May mga bagay talaga minsan na hindi mo maintindihan kung bakit nangyayari sa buhay mo. Minsan may mga pangyayari na talaga namang mapapaisip ka, kung bakit ito nangyayari? Sadya ba ito? O talaga namang nagkataon lang.
Nitong mga nakaraang araw, madalas nahuhuli sa pagpasok sa duty si Khei. At sa madalas niyang pagkahuli sa pagpasok, madalas niyang nakikita si Jayvee, yung tipong paparating siya mula sa kabilang dulo ng hallway, at siya naman ay paparting mula sa kabila nito. Natatawa na lamang si Khei, kasi parang araw-araw na lang ata ganoon ang eksena. Isang araw nag-aabang si Khei sa bus stop kasama ang kaniyang mga kasamahan sa duty ng biglang dumating si Jayvee. Medyo mainit noong araw na iyon kaya naman namamaypay si Khei, kinausap ni Jayvee ang kasama ni Khei, napatingin siya dito at saka tinuloy ang pagpapaypay. Maya maya pa ay biglang lumipat ng pwesto si Jayvee at tumabi sa kanya, napatingin si Khei kay Jayvee. Diretso lamang ang tingin ni Jayvee sa mga dumadaan na sasakyan.
“Biglang lumipat? Ah, alam ko na gusto nito ng hangin kaya tumabi sakin ….” Naisip ni Khei, tumingin siya sa mga kasamahan niya, at sabay paling ng tingin kay Jayvee na kitang kita na tumatagaktak ang pawis dahil sa sobrang init. Balak sana paypayan ni Khei si Jayvee, pero biglang pumasok sa isip niya ang nangyari ng nakaraang linggo.
(Flashback)
Nasa quarters sila noon, nakaupo si Khei habang nagtetext at nakapatong ang braso sa ibabaw ng table, ng biglang dumating si Jayvee at may kinuha sa ilalim ng table. Hanggang maya-maya pa ay naramdaman ni Khei na parang may nagalaw sa gilid ng bewang niya. Nakita niya si Jayvee na naka-yuko at may kinukuha sa ilalaim ng table, at dahan dahan siyang nakikiskis ng siko nito, at nang inalis ni Jayvee ang kamay niya, dahan dahan siyang nasagi ng braso nito. Pagkakita noon ni Khei kay Jayvee, siya ay nainis, hindi niya kasi alam kung nananadya ba o talagang di lang sadya na masagi siya nito. Iba kasi kapag hindi sinasadya na masagi ka, masiko, biglaan, hindi yung dahan dahan ka pang masasagi.
Napansin ni Jayvee na may nakatingin sa kanya, at pagkakita niya nakatingin si Khei sa kanya, at hindi maganda ang tingin nito sa kanya kaya naman agad siyang humingi ng paumanhin.
Makalaipas ang ilang oras, kausap ni Khei ang kanyang kasamahan ng biglang tinawag nito si Jayvee. Dali dali naman ito pumunta at hindi sinasadyang naipit ni Jayvee ang braso ni Khei dahil bigla niyang tinukod ang kamay niya sa lamesa kung saan naman nakapatong ang braso ni Khei. Ang sama ng tingin ni Khei kay Jayvee dahil talaga namang nasaktan ito.
“Aray!” sabi ni Khei, tumingin si Jayvee sa kaniya na gulat na gulat.
“Sorry! Sorry.. Sorry …” sabi ni Jayvee ng paulit-ulit, inirapan na lamang siya ni Khei.
Sa isip ni Khei, pwede naman kasing hindi siya tumakbo, bakit kasi siya nagmamadali pumunta eh may sasabihin lang naman sa kanya. Nakakasakit tuloy siya ng tao sa ginagawa niya, hindi niya malaman kung nanadya ba siya, may galit ba siya o sadyang napaka clumsy na tao lang yan si Jayvee.
Dahil sa mga pangyayaring yun, naisip ni Khei na hindi kaya may gusto sa kanya si Jayvee kaya ito ganoon? Pero baka naman sadyang ganoon lang siya. Napailing na lamang si Khei, at hindi na inisip pa ang mga nangyari.
Kinabukasan, maagang pumasok si Khei. Pagkadating niya sa quarters nila, narinig niyang nag-uusap ang ilang staff ng hospital, at pinag-uusapan si Jayvee. Narinig niya na napakatalino pala ni Jayvee, nagtapos ito with honors, at hindi lang basta with honors, siya ang top student sa batch nila. Napataas ng kilay si Khei sa narinig niya, medyo humanga siya kay Jayvee dahil doon. Habang hindi pa simula ng duty niya, naisipan niya na i-chat ang mutual friend nila ni Jayvee. Nalaman niya doon na kasali pala sa pep squad ng former university niya si Jayvee, at kaya ito nakilala ng friend niya ay dahil isa ito sa mga alumnus na tumulong sa training nila. Nung malaman yun ni Khei, dun niya napagtanto na si Jayvee yung pinagtatawanan nila ni Lea (main flyer ng pep squad) sa training kasi nung makasalubong nila ito ay naka super smile, akala nila may sapak ito kasi parang ang saya saya lang niya na naglalakad.
Halos lahat ng nalaman ni Khei kay Jayvee ay positive, mabait daw ito at hindi marunong magalit. Iyon naman ang ayaw paniwalaan ni Khei, dahil para sa kanya walang taong hindi marunong magalit. Lahat kasi nagagalit, pero hindi lahat kayang ipakita na galit na sila.
Tiningnan ni Khei ang profile ni Jayvee, at nabasa niya ang about me nito. Natawa siya sa mga nakasulat dito, doon niya napatunayan na palabiro talaga ito, at medyo seryoso din. Pakriramdam ni Khei, medyo parehas sila ng ugali nito ni Jayvee. Pati yung genre ng music na hilig nila ay parehas, natawa si Khei sa new DP ni Jayvee, wacky kasi ang pose nito at may kasamang girl. Tiningnan niya ang status nito, at nakita niyang “IN A RELATIONSHIP” pagkakita niya dito, hindi maintindihan ni Khei ang naramdaman niya, para bang bigla siyang nalungkot ng hindi niya alam kung bakit.
Naalala lang niya, the first time she saw Jayvee’s profile last year, ‘SINGLE’ pa ang nakalagay dito. Naisip niya tuloy siguro nung araw na nakita nila Jayvee na naka super smile, ay yung araw na sinagot ito ng current girlfriend niya.
Pakiramdam ni Khei, nahuli na siya. Pero hindi naman niya talaga gusto si Jayvee, nitong mga nakaraang araw lang ay hindi ito mawala sa isip niya mula ng malaman niya na ito pala yung gusto niya i-add dati.
Pakiramdam niya pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pero tanong niya sa sarili niya, ano kaya ang rason kung bakit sila pinagtagpo. Paniniwala kasi ni Khei, lahat ng pangyayari sa buhay ng isang tao ay may rason. Lahat ng taong nakikilala mo, may dahilan kung bakit sila magiging at naging parte ng buhay mo. Lahat sila ay may ibabahagi sa buhay mo na talaga namang magiging dahilan kung ano at sino ka sa mga darating na panahon.
-------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Small World
ChickLitIt's about two persons who already met. And had a chance to meet each other again for a second time. Destiny? Fate? Find out!. Written by: Kristine Mae B. All rights reserved. 2013. This story was inspired by a true story, pero syempre some parts of...