Chapter 14

3.3K 121 4
                                    

First update.. Enjoy..

***

Autumn's Pov

Bakit kaya siya tanong ng tanong na may kinalaman sa pag-ibig? Is he in love? Kanino? Kung tama ako, sino kaya ang swerteng babaeng 'to?

Sayang din kasi hindi ko na siya matuturuan. Magrereview na kasi ako, ilang araw nalang exam na namin. Sigurado naman akong magrereview rin 'tong dalawang 'to.

Ilang minuto na rin ang nakalipas at next subject na namin.

*** After an hour ***

Buti naman at tapos na ang klase, hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ni Prof. Hihingi nalang kami ng hand outs sa kanya bago kami umuwi. Inayos muna namin ang gamit namin saka kami lumabas. Sumama na rin sa'min 'yung dalawa, kasi hindi rin daw nila masyadong maintindihan ang pinagsasasabi ni Prof., well pwera siguro kay Hiro, nakikinig kasi siya kanina, kaya ayun sabay kaming lima.

Wala na rin kaming klase sa hapon kasi magfafinal check na raw 'yung mga Professpr's namin sa kanilang exam na prinipare nila para sa'min at para hindi na rin hassle at maitama pa nila 'yung mga maling natype o nalagay hindi pa kasi nila napiprint. Hindi sila masyadong excited na ibigay sa'min 'yung exam, noh?

Pagkatapos naming makakuha ng hand outs ay umuwi na rin kami. Maghihiwalay na sana kami ng daan nang magsalita si Rin.

"My brother's going to fetch me, do you want to come with us?"

"Talaga? Sige." sumang-ayon ako.

"You, two. Come with us." niyaya na rin ni Aestine 'yung dalawa. Naikwento na sa'kin ni Aestine 'yung tungkol kay Rin at Hiro, syempre hindi alam ni Rin. Magbest friend pala sila dati.

Magsasalita pa sana si Hiro, pero naunahan na siya ni Silver.

"Okay."

Tumingin si Silver kay Hiro.

"Don't say no." kaya wala nang nagawa si Hiro kundi sumama nalang.

Hinintay namin si Kuya Kenzie sa harap ng gate. Maya-maya pa'y dumating na siya.


Kenzie's Pov

Susunduin ko ngayonsi Rin. Mamaya pa namang 3 pm ang meeting ko with the client. Sa bahay na muna ako maglalunch ngayon. Malayo palang ako ay nakikita ko na silang tatlo at may kasama silang dalwang lalake. Hmm? Sino kaya 'tong dalawang 'to? Baka may hinihintay lang din sila.

"Sakay na." sabi ko nang nasa tapat na nila ako. Sumakay rin naman silang lima... wait kasama nila sila?

Humarap muna ako sa likod para sana magtanong kung sino sila. Napatingin din naman sila sa'kin. Magsasalita na sana ako nang magsalita rin si Autumn. Inunahan pa ako.

"Ah, Kuya Kenzie, si Silver Maxwell nga po pala at si Hiro Trave. Alam ko anamn pong kilalang-kilala mo ang isa sa kanilang dalawa." sarkastikong sabi ni Autumn. Oo 'yung isa pamilyar. So, siya pala si Maxwell.

"Hiro? Ikaw na ba 'yan? Ang tagal nating hindi nagkita ah? Long time, no see." syempre naman sinong makakalimot dito sa batang 'to? Nakikita ko naman sa peripheral vision ko si Rin na nagblush. Ang cute talaga ng kapatid ko.

"Long time, no see rin po, Kuya Kenzie." sabi niya rin. Botong-boto ako sa batang 'to eh.

"Kuya daw." bulong ni Aestine na sana nilakasan niya nalang at nagsmirk, syempre narinig ko 'yun nasa likuran ko lang naman siya at sigurado akong narinig din 'yun ni Autumn. Magkatabi lang sila eh.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon