Chapter 33

2.4K 110 5
                                    

Another update for you.. Pampabawi lang po.. :)

***


Rin's Pov

6:00 am.

Maaga akong nagising kanina kahit na 7:30 ang call time ng mga students kailangan pa kasi naming mag-ayos, hindi na kami nakapag-ayos kahapon kasi gabi na kami umuwi at nag-usap nalang kaming mga SR Officers na ngayong araw nalang kami mag-aayos kaya eto ako ngayon at naglalakad na papunta sa room. Nag-usap na kami kagabi nina Mama at Kuya Kenzie na susunod nalang daw sila dito.

Nauna akong nakarating sa room, wala pang tao, kaya nga ako palang diba? Hay naku!

Nilagay ko lang ang bag ko sa upuan ko saka ako lumabas ng room papunta sa SR Office, i-che-check ko kung ready na ba ang mga gagamitin namin this day. Anyway, naka civilian lang kami ngayon.

"Good Morning, Rin." bati sa'kin ni Kuya Gabriel. Nauna na pala siya kesa sa'kin.

"Good Morning rin, Kuya Gab. Kanina ka pa po ba?"

"Hmm? Hindi naman masyado, ngayon-ngayon lang din."

"Ahh, magkasunod lang po pala tayo."

"Oo."

Sabay na kami ni Kuya Gab nagcheck ng mga gamit.

"GOOD MORNING!!" nagulat kami sa biglang pagbukas ng pinto at sa sumigaw. "Oh, nandito na pala kayo, Gabriel at Rin."

"Opo, bago lang."

"Ganun ba? Oh sige ilabas na natin 'yang tarpaulin at mag-ayos na tayo ng gamit."

Nilabas na nga namin ang tarpaulin at ipinalagay sa itaas ng gate ng university namin sa tulong ng mga guards.

Unti-unti na ring dumating ang mga SR Officers at tumulong na sa ginagawa namin.

"Kuya Gab, mauna na muna ako sa loob, kailangan ko pang kamustahin ang mga gamit na gagamitin mamaya sa performances." paalam ko kay Kuya Gab kasi nakita ko na si Ate Iza siya kasi ang naasign sa department namin.

"Sige. Matatapos na namin 'to."

Pagkatapos 'nun ay tumakbo na ako para sundan si Ate Iza.

"Ate, Za!" tawag ko sa kanya ng malapit ko na siyang maabutan.

"Oh, Rin. Good Morning."

"Good Morning din po."

"Saan ka pupunta?"

"I-che-check ko lang po sana 'yung mga gagamitin na costume para sa performance mamaya."

"Ahh, oo nga pala noh? Sige, sige. Sabay na tayong pumunta sa room."

Naglakad na kami papunta sa room nila. Siya kasi ang humahawak o natatoka sa pagbubukas ng room nila.

6:45 palang naman.

Pumasok na kami nang buksan na niya ang pinto.

"Tapos na ang mga iyan. 'Yung ibang mga gamit dinala ng mga kaklase ko sa bahay nila at dun tinapos. Tinulungan naman siya ng iba pa naming mga kaklase, siguro nag-overnight sila dun. Maya-maya nandito na rin sila."

"Sige po. I-check na lang po natin 'to."

Nag-umpisa na kaming magcheck ni Ate Za. Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase niya at nagtulong-tulong kami sa pag-aayos ng mga costume na dinala pa talaga nila sa bahay ng isa sa mga kaklase nila, kagya nga ng sabi ni Ate Za.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon