Isang gabi online si Khei sa facebook ng biglang nagMessage si Mickey sa kaniya, si Mickey Alcantara ang former classmate ni Khei sa dati niyang college. Nagulat si Khei dahil hindi naman ito nagP-PM sa kaniya lalo na kapag ganun na kagabi, hindi niya inaasahan na sa kaniya pa talaga magtatanong itong si Mickey. Nagkaroon kasi sila ng problema ng girlfriend niya at kay Khei siya humingi ng tulong dahil alam nito na marami itong kakilala na pwede magkapagsabi kung saan niya pwedeng matagpuan ang girlfriend niya.
Hindi personal na kakilala ni Khei ang girlfriend ni Mickey, pero dahil marami siyang kakilala sa university na pinanggalingan niya pwede niya itong ipagtanong at makuha ang schedule sa klase dahil sa mga kakilala niya.
“Ano ba kasi nangyari?” tanong ni Khei kay Mickey, at nagreply ito.
“Kasi ayaw sakin ng magulang niya…” nagulat si Khei sa reply niya.
“Bakit?” pag-uusisa ni Khei, at sinabi ni Mikcey ang buong kwento.
“Naks naman, ang bait mo nga na boyfriend eh..
BIGYAN NG MEDAL…” pang-aasar ni Khei.
“Bakit naman?” tanong ni Mickey
“Eh kasi talagang todo effort ka
para lang makita mo ulit yung girlfriend mo…” sagot ni Khei, natuwa naman si Mickey sa sinabi niya.
“Salamat ha, napasaya mo ako” sagot ni Mickey, natuwa naman si Khei dahil sa napasaya niya ito.
After nila magChat ni Mickey, medyo napangiti si Khei. Dahil sa dami dami ng girl friends nito ay sa kaniya pa talaga ito humingi ng tulong. Ang kulet lang dahil yung dati niyang crush ay nagpapatulong sa kaniya para makabalikan nito ulit ang girlfriend niya. Binigay pa nga ni Mickey ang number niya kay Khei, kaya naman natuwa siya dahil magkakaroon na ulit sila ng communication. Alam naman niya na imposible na maging sila nitong si Mickey, pero at least friends sila. Okay na siya doon, saka move on na din naman siya. Crush lang naman niya itong si Mickey, ni minsan hindi talaga siya na-inlove dito.
Isang araw hindi inaasahang nagkita sina Telay at Khei sa isang mall. Kasama ni Telay ang kaniyang boyfriend na si Pao noon, habang si Khei naman ay mag-isa lang noon. Pagkakita ni Telay kay Khei agad niya itong binate, at syempre binate din siya ni Khei. Umalis saglit si Pao para magkaroon ng time ang dalawa na mag-usap ng sila lang.
“Grabe, dati pinapangarap mo lang na maging kayo…
Tapos ngayon, KAYO NA!” sabi ni Khei, kinilig naman si Telay.
“Oo nga eh, grabe. Di ako makapaniwala eh.. Kami na” sabi ni Telay, habang kinikilig pa.
“Paano nga ba naging kayo?” tanong ni Khei.
(Flashback)
Tuwing uuwi ako sa dorm, nakikita ko si Pao na nasa labasan namin. Nasa gilid siya ng gate, sa gilid kasi ng gate merong tindahan doon, may isang kainina kung saan nakain sina Pao at mga kasama nito. Mula noong araw na iyon mas madalas ko na nakikita si Pao. Hanggang sa isang araw bumili ako doon sa kinakainan niya, may kasama siya noon. Si Nips, isa ding varsity at kaibigan ni Pao. Umupo ako sa bakanteng upuan, at biglang tumabi itong si Nips sakin.
“Hi! Alam mo matagal na kita gusto makilala eh…” sabi ni Nips.
Syempre medyo naPresco-han ako sa kaniya, kaya medyo napairap ako. Nakatingin sa akin si Pao noon, blanko na tingin.
“Pwede ba tayo maging friends?
Alam mo ba sa tuwing nasa canteen ka, tinitingnan kita?” sabi ni Nips, habang titig na titig sa akin.
Tumayo na ako noon sa kinauupuan ko at pina-Take out na lang ang order ko na pagkain, nakatingin pa din sa akin si Pao. At pumasok na ako noon sa loob ng dorm, mula ng araw na ayon nangungulit na itong Nips sakin. Gusto daw niya ako, at gusto niya akong ligawan. Ang alam ko pa naman may girlfriend siya noong mga panahon na iyon kaya syempre hindi ako pumayag. At saka ni minsan hindi ko naman pinangarap na magustuhan niya ako, kung si Pao na lang kasi sana ang nagkagusto sa akin eh di baka natuwa pa ako ng bonggang-bongga.
Hindi nagtagal tumigil na si Nips sa pagpunta-punta sa harap ng dorm, pati si Pao hindi na din pumupunta kasi nga sinasamhan lang naman niya itong si Nips. Hanggang sa isang araw nakita koi tong si Pao na nasa labas ng dorm na para bang may inaabangan, syempre nilabas ko para alamin kung ano ang ginagawa niya doon.
“May iniintay kasi ako na babae, gusto ko siya makita” sabi ni Pao, syempre nagtaka ako kung sino.
“Gusto ko makita yung babaeng chinita na taga dito sa dorm…” dagdag ni Pao, sa pagkaka-alam ko ako lang naman ang chinita na nag-stay sa dorm, so syempre kinilig na ako.
“Pwede ko ba siya ligawan? Matagal na kasi ako may gusto sa kaniya…
Hindi ko lang magawang ipagtapat ang tunay na nararamdaman ko…” dagdag pa ulit ni Pao, sabay labas ng isang red rose.
Syempre, todo kilig na ako ng time na iyon at halos hindi na alam kung ano ang gagawin, kaya naman napatango na lang ako sa kaniya at pagkaabot niya sa akin ng red rose agad ko namang kinuha. At doon na nagsimula ang lahat, hanggang sa naging kami na.
“Aw, sweet naman. Paano mo siya sinagot? Ikwento mo na hahah” sabi ni Khei, habang natawa.
Ikwekwento na sana ni Telay ng biglang dumating si Pao, kaya naman hindi ito natuloy.
“O sige, next time na lang. Happy dating sa inyo” paasar na sabi ni Khei, habang paalis.
Napangiti na lamang si Pao at Telay.
---------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...