Mula ng araw na iyon, ginusto na ni Khei umiwas kay Jayvee. Wala man itong inamin tungkol sa nararamdaman niya pero medyo nakahalata na siya kay Jayvee. Ang alam niya kasi may girlfriend pa itong si Jayvee, at hindi tama na makipag mabutihan siya sa taong may kaRelasyon ng iba.
Dahil sa pag-iwas na ginawa ni Khei, bihira na lang magkita ang dalawa sa duty. Kahit kagustuhan niya na umiwas hindi pa rin maiaalis sa kaniya na malungkot dahil sa paglayo na ginawa niya kay Jayvee.
Lumipas ang mga araw, kung minsan nagkakasalubong sina Jayvee at Khei ngunit hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon para mag-usap, dahil parehas silang busy sa duty nila. Hanngang sa dumating ang araw na nagkaproblema si Khei sa iba niyang kasamahan. Hindi niya akalain na dahil doon magkakaroon ulit sila ng pagkakataon ni Jayvee upang magkaharap-harap.
Marami ng nagsasabi kay Khei na isumbong itong mga kasamahan niya sa kanilang head sa intern, pero ayaw ito niya itong gawin dahil ayaw niya magkaroon ng kaaway. Hanggang sa ang mga kaibigan niya na interns din ay lumapit kay Jayvee, hindi nila siya head intern pero kung may isang taong makakatulong sa kanila siya yun. Nagtataka si Khei bakit kay Jayvee sila lumapit, syempre no choice na kailangan na niya harapin si Jayvee dahil tinawag na ito ng mga kaibigan niyang interns at kailangan na niyang sabihin ang dapat. Noong pagkatawag kay Jayvee, medyo nagtatago pa itong si Khei sa likod ng kasama niyang intern. Medyo napasilip noon si Jayvee sa kaniya, dahil nga nagtatago siya sa likod ng kasama niya. Hanggang sa nag-usap na ang kasama niya at si Jayvee, pinasunod sila nito. Pero hindi sumunod si Khei, at hinayaan lang niya yung kasama niya makipag-usap, ngunit di nagtagal pinalapit siya ng kasama niya sa kanila ni Jayvee. Kaya naman lumapit na siya, hindi naman pwede na mag-inarte siya na wag lumapit at baka mahalata siya lalo ni Jayvee na umiiwas.
Habang nag-uusap sila nina Jayvee at mga kasama nito, magkaharap si Jayvee at Khei, nasa gilid naman nila ang isang kasamahan ni Khei, bale yun ang pinaka-pagitan sa kanila. Habang ang iba pang kasamahan niya ay nasa kabilang gilid naman. Nagsasalita noon si Jayvee, sinasabi nito kung ano ba ang dapat nilang gawin. Noong una, ayaw tumingin ni Khei sa mga mata ni Jayvee, pero nung nagtagal naisip niya na tingnan na ito, dahil baka mahalata nito na umiiwas siya ng tingin. Habang nakatingin si Khei kay Jayvee na nagsasalita, biglang niyang natanto na hindi naman kagwapuhan itong si Jayvee, hindi gaano kakinisan ang mukha at kung anu-ano pa ang napuna niya. First time niya kasi yun na matitigan ng ganun si Jayvee na malapitan, isang tao lang ang pagitan sa kanila hindi tulad ng dati parati kasing nakadistansiya si Khei. Habang naiisip yun ni Khei, bigla namang nagkatamaan ang mga paningin nila ni Jayvee, kaya nagkaroon ng eye to eye contact ang dalawa habang nagsasalita itong si Jayvee. Sa hindi malaman na dahilan, bigla na lang nasindak itong si Khei at napalunok na lamang. Lumipas ang ilang segundo at inalis na ni Jayvee ang paningin kay Khei, habang siya naman ay nakatingin pa rin kay Jayvee, at inaalam kung ano ba ang naramdaman niya. Pagkatama kasi ng mga paningin nila sa isa’t isa, bigla na lang siyang nasindak na para bang hindi niya kayang tingnan ito sa mga mata si Jayvee. At bigla din nag-init ang ilalim ng kaniyang tenga, pakiramdam niya namumula ito. Natapos na ang usapan nila, at naghiwa-hiwalay na sila, habang ang mga kasamahan ni Khei ay sinasabi ang mga dapat nilang gawin doon sa mga kasamahan nila na dapat isumbong, si Khei naman ay lutang ang isip dahil sa hindi maipaliwanag na naramdaman niya kanina.
Makalipas ang isang linggo mula ng nag-usap usap sila nina Jayvee, wala sanang balak si Khei samahan ang isa niyang co-intern na pumunta sa information desk, kaso naiwan nito ang dapat nitong dalhin doon kaya naman hinabol niya ito para ibigay yun. Nakita niya ang kasama niya na nandoon na sa information desk kaya naman lumapit siya dito, habang papalapit siya sinabi niya:
“Ano ba yan? Talaga namang pinahabol pa ako eh nuh?
BINABASA MO ANG
Small World
Chick-LitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...