This is the second update for this month.. Enjoy~
***
Rin's Pov
Bago kami matulog ay nag-usap ulit kami ni kuya, but this time, mom's with us.
"Kuya, 'pag nalaman kong niloloko ka ni Maisha, ako mismo ang susugod sa kanya." pagsisimula ko, pero syempre biro lang 'yun. Pero kapag talagang nangyari 'yun. Naku! Naku! Naku! Magtago na siya.
Nakatayo ako ngayon sa harap nila nang nakacross-arm.
"Huwag namang ganyan, anak." natatawang sabi ni Mama. "Baka iwan 'to ni Maisha at umiyak 'tong kuya mo." napalakas na din ang tawa ni Mama. Hindi na niya napigilan.
"Mama naman." tanging nasabi ni kuya at nagpout. Naku ppo! Bakla ba 'tong kuya ko? Hindi bagay sa kanya ang nakanguso. Eww~
"Kuya, huwag ka ngang magpout. Hindi bagay sa'yo, baka tuluyan ka ng iwan ni Maisha niyan." hehe. Sarap asarin ni kuya.
"Rin naman. Hindi 'yan." depensa niya. Haha.
"At kuya, makinig ka, kapag ikaw naman ang nanloko kay Maisha, lagot ka talaga sa'kin. Kahit kuya kita, kay Maisha ako kakampi. Kapag nanloko ka. Isipin mo ko kuya ha? Baka sa'kin mapunta ang karma mo eh." 'yung eksena namin parang 'yung pinagsasabihan ng magulang 'yung anak nila, at ako 'yung magulang. Hehe~
"Oo na, oo na. At ikaw, kapag may nagpaiyak sa'yo, sabihin mo agad sa'kin at makakatikim 'yun sa'kin." aww, ang sweet naman ng kuya ko. Swerte ni Maisha. Kung sabagay, swerte din naman 'yung lalake sa'kin, sweet din kasi ako. Nasa lahi na siguro namin. Kapag lumapit ka sa'min hindi ka mahahawaan kasi exclusive lang sa mga dugo namin. Blood type namin? Secret. :P
"Naku, kuya, sa presensya ko palang, baka tumakbo na 'yun." haha. Talaga ba? Mukhang hindi eh. Wala ngang pakialam eh. Oh, wait, i'm not thinking about Hiro here okay?
"Talaga?" tanong ni kuya. "Matanong nga si Hiro." bulong niya, *sighed* binulong pa niya. Tiningan ko si Mama kung narinig niya din 'yung sinabi ni kuyapero mukhang hindi naman dahil nakatingin lang siya sa'min ni kuya at nakangiti.
"Huwag mo kong umpisahan, kuya." pagbabanta ko sa kanya. bakit ba kasi kailangam pang isama ang pangalan ng lalakeng 'yun? Tska tumawa pa ha?
"Haha. Tama na 'to. Matulog na tayo. Gabi na rin kasi." sabi ni Mama at sumang-ayon kami.
"Opo, Ma." sabay naming sagot ni kuya. Umakyat na kami at pumasok sa kanya-kanya naming kwarto. Napabuntong-hininga nalang ako dahil ang haba ng araw na 'to, ang dami kasing nangyari. Ngunit isa lang ang alam ko, makakatulog na ako.
Nilock ko na ang pinto at pinatay ang ilaw at tuluyan nang natulog.
*** Next Morning ***
Ang ganda ng gising ko, kasi nga bati na kami ni kuya. Bumangon na ako and do the things that I need to do. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nalanghap ko agad ang amoy nang niluluto ni kuya, kahit kailan talaga ang sarap, amoy palang.
"Good Morning, kuya!" masayang bati ko sa kanya.
"Good Morning din, Rin. Ang saya natin ngayon ah." bati niya rin sa'kin pabalik.
"Syempre bati na tayo eh. Hmm.. Mukhang masarap 'yan kuya ah."
"Haha! Natutunan ko 'to kay Maisha. Mukhang tama nga siya. magugustuhan mo nga." tinuruan siya ni Maisha?
"Ah, magpapaturo nga rin ako sa kanya." bulong ko.
"Hahahaha!!" nakakagulat naman 'tong si kuya, bigla bigla nalang tumatawa. Narinig niya kaya 'tung binulong ko? Pero mahina lang naman 'yun ah.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...
