Chapter 40: Harts Night

30 0 0
                                    

 “Jayvee, she needs you … She badly needs you …

Pls. think about it, you are her everything”

Napahinga lang ng malalim si Jayvee ng sabihin ito ng kaibigan ni Selena.

(Yun yung time na napadaan si Khei, at nakita siya na may kausap na babae)

Pagkatapos ng duty ni Jayvee, agad siyang pumunta sa restobar na sinabi nina Nate kung saan sila mag-ce-celebrate ng valentines together, at dahil Friday din naman parang TGIF na din. Walang kamalay-malay si Khei na inimbitahan din pala nina Nate itong si Jayvee. Pagkadating doon ni Jayvee, inaasar nila si Daniel kay Khei.

“Daniel, kumanta ka na bili!!!

For sure inaasahan yan ni Khei, na haharanahin mo siya ngayon…

Valentine’s day pa man din!” pang-aasar ni Emmet.

Napapiling lamang si Khei sa mga sinasbai ng mga kasamahan niya, at si Daniel naman ay napapangiti na lang at talagang ayaw magpapilit. Napansin nila Nate na dumating na pala si Jayvee, kaya naman agad nila itong pinaupo, ang tanging bakanteng pwesto na lamang ay sa tabi ni Khei, kaya doon ito umupo sa tabi niya. Kaya magkakatabi sila nina Daniel, Khei at Jayvee.

“O sige na kakanta na ako …” sabi ni Daniel, naghiyawan silang magkakasama.

“Bili, sabihin na dun para makakanta na sa stage si Daniel …” sabi nI Nate, nang biglang nahiya kumanta itong si Daniel.

“Ano ba yan!!! Nasabi na namin na may kakanta dito sa atin eh!!” sabi nina Emmet.

“Eh, nahiya na ako ee…” sabi ni Daniel, habang napapayuko.

Hindi umiimik si Jayvee at tinitingnan lang sila, si Khei naman ay hanggat maari hindi natingin sa side kung saan nakaupo itong si Jayvee, kina Daniel lang siya nakaharap parati. Maya-maya pa ay nagsalita na ang host sa harap ng stage:

“Okay and that’s the end of our first set!

Thank you Bunny Band! That was a sweet song …

Meron nagRequest na kakanta daw isa sa mga guest natin dito …

Dahil valentine’s day haharanahin daw niya ang special someone niya …

So nasaan ka na?

Hindi binigay sakin ang name ng kakanta pero ang kakantahan daw nito ay si …

Ms. Kyla Maruko Mitsuo o mas kilala sa tawag na Khei …

How sweet naman ng guy na ito, nasaan ka?”

Nagtinginan ang mga tao na tila ba hinahanap kung nasaan ang lalakeng kakanta, kaya nagsimula na ang mga kasamahan ni Khei na pilitin si Daniel kumanta.

“Daniel sige na kanta ka na, magaling ka naman kumanta eh” sabi ni Khei

“Bili na kasi, tapos habang kinakantahan mo dun si Khei sa harap

lalapit ka dito sa kaniya para SWEET” sabi ni Johanne.

“Khei …  this is for you”

Nagulat silang lahat kung sino iyon, at napatingin sila sa harap. At laking gulat nila na si Jayvee ang nasa stage at nagsimula ng tumugtog ang kanta.  Hindi makapaniwala si Khei sa nakikita niya, at gayon din ang mga kasamahan nila, hindi kasi nila inaasahan na si Jayvee ang pupunta sa harap. Habang nakanta si Jayvee, titig na titig si Khei, at napansin iyon ni Jaydee habang sina Nate at iba pa nilang kasamahan ay enjoy na enjoy sa pagkanta ni Jayvee. Habang nakanta itong si Jayvee, talagang with feelings siya at nakatingin kay Khei, kaya naman hindi niya maiwasang kiligin pero hanggat maari ayaw niya itong ipahalata sa mga kasamahan niya.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon