Chapter 36: Was it intentional?

16 0 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas at hindi na nakikita ni Khei si Jayvee sa ospital, masaya siya dahil sa wakas natutupad na ang plano niyang umiwas sa lalakeng yun, pero sa isang punto hindi niya maiwasang magtaka kung bakit nga ba hindi na niya ito nakikita, samantalang dati ay kahit anong iwas niya ay nagkru-krus ang landas nilang dalawa.  Hindi niya tuloy alam kung namimiss lang niya yung feeling na naniinis siya kapag nagkikita pa din sila kahit anong iwas niya, o sadyang si Jayvee mismo ang namimiss niya.

Isang araw may usapan sina Khei at ang mga kaibigan, susunduin siya ng mga ito sa ospital pagkatapos ng duty niya pero napakatagal ng mga ito dumating. Buti na lang at may kasama si Khei na nag-iintay sa labasan, si Nate. Makalipas ang 30 minuto, balak na umalis ni Nate ngunit wala pa din ang sundo ni Khei. Ayaw niya na maiwan mag-isa dahil medyo gabi na din, tumingin sa paligid si Khei para tingnan kung nandiyan na ba ang sasakyan na susundo sa kaniya pero sa pagtingin-tingin niya iba ang nakita niya.

Nakita niya ang isang lalake na natakbo papalabas sa loob ng ospital, halatang nagmamadali ito. Medyo namukhaan niya ang lalake, at si Jayvee pala ito. Pagkakita niya dito, nakita niyang nakatingin ito sa kaniya at biglang tumigil sa pagtakbo at naglakad na lamang papalabas.

“Ano ba yan!” sabi bigla ni Khei, sabay talikod para di na niya makita si Jayvee.

“Matagal pa ba?” tanong ni Nate.

Hindi alam ni Nate na kaya iyon nasabi ni Khei dahil sa nakita nito si Jayvee, at hindi dahil sa matagal pa dadating ang sundo niya. Iiwan na ni Nate si Khei, dahil may lakad pa ito, pero ayaw talaga maiwan ni Khei na mag-isa lalo na at nakita niya si Jayvee, sigurado kasi siya na pag wala na si Nate, kakausapin siya nito at ayaw niya yun mangyari.

“Balik ka na lang kaya muna sa loob, para sa loob ka na maghinatay sa susundo sayo.” Sabi ni Nate.

Ayaw pa sana ni Khei bumalik sa loob dahil nga sa baka lalo lang siya makita ni Jayvee doon, pero wala na siyang choice dahil aalis na talaga si Nate, kaya pumasok na lang siya ulit sa loob. Gagamit dapat ng elevator si Khei ngunit naisipan niya na maghagdan na lang siya para makarating sa itaas, iniiwasan din niya kasi na baka makasabay niya itong si Jayvee sa elevator dahil hindi pa ito nabalik sa loob. Pagkadating niya sa itaas, biglang nagText sa kaniya ang kaibigan niya na susundo sa kaniya na nasa ibaba na sila, kaya naman naisipan niya na gumamit na ng elevator pababa para mas mabilis at dahil napagod din siya ng naghagdan siya paakyat. Saktong pagbukas ng pinto ng elevator si Jayvee ang bumungad sa kaniya, napatingin na lang si Khei sa kaniya at ganoon din si Jayvee. Lumabas na si Jayvee sa elevator at magsasalita sana ng bigla namang pumasok si Khei sa loob at agad na sinara ang pinto, kaya hindi na nagkaroon ng chance si Jayvee na kausapin siya.

Kahit nga naman anong iwas ni Khei kay Jayvee ay talagang nagtatagpo silang dalawa, minsan hindi na niya alam ang gagawin niya dahil parang ang liit liit ng mundo nilang dalawa. Hindi niya maintindihan kung bakit ba sa dinami-dami ng taong pwede niyang makasalubong at makita parati sa ospital ay si Jayvee pa.

Isang araw, maagang pumasok si Khei sa ospital para sa duty niya, habang nasa sasakyan siya nagpatugtog siya ng music at napansin niya na puro ata love songs ang pinapatugtog ngayon sa lahat ng station. Nang magsalita ang DJ tungkol sa pag-ibig, doon lang niya naalala na unang araw pala ng February kaya naman puro love songs na ang pinapatugtog.

Pagkadating ni Khei sa ospital agad siyang nagpunta sa kanilang quarters, dahil mesyado pa siyang maaga tumambay muna siya doon. Nang dumating na ang takdang oras nagpunta na siya kung saan dapat siya naka-pwesto. Busy noon si Khei sa kanyang mga gawain ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina, hindi na niya ito tiningnan dahil nandoon naman ang isa pa niyang kasamahan. Pagkarinig niya ng boses, hindi niya maiwasang mapatingin dito dahil parang familiar sa kanya ang boses na kanyang narinig. At hindi nga siya nagkamali dahil si Jayvee nga ang kumatok sa pinto, pagkatingin niya dito napatingin din ito sa kanya habang kinakausap nito ang kasamahan niya. Nang magkatamaan sila ng paningin agad inalis ni Jayvee ang kanyang tingin kay Khei, at nagtanong sa kausap nito, pagkatapos noon ay umalis din agad. Hindi maiwasan ni Khei na magtaka kay Jayvee, dahil yung mga tanong nito ay alam naman niya ang sagot. Parang sinadya lang kasi ni Jayvee na pumunta sa kanila para magtanong kahit alam na nito ang sagot sa mga tanong niya, dahil habang kinakausap nito ang kasamahan niya, ang tanong ni Jayvee ay sagot din niya, kumbaga useless ang pagtatanong nito. At saka, yung schedule na tinatanong niya ay nakaPost sa bulletin board nila, kaya hindi na nito kailangan pa puntahan sila mismo upang itanong ito.

Pakiramdam tuloy ni Khei, talagang sinadya ni Jayvee na pumunta sa kinaroroonan nila upang masilayan siya sa unang araw ng buwan. Medyo assuming ang dating pero parang ganoon talaga ang dating.

Papauwi na noon si Khei ng bigla na lang siyang hinatak ng kanyang kasamahan upang magpasama, hindi kilala ni Khei kung kanino ito magpapasama, kaya naman hindi na niya matiis na itanong kung kanino ba ito magpapasama.

“Kay Jay…” sabi ng Kasamahan nito, napaisip siya dahil wala naman itong kilalang ganoong tao na taga ospital, kaya nagtanong siya muli dahil baka mali lang ang dinig niya pero yun talaga ang pangalan.

BIglang naalala ni Khei, na Jay nga pala ang alternate name ni Jayvee sa facebook, kaya ng maRealize niya na doon ito magpapasama bigla siyang nagdahilan upang hindi na ito samahan. Ayaw nga niya kasi ito makita pa, o mapalapit man lang dito pero sa di inaasahang pagkakataon talaga namang nagkakaroon ng paraan ang tadhana upang paglapitin sila.

-------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon