Chapter 15: We Belong Together

45 0 0
                                    

Naikwento ni Khei ang mga nangyari nitong nakaraang araw sa kanila ni Jayvee, kina Rye at Cheche.

“Baka meant to be kayo ah?” asar ng dalawa kay Khei.

“Meant to be? Pwe…” sabi ni Khei, na ayaw maniwala.

Pero naisip ni Khei, hindi kaya meant for each other nga sila. Pati yung ibang pinagkwekwentuhan ni Khei tungkol sa mga nangyayari, ganoon din ang sinasabi baka daw meant to be nga sila. Pero syempre hindi sinasabi ni Khei kung sino yung guy doon sa iba niyang pinagtatanungan, kunwari kakilala lang niya yun. Pero kung iisipin naman kasi, nagsimula sa mutual friends sa facebook, tapos madalas niya nakakasalubong sa hospital at sa dami dami ng mapapasukan niya doon pa talaga kung nasaan si Jayvee.

Lingid sa kaalaman ni Khei at Jayvee, nakasabay na pala nila ang isa’t isa dati sa elevator ng hospital ng dating school ni Khei at madalas pala sila nagkakasabay kumain sa isang fast food chain, napakaliit talaga ng mundo ng dalawang taong ito.

“Ui, may nakita akong picture doon sa facebook mo…” sabi ni Cheche.

“Ano? Patingin nga ng link?” tanong ni Khei.

Pagkabigay ni Cheche ng link ng picture, agad itong binuksan ni Khei at laking gulat niya dito. Ang picture na iyon ay kinunan niya noong nakaraang taon, madalas niya kasi nakakasabay kumain ang guy na yun sa fast food chain at medyo na cute-an siya dito kaya niya ito kinunan ng picture. Madami ang nagLike sa picture na iyon, sa pag-aakalang artista ang lalake sa picture na iyon, madami din ang nagtatanong kung sino iyon, ngunit hindi masagot ni Khei, dahil siya mismo ay yun din ang tanong. “Sino nga ba siya?” Tinitigan ng mabuti ni Khei ang picture, at doon niya naRealize na ang lalake dun sa picture ay si Jayvee.

Napangiti si Khei pagkatapos niya itong matanto. Naka sideview na upo dun si Jayvee, habang nainom ng softdrinks. Sinong mag-aakala na siya pala yun gustong makilala ni Khei dati, napakaliit ng mundo at nagkatagpo ulit silang dalawa. Habang nagtatagal, parang gusto na maniwala ni Khei sa mga tukso ng kaibigan niya na baka “meant to be” nga sila ni Jayvee.

Kakatapos lang ni Khei kumain noon ng pabalik na siya sa kanyang pwesto sa hospital, naglalakad siya papunta sa kanyang patutunguhan ng napatingin siya sa may hagdanan. Nakita niya doon na umaakyat si Jayvee habang nagbabasa ng isang document, hindi siya sigurado kung report iyon.

“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, ikaw na naman?” sabi sa isip ni Khei.

Makalipas ang ilang sandali naisipan ni Khei na pumunta muna sa pwesto ng kanyang kaibigan na intern din, total wala pa naman siyang ginagawa talaga. Balak niya sana ito kulitin, at kuhanan ng stolen picture. Sakto naman na makakasalubong niya ito, kaya naman agad na niya agad hinanda ang camera ng cellphone niya, para makunan ito ng stolen picture. Ngunit, mukhang nahalata nito ang balak niya kaya umilag ito at gumawi banda sa may elevator, sakto naman na nandoon si Jayvee, nag-aantay ng elevator pababa.

“Yan ang gusto ko sayo eh, lagi kang alerto…” sabi ni Khei sa kaibigan niya. Napatingin si Jayvee sa kanila.

Pagkatingin ni Khei sa nakunan niyang picture, blur ang kaibigan niya at nahagip ng camera niya si Jayvee. Balak na sana niya itong burahin, pero nung i-zoom in niya ito, nakita niya si Jayvee na naka sideview at seryoso ang mukha.

“In fairness, kahit seryoso ang itsura niya dito. Ang gwapo niya…” sabi ni Khei sa isip niya.

Naisipan niyang wag na lang burahin ang picture, para naman may souvenier siya kay Jayvee. Ilang buwan na lang kasi magkakaroon na ng shuffling ng duty sa hospital. Pag nangyari yun, maaring maiba ang oras ng duty ni Khei, o kaya naman maiba siya ng department kung saan mapapalayo siya sa department nina Jayvee. At maaring hindi na niya makita si Jayvee pag nangyari yun. Kapag naiisip yun ni Khei, natutuwa siya kasi bagong department, bagong mukha na naman pero sa kabila noon nalulungkot siya kasi may mga tao siyang kailangan iwan at maaring matagalan pa bago niya makasama ulit ang mga taong iyon.

Isang hapon, nasa campus sina Khei noon at oras ng kanilang klase. Medyo makulilim noong araw na iyon, dahil maulan, nakita niya si Jayvee na nasa klase nila at nag-iisang nakaupo sa may bandang unahang upuan kaya naman nilapitan niya ito upang kausapin at sila ay nag-usap, noong una parang nagkakailangan pa sila noon bandang huli kung mag-usap sila akala mo matagal na silang magkakilala at nagbibiruan na sila’t nagtatawanan. Noong oras na ng uwian, pababa na ng building si Khei. Napakahaba ng hallway na lalakaran niya bago marating ang elevator, may magarang chandelier sa bandang gitna ng hallway kung sana makikita naman ang harang kung saan matatanaw mo ang lobby ng building na kapag napatingin ka sa pinakababa nito ay makikita mo ang sarili mo sa kintab ng floorings nito.

Malapit na makarating si Khei sa may elevator at nakita niyang nag-aantay doon si Jayvee, pagkadating ng elevator hindi ito sumakay at tumingin sa kanya na para bang sinasabihan siyang sabay na sila sumakay pababa. Medyo, nag-alangan si Khei kaya mas pinili niya bumaba sa escalator at nakita niya si Cheche.

“Ui, ilayo mo ako dito, inaabangan ako ni Jayvee…” sabi ni Khei kay Cheche, at agad siya nitong tinulungan umiwas kay Jayvee.

Itinakbo siya ni Cheche, sa madilim na parte ng building papunta sa parking area.

“Ang dilim naman dito??” sabi ni Khei.

Sumikat na ang araw, at himbing na himbing pa din sa pagtulog si Khei. Pagkamulat ng mata niya, agad siyang nasinagan ng liwanag ng araw na nangagaling sa bintana ng kanyang balcony sa kanyang condo unit.

“Panaginip lang pala…” sabi ni Khei sa isip niya, sabay napangiti.

Nag-ayos na si Khei para pumasok sa kanyang eskwelahan. Kahit kasi intern na siya meron pa din siyang isang araw na pumapasok sa eskwelahan para umatend ng klase. Pagkadating niya sa eskwelahan agad siyang dumiretso sa canteen upang puntahan ang kanyang kaklase na si Telay, siya ang isa sa mga naging unang kaibigan ni Khei sa bago niyang eskwelahan. Madalas si Telay tumambay sa canteen dahil palagi niyang inaabangan ang mga varsity ng kanilang university, isa kasing big fan ng basketball si Telay at crush niya ang isa sa mga varsities ng school nila.

“Telay!” pagbati ni Khei sa kanya, sabay upo sa tabi nito.

“Kumusta? Ayos ba sa hospital?” tanong ni Telay sa kanya.

Sinagot ni Khei ang tanong niya, sabay kwento ng panaginip niya pero hindi niya binanggit ang pangalan ng guy sa dream niya, which is si Jayvee. Pagkatapos pakinggan ni Telay ang buong kwento ni Khei, medyo natawa ito sa kanya.

“Hindi kaya, kaya mo napanaginipan yan

dahil may gusto ka na sa kanya pero natatakot ka lang aminin sa sarili mo?

Talagang pati sa panaginip iniiwasan mo siya ah…” sabi ni Telay sabay ngisi.

Napaisip si Khei sa sinabi ni Telay sa kanya, bakit nga ba ganoon ang panaginip niya magulo, parang yung nararamdaman niya magulo, hindi malaman kung ano ba talaga ang saloobin niya.

Papasok na si Khei sa hospital at ipaparada na niya ang kanyang sasakyan sa parking lot, enjoy na enjoy siya makinig ng radio ng mga panahong iyon at maya-maya pa ay may nakita siyang naglalakad papasok sa entrance ng mga employees ng hospital at si Jayvee ang nakita niya, sakto namang nagpalit ang tugtog sa radio, biglang tumugtog ang kantang “Got To Believe in Magic”. Napangiti si Khei, sakto pa kasi talaga na biglang tumugtog yun.

“Timing talaga ah?” sabi ni Khei, sabay patay sa radio at baba sa sasakyan.

--------------------------------------------------------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Small WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon