Chapter 28: Dream Come True

32 0 0
                                    

Isang gabi nagOnline si Khei para i-Check ang file na pinadala sa kanya ni Cheche sa facebook, nakita niya na may new friend request sa kaniya, kaya naman agad niyang tiningnan ito kung sino. Pagkatingin niya, nagulat siya sa nakita niya. Kinusot niya ang mga mata niya, dahil baka inaantok lang siya at hindi talaga iyon ang nakita niya. Linapitan niya ang screen ng laptop niya at binasa ng maigi ang pangalan ng account ng nag-add sa kaniya, at hindi siya pwedeng magkamali. Si Jayvee Lorenzo talaga ang nag-add sa kaniya. Napangiti si Khei, kasi dati pa niya ito gusto i-add si Jayvee pero parati siyang nagdadalawang isip, pero ngayon siya na mismo ang in-add nito. Dati pa niya sinasabi sa isip niya na gusto niya si Jayvee ang mag-add sa kaniya para masaya, masaya in a way na nakakakilig. Ikaw ba naman i-add ng crush mo sa facebook diba, nakakakilig talaga. Syempre, tinanggap niya ang friend request nitong si Jayvee. Dahil friends na sila sa facebook, makikita na niya ngayon ang mga naging DP nito ni Jayvee nung mga nakaraang buwan at pati noong nakaraang taon. Dahil gusto niya masigurado na si Jayvee nga talaga yung dati niyang gusto i-add sa facebook tiningnan niya yung mga pictures nito sa Profile pictures album, at nakita niya doon yung dating DP ni Jayvee noong nakita niya ito sa facebook ng classmate niya dati, doon niya nasigurado na siya nga ang lalakeng iyon.

"I think, I'm starting to believe...

Maniwala sa magic ng pag-ibig..." sabi ni Khei, sabay napangiti.

Kinabukasan, nagpunta si Khei sa isang mall para mamili ng mga bagong damit. Papunta na noon si Khei sa favorite store niya ng biglang nakasalubong niya itong si Nate at Johanne, napangiti siya sa mga ito at ganoon din sila sa kaniya.

"Ano date?" paasar na tanong ni Khei sa kanila, natawa ang dalawa.

"Oo, we're on a date, but if you want you could join us?

We're in an open relationship naman, so kung gusto mo

DATE DIN TAYO" sabi ni Nate, sabay ngiti, natawa na lamang si Khei at umalis.

Tapos ng mamili si Khei ng mga bago niyang damit, kaya naman oras na para siya ay kumain. Napadaan siya sa isang restaurant, at napangiti, bigla niyang naisip yung usapan nila ni Telay.

(Flashback)

"Aww, grabe ang romantic ng place nuh?" sabi ni Telay.

"Yeah, maganda kumain diyan kasama yung taong mahal mo...

Look at the view, may bridge over the pond, tapos may gazebo sa other side ng bridge

at napaka romantic ng ambience.." sabi ni Khei, na medyo napabuntong hininga.

"Kelan kaya tayo makakakain diyan kasama yung mga special someone natin?" sabi ni Telay, sabay biglang kinilig, naisip kasi nito si Pau.

(Back to Present)

Biglang napansin ni Khei na may nakain doon sa may gazebo, at napangiti siya. Habang tinitingnan niya ito, bigla niyang naRealize na kilala niya ang babae na nandoon. Si Telay iyon, kasama ang isang lalake, kaya naman umikot siya para makita kung sino ang kasama nito, nakatalikod kasi ang lalake, mula dun sa kinatatayuan ni Khei. Pagkaikot niya sa lugar kung saan makikita na niya kung sino ang lalake, natawa siya bigla dahil si Pau ang lalakeng kasama ni Telay na nakain doon.

"Dream come true for her..." pabulong na sabi ni Khei, at umalis ng nakangiti.

Hindi napigilan ni Khei, na hindi iText itong si Telay upang malaman kung ano na ba talaga sila ni Pau, kaya naman agad itong nakibalita ngunit hindi ito sumasagot sa mga text messages niya. Naghahanap noon ng makakainan itong si Khei, malayo ang tingin niya dahil tinatanaw niya ang isang restaurant na gusto niyang kainan, ng biglang may makabanggaan siya.

"Sorry..." sabi ng Lalake, napatingin si Khei at nagulat.

"Jayvee??" sabi ni Khei, at napatingin ito sa kaniya.

"Khei..." sabi ni Jayvee, na medyo malungkot ang boses.

"Tingin tingin din kasi sa daanan ha?" pabirong sabi ni Khei, napangiti ng unti si Jayvee.

"Sorry na, ikaw din naman eh di ka nakatingin..." sabi ni Jayvee, napaisip bigla si Khei.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Khei, natawa si Jayvee.

"Kasi kung nakatingin ka, di tayo magkakabanggan kasi

iiwasan mo ako." Sabi ni Jayvee, napangiti si Khei.

"San ka ba kasi nakatingin huh?" tanong ni Jayvee.

"Doon sa resto na kakainan ko.." sabi ni Khei, napatingin doon si Jayvee.

"Sabay na tayo kumain" sabi ni Jayvee, sabay higit sa kamay na Khei.

Nagulat si Khei sa ginawa ni Jayvee, hindi niya alam ang gagawin niya, kaya naman bigla niyang sinabi kay Jayvee:

"Jayvee, you don't have to hold me..."

Sabay dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Jayvee. Napatingin ito sa kaniya, at para bang sumenyas na humihingi siya ng paumanhin sa nagawa niya.

-------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon