa loob si Rye, at nakita niya si Mye na nasa may higaan na kumot lang ang saplot sa katawan. Ginising niya ito, at dahil doon nagalit ang lalake na kasama ni Mye.
“Sino ka ba??? Madaling araw na iniistorbo mo kami ng girlfriend ko!” sabi ng Lalake.
“Girlfriend? Kelan pa?” tanong ni Rye, at biglang nagising si Mye.
“Rye???” sabi ni Mye, na gulat na gulat.
“Mye, sino ba ito?” tanong ng Lalake.
“Shit! Mye! Ginago mo ako!” sabi ni Rye, sabay alis.
Galit na galit noon si Rye, dahil nasaktan siya sa nangyari kaya naman naisipan niya na puntahan si Khei sa unit nito. Pagkadating niya doon, nagtataka si Khei dahil nagawi ito doon sa kaniya ng madaling araw, hindi naman iyon napunta doon ng ganoong oras, kaya naisip na niya agad na baka may problema ito at halata naman na bad mood ito pagkadating sa unit niya. Hindi nagsasalita si Khei, at nakatingin lang siya kay Rye habang nakaupo ito sa couch at malayo ang tingin.
“Matutulog na ako” sabi ni Khei, ng biglang nagsalita si Rye.
“Manloloko…” sabi ni Rye na galit na galit.
“Huh?” pagtataka ni Khei, at bigla itong napaupo ulit.
“Si Mye, ginago niya ako…” sabi ni Rye.
Nagulat si Khei sa sinabi ni Rye, at pagkatapos noon ay kwenento ni Rye ang buong pangyayari kay Khei, hindi inaasahan ni Khei na dadating sa ganoong point sila Mye at Rye, oo inaasahan niya na dadating ang point na maghihiwalay ang dalawa pero hindi sa ganoong paraan.
“I told you before, Mye is still a girl, you are a girl.
Hahanap at hahanap yan ng lalake, dahil may mga bagay
na hindi mo kayang ibigay sa kaniya na kayang ibigay ng lalake.” Sabi ni Khei.
“Ginagatungan mo pa ako…” sabi ni Rye, na medyo parang naiinis.
“I’m not. Sinasabi ko lang ang KATOTOHANAN….
Ano ba gusto mo mangyari? Hiwalay na ba? O makikipagbalikan ka pa?” tanong ni Khei.
Napatingin si Rye sa kaniya at napaisip, sabay biglang binasa ang text sa cellphone niya na text ni Mye. Nasa message na iyon ang buong paliwanag ni Mye tungkol sa nangyari, kesyo hindi daw niya gustong lokohin si Rye, at kaibigan lang niya iyon. Hindi niya talaga boyfriend ang lalakeng iyon, nalasing lang siya ng time na iyon kaya nangyari iyong bagay na iyon sa kanilang dalawa, si Rye talaga ang mahal niya.
“Hindi ko alam, naguguluhan ako… Ano ba?” sabi ni Rye.
“Alam mo, hindi ko alam sayo kung ano ba ang dapat mong gawin?
Mahal mo pa ba?” tanong ni Khei
“Ewan, parang nawala eh alam mo yung galit na lang
ang nararamdaman ko sa kaniya pero ayaw ko siyang mawala.” Sagot ni Rye.
“Galit na lang? Pero ayaw mo siyang mawala?
Ewan ko sayo, ikaw nakakaramdam niyan.
Ikaw ang nakakalam kung gusto mo pa siya o hindi na.
Kung ayaw mo siyang mawala, kaya mo pa ba?
Handa ka ba ulit masaktan?” tanong ni Khei.
Napailing si Rye, at napaisip ng malalim. Alam ni Khei na nasaktan talaga si Rye sa nangyari, kung maari nga lang mas gusto niya na wag na magkabalikan itong dalawa dahil alam niyang masasaktan lang si Rye kung mangyayari iyon, hindi kasi malabo na maulit ang panglolokong ginawa ni Mye kay Rye. At simula pa lang naman ng relasyon nila, hindi na sang-ayon si Khei dito dahil mali talaga ito.
Lumipas ang mga araw, at nagkabalikan na itong sina Rye at Mye. Nalaman ni Khei ang balita, at hindi maiwasang madismaya ni Khei sa nangyari, sakto naman na tuamwag si Rye sa kaniya.
“Kayo na ulit?” tanong ni Khei
“Syempre…” sagot ni Rye sa masayang tono
“So tinanggap mo pala ulit…” sabi ni Khei.
“Naawa ako eh, nagkukulong sa kwarto niya at ayaw kumain..” sabi ni Rye.
“Sus, drama! Ganyan talaga yan kasi nagkasala kaya nagdra-drama” sabi ni Khei.
“Eh, kawawa kasi…” sabi ni Rye.
“Nagpakatanga ka na naman? Iba ang awa sa pagmamahal ha?” sabi ni Khei.
“Wala eh mahal ko, kaya nga nagpapakatanga ako.” Sagot ni Rye, at napailing na lamang si Khei.
Ganoon nga siguro talaga ano? Kapag mahal mo talaga ang isang tao, kahit gaano pa katindi ang kasalanan na nagawa nito magagawa at magagawa mo itong kalimutan at patawarin alang-alang lang sa pagmamahalan niyo. Minsan kahit nagmumukha ka ng tanga sa paningin ng iba, ayos lang basta kasama mo pa din ang taong mahal mo. Dumadating sa point na wala ka ng pakialam sa sasabihin ng iba, basta ang mahalaga mahal ka ng taong mahal mo at masaya kayo sa piling ng isa’t isa, sapat na iyon para harapin ang lahat ng problemang inyong pagdadaanan.
----------------------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...