***
Rin's Pov
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Sarap ng tulog ko. Nag-inat muna ako ng katawan bago bumangon sa higaan. Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang damit ko.
"Hindi ko ba hinubad 'to kagabi?" hmmm? Umuwi kami pagkatapos naming kumain sa restaurant nina Ken tapos... hmm? "Tama! Nakaidlip nga pala ako. Hehe. Hindi na siguro ako ginising nila kuya at Mama."
Tuluyan na akong tumayo at naligo.
---
"Good Morning, Ma, kuya." bati ko sa kanila nang makita ko silang nakaupo sa dining table.
"Good Morning din anak. Halika na at kumain na tayo."
Agad siyang naupo sa tabi ng kuya niya at nag-umpisa na silang kumain.
Pagkatapos ay umalis na sila papunta sa University.
"Bye, kuya. Ingat sa pagmamaneho." paalam ko sa kanya.
"Yeah! Have a nice day!" sabi rin ni kuya and we wave at each other.
Naglakad na ako papunta sa room ng makasalubong ko si Prof. Jay.
"Rin, Good Morning." bati sa'kin ni Prof. Jay
"Good Morning di po, Prof."
"Tell your classmates to gather in the gym then procede to SR Office, they are all waiting for you. Sabay na kayong pumunta sa gym. I'm going to announce that starting tomorrow, we will clean the surroundings for the upcoming school festival."
"Yes, Prof." agad na tugon nito.
"Ok. See you."
Mag-uumpisa na pala kaming maglinis. Nakalimutan ko. Haist.
"Oh, ba't parang problemado ka, Rin?" bungad sa kanya ni Autumn nang makapasok siya sa loob ng room nila.
"All! Gym! Now!" malakas kong sigaw. Alam na nila 'yun. "Mere." tawag ko sa atensiyon ni Mere at sinenyasan siya.
"Got it!" sabi ni Mere. Mabuti nalang at siya ang class president.
"Kailangan ko nang umalis." nagmamadaling sabi ko. Ako nalang ang hinihintay nila doon.
"Anong meron?" tanong sa'kin ni Syl.
"Announcement." sabi ko at agad ma tumakbo palabas ng room.
Nang makarating ako sa SR ay naroon na nga ang lahat.
"Good Morning." bati ko.
"Oh, nandito na si Rin. Tara na." sabi ni ate Ilyana.
"Pasensiya na ngayon lang ako dumating." paghingi ko ng paumanhin.
"Ano ka ba. Ayos lang. Maaga pa naman eh." sagot sa'kin ni ate Ilyana. Ngumiti nalang ako sa kanya.
Agad kaming pumunta sa gym. Nang makarating kami ay naroon na ang mga estudyante. Pumunta kami kung nasaan si Prof. Jay.
"Prof." sabi ko. Tumango lang si Prof sa'kin. Pumunta siya sa gitna.
"Good Morning students!" bati ni Prof.
"Good Morning, Prof!" sabay-sabay na bati ng estudyante.
"Pinatawag ko kayong lahat to inform you that starting tomorrow we will clean the area that we're assigned to you. Did your class presidents inform you about it?"
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomantizmPrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...