Kung si Khei ay namro-mroblema, si Telay naman ay kilig na kilig sa valentine’s date nila ni Pau.
Sinundo ni Pau si Telay sa dorm nito, para kumain sa labas. Syempre naghanda ng todo itong si Telay, nagpaganda ng todo dahil special ang araw na iyon. Iyon kasi ang first valentine’s date nila ni Pau, pagkakita ni Pau kay Telay, natulala ito sa kaniya. Naka red cocktail dress si Telay, at naka high hills shoes na kulay silver, at nakalugay ang buhok na medyo kulot-kulot ang dulo, habang si Pao naman ay naka pink longsleeves at naka balat na sapatos at naka brush up ang buhok.
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Telay, at inabot ni Pau ang kaniyang kamay para alalayan maglakad si Telay, hindi sumagot si Pau, at pinagbuksan niya ito ng pinto.
“Pumasok ka na sa sasakyan” sabi ni Pau, sabay ngiti. Tumingin sa kaniya si Telay at napangiti na lang din.
Pumasok na din sa loob ng sasakyan si Pau, at nagmaneho na ng sasakyan. Habang nasa biyahe sila, nagtataka pa din si Telay kung saan nga ba sila nito pupunta, kaya naman nagtanong ulit siya ngunit nginitian lang siya nito, napansin ni Pau na habang nasa biyahe tahimik si Telay, hindi nagsasalita, kaya naman kinausap niya ito.
“Wag kang mag-alala, hindi kita iwawala…
Hindi ko ata kayang mawala ka sa buhay ko…”
Napatingin si Telay kay Pau na tila ba nagtataka sa sinabi nito.
“Eh san ba kasi tayo pupunta? Parang kanina pa tayo nasa biyahe ah …” sabi ni Telay, na medyo inis na.
“Basta, for sure you’ll love it when we get there” sabi ni Pau, at saka hinawakan ang kamay ni Telay.
Makalipas ang tatlong oras nakarating na sila sa kanilang pupuntahan, sa tabing dagat dinala ni Pau si Telay. Nagulat si Telay kung saan siya dinala ni Pau, at medyo nagtaka dahil wala mesyadong tao doon. Maya-maya pa ay may dumating na kalesa, kulay puti ang kabayo at ang karitela ay may hugis puso sa likod na mga bulaklak. At bumaba ang kutsero na may dala ding isang boquet ng white flowers, at inabot kay Pau, natuwa si Telay sa nakita niya at hindi maipinta ang kaniyang mukha.
“Thelma Sy, happy valentine’s day” sabi ni Pau, sabay halik sa pisngi ni Telay at binigay ang boquet.
Ngiting ngiti si Telay noon at halos maluha na sa effort na ginawa ni Pau, at inakap niya ito ng mahigpit. Pagkatapos noon pinasakay naman ni Pau si Telay sa karitela, at saka siya ang nagpatakbo nito.
“Pau, ang sweet mo talaga, san na naman tayo pupunta?”
Ngumiti lang si Pau, at tinuro ang isang lugar kung saan may mga kandilang nakasindi na hugis puso at sa gitna noon ay may lamesa para sa dalawang tao kung saan may mga balloons na at chocolates sa lamesa. Na-touch ng ngusto si Telay sa nakita niya at di na nitong napigilang umiyak sa tuwa.
“Oh, bakit? Wag ka umiyak, gusto ko sa araw na ito masaya ka”
“Hindi naman ako nalulungkot eh, tuwang-tuwa nga ako eh…” sabi ni Telay sabay punas ng luha.
Ngumiti si Pau, at hinawakan ang kaniyang mukha sabay halik sa pisngi.
“I love you so much, that I don’t want to see you cry…
Even if those tears are because of your joy …”
Inalalayan na pababa ni Pau si Telay, at pagdating sa uupuan nito, ay inasikaso pa rin iya ito. Napaka-gentleman ni Pau, pagkaupo ni Telay umupo na din siya. Naging masaya ang gabi nila Pau at Telay, binalikan nila yung mga panahon na hindi pa sila, kung saan pasimpleng tinginan palang sila hanggang sa dumating yung araw na naging sila na. Natutuwa sila sa nangyari sa kanilang dalawa, hindi nila naisip na dadating sa point na magiging sila talaga. Pagkatapos nila kumain ng dinner, biglang nagkaroon ng fireworks display at habang tuwang-tuwa si Telay na nanunuod nito, inakap siya ni Pau mula sa likod at saka hinalikan sa pisngi. Tiningnan siya ni Telay na inlove na inlove sa kaniya at ngumiti ito at nagpasalamat sa lahat.
“I love you …. Look oh” sabi ni Pau, tinuro ang fireworks display.
At nakita ni Telay sa fireworks display ang pangalan niya at nakalagay na:
TELAY WILL YOU MARRY ME?
Nagulat siya sa nakita niya, at biglang kumalas sa pagkaka-akap ni Pau mula sa likod niya at nagtanong
“If I say YES, will you wait for me until I finish my studies?
Or you’ll marry me right away?”
Ngumiti si Pau, at tumingin sa langit.
“If you want me to marry you right now, I would…
Of course, I’ll wait for you, so what’s your answer?”
Inakap bigla ni Telay si Pau at saka nito sinabing YES, sa sobrang tuwa ni Pau habang nakaakap si Telay sa kaniya binuhat niya ito sabay pagkababa niya ay hinalikan niya ito sa labi, at syempre gumanti naman pabalik si Telay sa halik ni Pau.
Kinabukasan, pag gising ni Telay sa room niya na inupahan ni Pau para tulugan niya, dahil si Pau ay nasa kabilang room, katapat lang ng room niya. Nakita niya na puno ng rosas ang kaniyang higaan, hanggang sa balcony ng room niya, pagkarating niya sa balcony nakita niya sa baba si Pau na nakatayo na tila ba tuwang tuwa. Kaya naman nagbihis na siya para babain si Pau at batiin ito at magpasalamat ulit sa ginawang efforts nito sa pagpapasaya sa kaniya sa unang valentine’s date nila, na naging proposal night pa.
“Pau, sa darating na linggo punta ka
sa bahay namin, I want you to meet my parents
it’s also their silver wedding anniversary”
Tumingin si Pau sa kaniya, at saka umupo sa upuan.
“It’s their silver wedding anniversary, okay lang ba talaga na nandun ako?
Hindi pa nga ako formally na introduce sa kanila eh…”
“Kaya ka nga pupunta dun para mapakilala kita”
“But, I’m not invited”
“Okay lang yun, you’re my guest”
“Pero …”
“No buts!” sabi ni Telay, sabay inakap si Pau mula sa likod nito habang nakaupo ito sa upuan, nagulat si Pau at hinawakan niya si Telay sa braso nito na nakalingkis sa kaniya mula sa likod.
“Gusto ko nandoon ka sa araw na iyon, kasi ikaw ang EX-CRUSH ko,
PRESENT BOYFRIEND ko, at higit sa lahat ang FUTURE HUSBAND ko”
Sabi ni Telay, sabay halik sa pisngi ni Pau, at napangiti na lang si Pau at pumayag na din sa gustong mangayri ni Telay.
Sabi nga nila hindi lahat ng love story mayroong happy ending, yung iba madalas TRAGIC ang ending ng love story kasi nakipagrelasyon sila sa taong hindi naman para sa kanila. Swerte na nga lang ng iba na nahahanap nila yung mga taong PARA TALAGA SA KANILA, tulad na lang ni Telay at Pau. Noong una, crush lang ni Telay si Pau, not knowing na the guy has a crush on her too. Sino ba naman ang mag-aakala diba? Crush ka ng crush mo? Ang sarap siguro sa feeling ng ganoon, ang swerte ni Telay dahil yung crush niya, naging boyfriend niya at ngayon magiging FUTURE HUSBAND na niya. She found her happily ever after, but will it really last forever?
--------------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...