Hello po. Pasenya na at ngayon lang nakapag-update..
Enjoy~
***
Chapter 16
Aestine's Pov
Seryoso lang siyang nakatingin sa kawalan. Alam ko namang narinig niya ang usapan namin.
Pagkatapos ay tumingin siya sa pintuan, nakasara kasi. Ang dilim ng mukha niya. Nagseselos na 'to. Ba't kasi hindi agad gumalaw o kahit magparamdam manlang. Tapos ngayon magseselos. Pero naiintindihan ko rin naman siya.
"Pero kilala naman natin si Rin diba? Alam niya ang ginagawa niya." sabi ni Autumn kaya napatingin ako. Maski sina Hiro at Maxwell ay ganoon din.
Napangiti ako, oo nga pala hindi nagpapaligaw si Rin. Stupid me. Ba't ko ba nakalimutan 'yun? Kahit na ganoon, na hindi siya nagpapaligaw ay marami paring tumatangka at alam na alam ni Rin kung paano sila tanggihan sa paraang hindi masasaktan ang damdamin nila.
Ang tagal naman ni Rin. Napaaray ako nang sipain bigla ni Autumn ang paa ko. Sa upuan kasi siya ni Rin nakaupo. Lumipat kasi pagkaalis ni Rin.
"Ano ba, Autumn! Ang sakit!" sigaw ko sa kanya. Ang sakit kaya. Napaka talaga ng babaeng 'to. Pero wala lang sa kanya kasi imbes na magsalita ay tinuro niya ang pintuan kaya napatingin kami dun.
Si Rin pala. Buti at naisipan pa niyang pumasok. Akala ko kasi mas trip niyang nakatayo lang sa labas at makipag-usap kay Mccoy.
"Rin, kay Mccoy ba galing 'yan?" grabe! Palakpakan si Autumn. Alangan namang kay Hiro galing diba? Malamang kay Mccoy.
"Ah, oo. Isasauli ko sana sa kanya kaso ayaw na niyang tanggapin." sagot niya sa tanong ni Autumn.
"Ba't mo isasauli?" tsismosa talaga. At nahalata ko lang ha? Hindi lumabas si Hynes. Nakakapanibago.
"Para sana ibigay niya kay Kathyryn. Nasabi ko kasi sa kanya na may gusto si Kathyryn sa kanya at siya nalang 'yung ligawan. Dun sigurado, hindi siya iiwan at mamahalin pa siya." sagot niya. May pinapatamaan ba 'to? Nagkatinginan kami ni Autumn. Sa ganitong bagay hindi ko maitatanggi na nagkakaintidihan kami. Tiningnan ko rin si Hiro na sa mesa lang nakatingin.
"Eh, ba't ayaw niyang tanggapin?"
"Para daw talaga sa'kin eh."
"Ahh, eh, nasaan na si Mccoy?"
"Ayun bumalik sa room nila. Akala ko nga lalapitan niya si Kath eh. Pero dumiretso siya."
"Ahh." mukhang mahihirapan si Mccoy, kaya ba, hindi niya agad nilapitan si Kathyryn? Baka nag-iisip ng kung anong pwede niyang gawin.
Ngumiti si Rin at tiningnan ang bulaklak.
"Ang ganda." sabi niya. Maganda nga naman talaga eh. Matagal-tagal na naming hindi nakikitang ganito ulit si Rin. Ang maging masaya dahil may nagbigay sa kanya ng bulaklak. At TAKE NOTE, paborito pa niyang bulaklak. Alam ba ni Mccoy ang paborito nitong bulaklak? At ngayon lang ulit mayroong naglakas-loob na manligaw kay Rin.
*** 3 Days After ***
It's Monday already. I'm on my way to school.
Tatlong araw ring libro, handouts, ballpen at papel ang harap at hawak ko. I only get out of my room when it's breakfast, lunch and dinner. I only slept for 2 - 3 hours but yesterday I slept only for 1 hour.
Alam ko namang sobra pa sa pag-aaral ko ang pag-aaral ni Rin. Sigurado akong pati sa pagkain may dalang libro 'yun. Habang kumakain,nagbabasa.
Si Autumn, nag-aaral din siguro, hindi ko kasi siya nakikitang lumalabas ng kastilyo nila. Yes you read it right KASTILYO nila. Only her Mom and Dad.

BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...