Chapter 18

2.9K 113 6
                                        

Hi. Sorry po kung ngayon lang nakapag-update.. Nagkaproblema kasi sa laptop.. Hope you understand.. :)

***

Silver's Pov

Ang tagal naman nila. Kung sabagay marami silang kumuha ng exam.

I look at the door when it opened. Kakasabi ko lang sa isipan ko nasagot din agad.

Pumasok sila at dumiretso sa kanilang upuan nang tahimik.

"Want me to tell you your scores?" tanong ni Prof. sa kanila. Pero walang sumagot ni isa sa kanila. "So, I'll take as a yes ang hindi niyo pagsagot sa tanong ko."

Binuksan ni Prof. ang maliiti na notebook na dala niya kanina.

"Autumn Heartily, 6th Rank. Out of 300 items, you got 285. Aestine Syler Ral, 5th Rank, you got 290. Mere Tsuji, 3rd Rank, you got 297. And Rin Shinize, who is in the top 1 got 300." for real? Wow! She got it! na perfect niya! Ang talino talaga niya. Ano bang klaseng utak ang meron si Rin? Matanong nga mamaya.

"Rin is unbeatable!" sigaw ng mga kaklase namin. Unbeatable?

"Hey, what do you mean by unbeatable?" tanong ko sa kaklaseng nasa harapan ko nakaupo. At mukhang narinig ni Prof.

"Unbeatable, she maintains her position since in their 1st year."

"Wow!" napatingin ako kay Rin. Ibang klase siya.

"Wait, Prof., sinong nasa 2nd Rank? Mere is in the 3rd Rank diba?" tanong ng isa.

"Everleigh Wren, 2nd Rank, she got 298. Lumamang ka lang sa kanya ng 2 points. Last year she's in the 3rd Rank and she got 292. Ito 'yung sinasabi kong nag-iba. Their Rankings. Last year Rin is in the top, next to her is Mere, then Everleigh, then Maisha, and one from the other section."

Ahh, ganoon pala.

**

Rin's Pov

Nagulat ako sa sinabi ni Prof. kanina. Si Everleigh, 2 points lang ang laman ko sa kanya. From 292 3rd Rank to 298 2nd Rank.

"Nandito na po ako." sabi ko pagkapasok ko sa loob ng bahay.

"Oh, halika na, Rin. Akala namin ni Mama, doon kana kakain kina Aestine." anong oras na ba?

Tiningnan ko ang wall clock namin. 7:00 pm na pala. Nasobrahan ata ako sa kakaenjoy kina Syl at medyo napalalim 'yung iniisip ko kanina. Hindi ko inaasahan ang mga nalaman ko ngayong araw.

=FLASHBACK=

Umuwi na kami pagkatapos ng klase. Kagaya nung before kami kumuha ng exam ay maaga ring pinauwi ang mga estudyanteng hindi nakakuha ng advance examination dahil bukas na ang exam nila.

Umuwi muna ako sa bahay para magbihis. Hindi ko muna sasabihin kina Mama ang resulta ng exam namin.

"Ma, alis po ako. Pupunta po ako kina Syl. Namimiss na po kasi naming makipagbonding kay Ryok. Tsaka gusto ko munang mag-enjoy." paalam ko kay Mama.

"Oh sige, ingat ka ha?"

"Opo."

Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta kina Syl. Naka T-shirt at naka short short lang ako. Tsinelas lang din ang suot ako at nakacap. Mahilig ako sa cap eh.

Nagdoorbell ako pagkarating ko sa tapat ng bahay nina Syl. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto, at si Autumn ang nagbukas. Kung sabagay nasa harap lang naman nina Syl ang bahay nina Autumn.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon