Chapter 27: Date

37 0 0
                                    

Ilang buwan na lang at first anniversary na nina Jayvee at Selena. Medyo excited na itong si Selena dahil ito ang magiging first celebration nila, hindi din kasi sila nakakapag celebrate ng monthsary dahil nga sa long distance relationship sila dati. Nung araw kasi na sinagot ni Selena itong si Jayvee ay yung araw din na umalis siya patungo sa America upang mag-aral.

Linggo ng gabi noon ng lumabas sina Jayvee at Selena para magDate. Nagpunta sila sa isang restaurant na tanaw ang dagat, mahilig kasi itong si Selena sa mga romantic places kaya naman doon siya dinala nitong ni Jayvee.

“Jayvee, thank you…” malambing na sabi ni Selena, habang malagkit ang tingin kay Jayvee.

“Selena…” sabi ni Jayvee, habang nakatitig kay Selena.

“You are the best…

This is just a simple date, pero parang it’s so special na for me.

What more pa kaya sa anniversary natin?” sabi ni Selena, sabay ngiti at hawak sa kamay ni Jayvee.

Napalunok si Jayvee, dahil looking forward talaga itong si Selena si anniversary nila. He’s just scared na baka maDissappoint niya itong si Selena, may pagka-perfectionist kasi itong si Selena at times.

“9 months akong nawala, pero hindi ka naghanap ng iba.

Kung iisipin saglit nga lang iyon eh ---“ sabi ni Selena, sabay biglang nagsalita si Jayvee.

“9 months ago, sinagot mo ako.

At the same day nung sinagot mo ako, iniwan mo ako.

Nakakatawa diba? The day na naging girlfriend kita, iniwan mo ako.

Tapos ngayon ito, nagbalik ka.” Sabi ni Jayvee, na hindi maipinta ang mukha.

“Jayvee, babe… I’m sorry…

I know how you felt, when I left you.

But, I’m here now. And I will never ever leave you again.” Sabi ni Selena, sabay tayo sa upuan at lumapit kay Jayvee para akapin habang nakaupo ito.

Napatingin si Jayvee kay Selena, habang akap akap siya nito mula sa likod, napahinga siya ng malalim at hindi alam kung paano ba niya sisimulan ang mga sasabihin niya.

“Selena….”  Sabi ni Jayvee, sabay alis sa braso ni Selena na nakaakap sa kaniya, at pinabalik niya ito sa upuan nito.

“Yes?” tanong ni Selena, habang nakangiti.

“Let’s eat first…” sabi ni Jayvee, sabay ngiti na may halong lungkot.

Pagkatapos nilang kumain ng main course, dessert na ang ihahain sa kanila. Makikita mo sa mukha ni Selena, na masayang masaya siya dahil kasama niya si Jayvee. Pero si Jayvee, mahahalata mo na parang ang bigat bigat ng loob niya, at hindi mapakali.

“What’s wrong babe? Kanina pa kita napapansin na parang may kakaiba sayo” tanong ni Selena.

Napatingin si Jayvee kay Selena, at huminga ng malalim sabay inom ng wine. Tumingin ito sa may bintana, at biglang tingin kay Selena at huminga ulit ng malalim.

“Selena, I’m going to be unfair kung…

Kung…. Hindi ko sasabihin sa iyo ito…” sabi ni Jayvee, habang seryoso ang itsura.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon