Malapit na naman ang pasukan, halos lahat ng tao ay busy na para sa dadarating na pasukan. Pero si Khei ay busy pa din sa paghahanap ng bagong malilipatan na school. Hindi niya alam kung saan siya lilipat. Ang tanging alam lang niya ay dapat malayo siya sa lugar na iyon, dahil iyon ang dapat. Naisip niyang bumalik sa dati niyang school, bago pa ang school na pinasukan niya kasama si Cheche, ngunit ayaw na niya bumalik pa sa isang lugar kung saan umalis na siya. Mas lalo namang ayaw niyang hindi ituloy ang kaniyang paglipat, dahil ayaw niyang asarin siya ni Cheche at ang kanilang mga kabarkada. Naisip niya na lumipat sa school na malapit sa condo unit nila sa Central Business District, pero ng pumunta siya sa school na iyon hindi siya tinanggap dahil hindi ito natanggap ng transferees. Medyo nalungkot si Khei, dahil ilang araw na lang ay pasukan na ngunit wala pa din siyang bagong mapapasukan.
Naisip ni Khei na lumipat malapit sa paaralan ni Rye, total gustong gusto naman ni Rye na maging magSchoolmates sila pero dahil walang course na gusto ni Khei sa school ni Rye, sa isang malapit na school na lang siya papasok para pwede silang magkasama kapag break time nila.
“Rye! May good news ako sayo …” sabi ni Khei,
“Ano iyon? Nakita mo si Omar?” excited na tanong ni Rye. Si Omar ang highscool crush ni Rye.
“Hindi ah, ikaw ah? Miss mo? Punatahan mo kasi sa bahay!” sabi ni Khei, sabay tawa.
“Eh ano ba yung good news mo?” tanong ni Rye.
“Doon na ako mag-aaral sa university malapit sa inyo,
pwede mo na ako makasama pag break time mo…” sabi ni Khei.
“Ayos! Sa wakas! After ilang years, lumipat ka din!
Usapan kasi dati doon tayo lahat mag-aaral eh,
sabay ako lang ang natuloy mag-aral doon.” Sabi ni Rye.
“Hindi naman kami nag OO eh, ikaw lang naman nag assume na dun kami mag-aaral.
Sinamahan ka lang naming mag-exam doon! Pero, ito na nga oh …
Sa Manila na ako mag-aaral, magkalapit na tayo ng school.” Sabi ni Khei.
Ilang araw ang lumipas, at dumating na ang unang araw ng pasukan. Pumunta si Khei sa kaniyang bagong eskwelahan pero hindi niya pinasukan ang una niyang klase, dahil may mga ipinabago pa siya sa kaniyang nakuhang schedule. Habang inaayos ng assessor ang kaniyang schedule, bigla na lamang siya nitong tinitigan sabay sabi:
“May klase ka pala ngayon umaga? Bakit hindi ka pumasok?” sabi ng assessor.
“Yes po, kasi ….” Hindi maituloy ni Khei ang sasabihin niya.
“Ako ang prof mo dito…” sabi ng assessor, napangiti na lamang si Khei at nag peace sign. Gusto sana niyang sabihin na wala namang ginagawa pag unang araw ng klase kaya okay lang na hindi siya pumasok. Pero hindi na niya ito sinabi, para tapos na ang usapan.
May ugaling tamad talaga si Khei, at kapag naisipan niyang hindi pumasok, hindi na siya papasok. Pero kapag kailangan naman talaga pumasok, kahit tinatamad siya, pumapasok siya. Siya yung tipong ng estudyanteng masipag na tamad, pero kahit ganoon siya may ibubuga naman sa klase.
Pagkatapos niya ipaayos ang schedule niya, naisip niya na pumunta na doon sa hospital kung saan siya ma-aasign para sa internship niya, tapat lang naman kasi ng school nila. Balak niya silipin ang itsura ng mga future colleagues niya, pero bigla siyang tinamad kaya hindi na siya tumuloy.
BINABASA MO ANG
Small World
ЧиклитIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...