Chapter 21

2.8K 110 3
                                    

HAPPY NEW YEAR!! :) BAGONG TAON NANAMAN!! :)

Here's the first update for the new year...

***

Rin's Pov

"Eh, sinong hindi mahahighblood kung pinacheck ka ng test questionnaire's na 8 subject nang MAG-ISA! Sige nga sabihin mo sa'kin, sinong hindi mahahighblood ha? Kuya Champ?" inis na sabi ko sa kanya.

"Hahaha. Chillax, lang." sabi ni kuya Champ.

"Tss."

Dumating na kami sa SR Office at nandoon na ang lahat. Kami na lang pala ang hinihintay nila.

"So, they're here." sabi ni Prof. Jay. "I have something to tell you. I talked to the other Professors sa faculty kanina about sa meeting natin kahapon and they agreed." dadag pa ni Prof.

"Haaay, mabuti naman po kung ganoon." sabi ni ate Geane.

"And by the way, my napili na rin akong mga Professors na magiging judge sa booth or theme niyo per room." sabi ni Prof.

"Thank you, Prof." sabi ko.

"No worries."

"Excuse me, po." sabi ko at napatingin naman ang lahat sa'kin. "Next week na po tayo mag-uumpisang magpractice para sa play. Iaannounce niyo na po sa klase niyo kung anong napag-usapan natin pati na rin po 'yung booth or theme niyo per section, para mapaghandaan po. Then, next, next monday po ay maglilinis na po tayo sa designated area natin then on tuesday po ay dapat all set na, para sa wednesday ay wala nang proproblehin." dagdag ko.

"No class na po ba tayo niyan, Prof. Jay?" tanong ni kuya Gabriel.

"Yes, wala klase, preparation nalang for our School Festival. Nagpaalam na ako kanina sa dean." sagot naman ni Prof. Jay.

"Thanks, Tay!"

"Thanks Prof!"

"Thanks, daddy!!"

"Salamat po."

"Thanks a lot, papsy! Hehehehe."

"Thank you po, Prof. Jay." bati namin. 'Yung iba kasi sa'min ay tatay, daddy, papsy, at kung anu-ano pa 'yung tawag namin sa kanya. Pero Prof. parin 'yung tawag ko.

"No problem, kiddos." nakangiting tugon ni Prof.

Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang ang meeting. Last meeting.

'Oras na para kausapin ko sina Syl at Autumn.'

Binilisan ko ang lakad ko para makarating agad sa room at nakahinga ako nang maluwag nang makita ko silang nakaupo pa doon.

"Tayo." sabi ko 'nung makalapit ako sa kanila.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Syl.

"I said, stand up."

"A-ahh." sabi niya lang at saka tumayo.

"Follow me." sabi ko at nagpaumauna nang maglakad. Sumunod naman silang dalawa ni Autumn.

Nang makarating kami sa rooftop ay agad ko silang tinanong.

"Matagal na ba talaga kayong magkakilala ni Hiro, Syl?" tanong ko agad. Matagal sumagot si Syl kaya nilingon ko.

"Oo, Rin, pero hanggang doon lang kami." sagot niya. Wala pa nga akong tinatanong eh.

"Wala pa akong follow-up question, Syl. Pero ayos na rin 'yun dahil sinagot mo na rin." sabi ko at saka bumaling kay Autumn. "Ikaw, Autumn, matagal mo na bang alam na magkaibigan sila?"

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon