Chapter 29: Inuman Session

40 0 0
                                    

Pagkauwi ni Khei sa kaniyang bahay, hindi niya mapigilan na kiligin. Sino ba naman kasing mag-aakala na magkikita sila sa mall ng hindi inaasahan nitong si Jayvee, at sabay pa silang kumain sa isang restaurant, pakiramdam niya para na rin silang nagDate.

(BEEP BEEP)

Tumunog ang cellphone ni Khei dahil may nagtext, tiningnan niya ang message sa kaniya, at galing ito kay Telay. Confirmed, sila Telay at Pau na nga. Kanina pala ang first date ng dalawa, kaya naman hindi maiwasan ni Khei na kiligin para sa dalawa. Gusto niya sana i-share ang nangyari sa kanila ni Jayvee kay Telay pero naisip niya na maganda kung sasarilinin na lang niya muna ito.

(RING RING)

Tumunog ang cellphone ni Khei, at sinagot niya ang tawag. Si Rye ang tumawag sa kaniya, binalita nito na nakita niya ang ex-crush nila noong high school na si Omar Gazcon.

“And so? You called me for that?” sabi ni Khei.

“Asus, kunwari pa walang pake?

Pero deep inside, natutuwa ka…” paasar na sabi ni Rye, natawa lang si Khei.

“May bago na ako nuh…

I don’t care about him anymore…

And I don’t even want to see him na nga eh..” sabi ni Khei.

“Sino? Yung Jayvee na may pagkaManiac?” paasar na sabi ni Rye.

“Oo, I mean, yes si Jayvee.

Hindi siya maniac ah, maloko lang…”pagtatanggol ni Khei, tinawanan lang siya ni Rye.

“Nga pala, I think may balak tong si Omar

sumunod sa yapak ng angkan niya…” sabi ni Rye, nagtaka si Khei kung bakit niya ito nasabi.

“Medyo active na kasi siya sa politics eh..

Pag nagtagal malamang kumandidato na din yun…” sabi ni Rye.

“Ah, edi kumandidato siya…

Paki ko…” sabi ni Khei, na parang walang interes sa topic.

“Iboboto mo?” tanong ni Rye, natawa lang si Khei.

“Ikaw, ako pa ang inaasar mo kay Omar,

pero ang totoo, sa tingin ko ikaw yung may gusto pa din sa kaniya eh…

Updated na update eh…” pang-aasar ni Khei.

“A-K-O pa? eh my Mye na ako!

Hay naku, siya siya wag na nga natin pag-usapan yan..

Walang mangyayari eh…” sabi ni Rye, sabay baba sa linya.

Break time nina Khei noon, at kasama niya sa cafeteria itong sina Nate at iba pa nilang kasamahan na mga interns din. Nag-uusap usap itong sila Nate sa balak nilang inuman para sa dadating na weekend.

“Khei, sama ka samin?” tanong ni Nate sa kaniya, napaisip si Khei.

“Sumama ka na! Mag-iisip pa eh…” sabi ni Nate, napangiti si Khei.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon