Isang hapon papalabas na ng campus sina Khei at Telay, galing sila sa admin office dahil nagpasa sila ng mga requirements na kailangan nilang ipasa. Kung hindi nga lang nila kailangan iyon ipasa sa araw na iyon hindi sila pupunta dahil wala naman silang pasok ng ganoong araw. Habang naglalakad sila palabas, bigla na lang siniko nito ni Khei si Telay, medyo nagulat ito dahil sa ginawa niya at napatingin siya bigla sa bandang harap dahil sumenyas itong si Khei na tumingin siya doon. Pagkatingin niya nakita niya na naglalakad si Pau papasalubong sa kanila kasama ang mga kaibigan nito. Papasok pa lang noon sina Pau, habang sina Telay ay papalabas na.
Biglang kinilig ito si Telay, dahil unexpected ang nangyari. Papauwi na nga lang siya nakita pa niya si Pau, akala niya hindi na niya ito makikita noong araw na iyon dahil hapon na, alam niya kasi kapag hapon na wala na itong si Pau sa school nila. Tumingin si Khei kay Telay, at tinitingnan niya kung ano ang magiging reaction nito dahil papasalubong na sina Pau sa kanila. Napansin ni Khei na nakatingin itong si Pau kay Telay, at medyo natatawa siya dahil magkaparehas pa ng kulay ng damit itong sina Pau at Telay, sabay noong saktong nagkasalubong na sila, biglang may tumugtog mula sa school building nila na kanta “I Do”. Sa school kasi nila Khei merong speakers na nakakabit sa mga gilid ng building nila, ginagamit ito kapag may announcement.
Pagkalagpas nina Pau, noong medyo nakalayo na sina Telay, bigla na lamang nitong tinulak si Khei sa sobrang kilig. Muntik masubsob si Khei sa nakaparadang sasakyan, at napatingin ng masama kay Telay sabay tawa.
“Sorry! Kinikilig kasi talaga ako!” sabi ni Telay.
“Grabe?! Kapag kinikilig NANAKIT???” sabi ni Khei, sabay tawa na lang.
“Sorry na talaga… Peace!” sabi ni Telay, sabay peace sign kay Khei.
“Saan ba sayaw?” tanong ni Khei, nagtataka si Telay sa tanong ni Khei.
Hindi agad naGets ni Telay na inaasar siya nitong si Khei, parehas kasi ang kulay ng damit nila nitong si Pau.
“Parehas pa talaga kayo ng kulay ng damit ah…” sabi ni Khei, sabay kinilig itong si Telay.
“Meant to be kami! Connected by heart, para kaming couples hahahah” sabi ni Telay, habang kinikilig at tumatawa. Napailing na lamang si Khei.
Nitong mga nakaraang araw, nagiging bihira na ang pagkikita ni Jayvee at Khei sa hospital. Medyo nagtataka si Khei, kasi dati parang basura itong si Jayvee sa landas niya na pakalat-kalat kahit saan siya magpunta ng sulok ng hospital ay nakikita niya ito pero ngayon ay hindi na niya ito nakikita ng madalas. Dahil maaga pa naman at hindi pa niya oras para mag duty, tumambay muna itong si Khei sa kanilang quarters at hindi nagtagal dumating itong si Emmet.
“Ui! Mitsuo, aga natin ngayon ah?” paasar na sabi ni Emmet kay Khei.
Ngumiti lamang itong si Khei, at biglang nilabas ang kanyang cellphone sabay sinuot ang headset para makinig ng music. Ayaw na niya kasing makipag-usap pa kay Emmet, dahil madalas nauuwi lang sa pag-aasaran ang pag-uusap nila at kung minsan nagkakapikunan pa.
“Nakita mo na ba yung new sched natin?” tanong ni Emmet, sabay hugot sa headset ni Khei.
“Peste naman oh! NagSoundtrip ako eh…” sabi ni Khei, habang inis na inis kay Emmet at kinuha ang headset niya mula sa pagkakahawak nito.
“Ito naman oh, ano nakita mo na?” tanong ni Emmet, sa palambing na tono.
“Schedule ng ano ba yun?” tanong ni Khei.
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...