Rin's Pov
Hindi ko inaasahan ang itatanong ni Autumn sa'kin. Akala ko ang itatanong niya ay tungkol sa kung saan siya hihiga, dahil kung 'yun nga, sa sahig ko siya patutulugin. Masikip sa kama ko. Magtabi sila ni Syl.
"May nangyari ba sa'yo dati? Na naging dahilan kung bakit nagkaganyan ka ngayon?" nagulat ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. I compose myself before answering her question. Huminga muna ako nang malalim.
"Sila kasi yung bumully sa'kin dati. Nagkaroon ako siguro ng trauma kaya sa tuwing may nakikita akong binubully o di kaya'y yung taong bumully sa'kin pati na rin yung may koneksyon sa kanya, eh nanginginig ako. Naaalala ko kasi yung mga ginagawa nila sa'kin, pero pilit ko ring nilalabanan ko pa rin ito. Pinipigilan kong manginig sa tuwing may binubully." pagpapaliwanag ko kay Autumn.
"Kaya pala. So sila pala yun?" mahina niyang sabi pero nadinig ko 'yun.
"Oo, sila 'yun. Pero 'yung isa sa kanila, nagbago na ata. Si Maisha nga, yung ikatlong nagsalita kanina na pinutol ni Nickel 'yung sasabihin niya? Dati binuhusan niya ako ng tubig. Siya 'yung dahilan kung bakit basang-basa ako." dugtong ko. "Binuhusan niya ako dati pero iba siya kanina. Ngumiti siya, nakita mo naman 'yun diba?" tanong ko sa kanya. Teka ang tagal naman ata ni SYl.
"Oo. Mukha nga siyang mabait. Teka, antagal ni Aestine, baka inubos na niya 'yung juice." mind reader ba 'tong bruhang 'to?
"Hoy! Mind reader kaba? Kakasabi mo lang ng iniisip ko bago lang." sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya.
"Hindi no. Baka nagkataon lang. Kanina pa kasi si Aestine doon. Nangangamba na ako baka naubos na niya." sagot naman niya. Kung sabagay kanina pa nga 'yun. Maya maya'y pumasok na rin si Syl.
"Oh, ba't ang tagal mo? Anong ginawa mo 'dun sa baba?" bungad sa kanya ni Autumn.
"Kinausap pa ako ni Tita at please lang huwag niyo na akong tanungin kung tungkol saan 'yun." sagot niya sa tanong ni Autumn. Napatulala naman kami ni Autumn at nagkatinginan.
"Himala, nagsasalita ka na pala ngayon, insan. Akala namin ang alam mo lang na sabihin eh. 'tss. tsk. kupad. ang bagal.' kung minsan naman umiirap kalang o di kaya'y magbubuntong-hininga." pilosopo din 'tong isang 'to. Sakyan ko nga.
"Oo nga naman Syl. Akala ko talaga pati 'yung sisidlan kinain mo na. Buti buo pa. Akala ko nga kulang pa sa'yo yang sisidlan ng juice at pati 'yung mga baso namin sa baba, kinain mo na rin." haha. Minsan lang kasi 'to magsalita ng matagal.
"Shut up, the both of you. It's not funny." sabat naman niya. haha. Lumalabas na 'yung pagiging englesera niya at may bago ha?
"Uy, bago 'yan ahh. yung Shut up, the both of you at yung it's not funny." sabay naming sabi ni Autumn, kaya nagkatinginan kami. Haha. Iisa nga lang laman ng utak namin. Si Syl naman ayun parang puputok na sa galit. Tiningnan kami ng masama. Kaya tumahimik nalang kami. Baka ano pang masabi ng isang 'to.
"Alam mo Rin. Sa kanilang tatlo kanina yung huling nagsalita kanina, si Maisha ba 'yun? Yun lang ata ang matino sa kanila ehh." pag-iiba ng topiko ni Autumn. Isa pa 'to ayaw din nitong mapagbuntungan ng sama ng loob ni Syl. Ayaw kaya naming makarinig ng homily kay Syl. Mabibingi lang kami. Nakita ko namang humiga ulit si Syl sa kama ko. Teka, parang nagugustuhan niya na ang kama ko. Pero ayos na rin 'yun sa sahig naman 'yan matutulog mamaya. Tabi sila ng pinsan niyang 'to.
"Bakit naman? Matino naman silang tatlo ah." kunot noong tanong ko sa kanya. Diba? Matino naman 'yung tatlo.
"Kasi 'yung Nickel na 'yun, yung buhok niya kanina? Parang kakababa lang ng sasakyan ang gulo-gulo. Hindi maayos parang galing mental. Yung isa naman, yung ikalawang nagsalita? Parang nagtatrabaho sa bar ang kapal ng make-up eh." pagpapaliwanag naman niya.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
Storie d'amorePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...