Lumipas ang mga araw, at hindi malaman ni Khei kung bakit ba siya nagkakaganoon. Mula kasi ng makita niya ang status ni Jayvee, pakiramdam niya parang NABASAG ANG TRIP niya, ang saya saya kasi niya habang tinitingnan ang profile nito sabay biglang naktia niya yun. Iniisip niya ng maigi kung bakit siya nagkakaganoon, hindi naman niya gusto si Jayvee, pero aminado siya na hanga siya dito dahil matalino ito at nag-aaral sa dream school niya. Tinatanong niya ang sarili niya kung bakit niya kaya nakilala si Jayvee? Ano kaya ang magiging parte nito sa buhay niya? Tulad na lamang ng kay Omar, nung makilala niya ito, nagbago ang lahat.
Dati kasi si Khei, napaka materialistic na tao. Hindi siya marunong mag appreciate ng mga simpleng bagay, ni hindi nga ito marunong tumawa. Yung tipong lahat na ng kasama niya ay natatawa sa joke, siya hindi pa din tumatawa, pero alam niyang nakakatawa ang joke na iyon. Hindi expressive na tao si Khei, hindi palaimik at hinding hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. Tanging sa mga kaibigan lang niya siya nagiging makulit, pero minsan may pagka KJ din siya. Pero ng dahil kay Omar, nagbago ang lahat. Natuto si Khei na maging masaya kahit sa simpleng mga bagay lang, naging palangiti din ito at kahit papaano naging friendly siya.
Malalim na ang gabi, mahimbing na natutulog si Rye ng biglang mag ring ang cellphone niya. Si Khei ang tumatawag, nagulat si Rye.
“Hello … Bakit ka napatawag?” tanong ni Rye.
“Wala lang … Gusto ko lang makipagkwentuhan …” sabi ni Khei, na may kaibgang tono.
“May problema ka ano? Di ka naman tatawag ng ganitong oras
kung wala kang pinagdadaanan eh…” pabirong sabi ni Rye, sabay natawa si Khei.
“Loko! Uhm …” sabi ni Khei, may gusto siyang sabihin pero di niya magawang sabihin.
“Ano? Uhm, uhm ka diyan …” sabi ni Rye, alam niya na may gusto sabihin si Khei pero di lang nito alam kung paano sisimulan. Ilang minuto din bago masimulan ni Khei ang gusto niyang ikwento.
“Anak ng! Sabihin mo na, wag ka mambitin …” sabi ni Rye, natawa si Khei at biglang sinimulan ang kwento niya.
“Ito na, ito kasi yun. Naranasan mo na ba yung makita ulit yung isang tao
na dati mo ng nakita? Yung dati nakikita mo lang siya sa facebook ng friend mo
tapos ngayon kasa-kasama mo na? Kakilala mo na siya talaga.
Kasi last year nung nandoon pa ako sa dati kong school, may hinahanap ako sa FB.
Tapos may nakita ako dun sa FB ng friend ko na account na nakakuha ng atensyon ko,
natuwa kasi ako dun sa display picture nung guy eh. In all fairness medyo may itsura siya,
tapos nabasa ko pa sa profile niya na nag-aaral siya doon sa dream school ko. Tapos single pa,
binalak ko na i-add siya sa facebook tapos kausapin yung kaibigan ko na ipakilala ako sa kanya.
Pero nagbago isip ko kasi nakita ko na alumni na pala siya dun. Tapos ngayon dun sa hospital kung
saan ako intern, nakilala ko siya doon. Ang kulet nuh? Biruin mo, sa dami dami ng hospital na pwede ko
mapasukan doon pa talaga sa hospital kung saan siya lumipat. Sabay kami dumating doon.” Kwento ni Khei.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...