Chapter 50: The End

34 0 0
                                    

Nagpunta si Omar sa isang bar para makalimutan ang nangyari kanina sa restaurant, sakto naman na nandoon din si Ivy, ang kaibigan ni Omar at schoolmate niya noong college. Pagkakita sa kaniya nito,agad siya nitong nilapitan para makipagkamustahan. Sa sobrang lungkot ni Omar at gulo ng isip, naikwento niya ang nangyari sa kaniya kanina sa kaniyang kaibigan.

“I’m sorry” sabi ni Ivy, ngumiti si Omar sabay inom ng beer.

“Bakit ka nagso-sorry?

Wala ka namang kasalanan sa nangyari eh” sabi ni Omar, umiling si Ivy.

(Flashback)

Noong nasa party sila ni Omar, nakita ni Ivy na madalas itong natingin sa cellphone niya at nakangiti ito pag nagbabasa ng text message kaya naman ng umalis si Omar para kumuha ng pagkain, pinakialaman niya yung cellphone nito. At doon niya nalaman na si Kyla “Khei” ang katext nito, sa sobrang inis ni Ivy ginamit niya ang cellphone ni Omar para i-text ito na layuan siya.

(Back to present)

Inamin na ni Ivy kay Omar ang ginawa niya noon, at nagulat si Omar sa pag-amin na ginawa nito. Hindi niya maisip kung ano ang dahilan at nagawa nito ang bagay na iyon sa kaniya.

“I’m sorry, hindi ko dapat ginawa yun.

Alam mo naman noong mga panahong iyon

madalas tayo tinutukso sa isa’t isa at sobrang bait mo sakin.

Hindi ko naiwasan na mahulog sayo, kaya nung nalaman ko

ang tungkol sa inyo, nagselos ako kaya ko nagawa yun.” Sabi ni Ivy, sa sobrang galit ni Omar binato niya ang bote ng beer.

“Ivy naman! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?

Sinira mo kaming dalawa sa ginawa mo! Bakit ang selfish mo?!” sabi ni Omar, naiyak si Ivy.

“Omar, hindi ako selfish.

Nagmahal lang ako! Malay mo, ito ang makakabuti sa inyo?

I saved you from loving the wrong person.” Sabi ni Ivy, napailing si Omar.

“Makakabuti? Paano?

You saved me? How sure are you na

hindi siya ang taong para sa akin?” tanong ni Omar, napaiyak lalo si Ivy.

Matapos malaman ni Omar ang totoo, kinabukasan agad niyang pinuntahan si Khei upang ipaliwanag ang mga nangyari noon sa kanilang dalawa, kung bakit sila nauwi sa ganoong sitwasyon. Matapos malaman ni Khei ang lahat ng ito, para siyang nabuhusan ng tubig. For a very long time, dinala niya ang sama ng loob na iyon kay Omar na hindi naman pala siya ang may kagagawan. Tila ba nabunutan ng tinik si Khei at sa wakas nagkaroon na din ng kasagutan kung bakit nga ba naging ganoon ang sitwasyon nilang dalawa ni Omar.

“Ngayong alam mo na ang lahat,

can we start over again?” tanong ni Omar, napaisip si Khei.

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon