This chapter is dedicated to Aiz' Aiz Madrona :) :) :)
***
Kenzie's Pov
"I'm Home." sabi ko pagkabukas ng pinto.
"O anak. Magbihis kana at maghahapunan na tayo." sabi sa'kin ni mama nang makita niya ako. Nakangiti siya kaya ginantihan ko din siya ng ngiti.
"Ahh, Ma, si Rin po nakauwi na?" tanong ko kay mama pagkalabas ko nang kwarto nang mapansin kong wala siya sa dining table. Parati kasi yung nauuna sa mesa tuwing kakain kami. Himala ngayon wala siya. Nangyari dun?? Ang laki na talaga nang pinagbago ni Rin.
"Nasa kwarto na niya, ayaw daw kumain eh, kumain na daw sila sa labas kasama yung mga kaibigan niya. Magpapahinga nalang daw siya pero sinabihan ko siyang bumaba kung nakaramdam siya ng gutom." pagpapaliwanag ni mama.
"Ahh. Sige kain nalang po tayo. Pupuntahan ko nalang po siya mamaya." sabi ko at kumain na kami ni mama. Nagkwento lang ako sa nangyari sa company namin. Simula kasi nang mamatay si papa, si mama muna ang nagpatakbo ng companya at nung grumaduate na ako sa college ako na ang sumalo sa lahat nang gawain sa company, para naman magkapagpahinga na si mama. Ako narin ang tumatayong tatay at ako muna ngayon ang maaasahan ni mama dahil nag-aaral pa si Rin.
Ahh, ako nga pala si Kenzie Shinize kuya ni Rin. Masyado bang halata?? Haha. Matanda ako ng 3 taon sa kanya. Namatay si papa nung 10 taong gulang palang si Rin at ako 13 taong gulang. Ako narin ang promoprotekta sa kanya tuwing binubully siya. Sabay kami noon pumapasok at umuuwi nang umalis si Hiro.
"Ah, Ma, puntahan ko nalang si Rin sa kwarto niya mamaya. Sisilipin ko lang." sabi ko kay mama. Simula kasi noong umalis si Hiro, parati na siyang mag-isa, minsan nalang din kasi kami magkasama.
"Rin..?" tawag ko sa kanya pagkapasok ko nang kwarto niya, syempre kumatok ako, grabe pa naman 'to kapag basta basta ka na lang pumasok nang hindi kumakatok sa pinto ng kwarto niya. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya. Nakabukas pa ang ilaw. Ang himbing nang tulog niya. Pagod talaga siguro 'to buong araw. Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya at kinamutan na saka ko siya hinalikan sa noo. Palagi ko yung ginagawa tuwing o bago siya matulog.
"H-hiro..." tatalikod na sana ako nang marinig ko siyang tinawag niya ang pangalan ni Hiro. Napapaniginipan niya ito siguro. Namimiss na rin niya alam ko yun kahit na hindi niya aminin o sabihin sa'min. Umalis narin ako sa kwarto niya. Muli ko siyang sinilip at pinatay na ang ilaw. "Good Night, Rin." at sinara ko ang pinto.
"Oh, anak, ang bilis mo. Nakatulog na ba siya?" tanong sa'kin ni mama nang mapansin niya akong bumaba.
"Opo ma, himbing na himbing. Napagod talaga siya siguro." sagot ko sa tanong ni mama habang papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Nanood kasi siya ng tv. Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan ko kung sino ang nagtext. Si Maisha pala.
Rin's Pov
Maaga akong nagising kasi maaga din naman akong nakatulog kagabi. Nagulat ako dahil paggising ko maayos at may kumot na ako. "Si kuya siguro may gawa nito." napangiti na lang ako. Palagi niya 'tong ginagawa. Ang swerte namin ni mama dahil may anak siyang mabait, sweet, maaalahanin at mapagmahal. Hindi imposibleng walang magkakagusto sa kanya. Pero bakit wala pa siyang Girlfriend? Inaayos ko na ang higaan ko, naligo, nagbihis at bumaba na.
"Good Morning, Rin." bati sa'kin ni kuya nang mapansing papalapit ako sa kanya pero nakatalikod lang ito, nagluluto kasi. Kung hindi si mama, si kuya. Minsan lang kasi 'to nagluluto, palaging sa opisina na siya kumakain marami kasing gawain eh. Minsan na lang kami nagsasabay umalis.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...