Buko

121 1 0
                                    

Nangyari na ba sa inyo yung minsan nyo ng nakita yung isang tao. Tapos nagkataon naman na nagkita kayo ulit? Sinong mag aakala na, makiktia mo ulit siya.

Isang araw, may magkaibigan na naghahanap ng maiinum sa kanilang campus. Si Cheche at si Khei, may nakita si Cheche na umiinom ng BUKO Shake, kaya bigla niyang naisip na bumili nun. Ang kaso di nya alam kung saan makakabili nun, kaya si Khei ang naglakas loob na magtanong dun sa umiinom ng buko shake kung saano makakabili nun.

"Kuya, kuya saan nakakabili nyang iniinom nyo?" tanong ni Khei.

Hindi naman makasagot yung tinanong nya dahil may kinakain pa, kaya ang nangyari senyas senyas na lang buti na lang magaling si Khei maka gets. Kaya ayon nalaman nila kung saan makakabili ng buko shake.

Naglakad sina Cheche at Khei papunta sa bilihan. Maya maya nagsalita si Cheche, tapos biglang napansin ni Khei na may tao sa likod nila at yun yung taong pinagtanungan nila. Napatigil bigla si Cheche sa pagsasalita dahil napatingin sa kanila yung lalake. Nagtinginan sina Cheche at Khei, "yan kasi, at least ako wala akong sinabing di maganda, may pa-payatot ka pang nalalaman ah." Sabi ni Khei, umismid lang si Cheche.

Mula nung araw na yun, tinawag nila yung lalake na yun na KUYANG BUKO. Dahil sa yun ang pinagtanungan nila kung saan nakakabili ng buko. 

Lumipas ang mga araw, madalas hinahanap hanap ni Cheche si Kuyang buko ngunit di niya ito nakikita. Samantalang si Khei, madalas niya itong nakakasalubong kapag palabas siya ng school nila. Minsan nga nagkakatinginan na sila, dahil halos araw-araw na silang nagkakasalubong,

-------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon