Chapter 19

2.9K 113 4
                                    

Hello po.. :)

***

Aestine's Pov

Napatingin kaming lahat nang bumukas ang pinto at nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Kagabi pa seryoso 'tong si Rin. May nangyari kaya?

Dumiretso sila sa kanilang upuan. Nilampasan niya lang ako? Ni hindi niya kami binati? Pakiramdam ko talaga may nangyari 'nung iniwan ko sila at pumunta ako sa kitchen.

Matanong nga si Heartily mamaya.

**

Nasaan na kaya si Rin? Nung break time kanina hindi na siya nakita.

"Heartily, nasaan na si Rin?" tanong ko kay Autumn.

"Lumabas eh, hindi ko na natanong seryoso kasi ang mukha, tapos 'yung aura niya parang nagsasabi na 'don't-talk-to-me'. Ano kayang nangyari doon noh?" aba ako pa ang tinanong.

"Ako pa ang tinanong mo? Dapat ikaw nga 'yung tanungin ko kung may nangyari ba at bakit nagkakaganoon si Rin."

"Teka, alalahanin ko lang. Hmm?" at nag-isip siya.

"Kung meron ba kayong napag-usapan at kung bakit nagkaganoon 'yun." sabi ko. Kasi 'nung bumalik ako parang may pinag-uusapan sila at natigil lang 'nung dumating ako.

"Napag-usapan lang naman namin 'nung nasa states pa kayo ni Hiro at kung gaano kayo kaclose..." nanlaki ang mata ko pagkarinig ko sa sinabi ni Autumn. "...at naikwento ni Ryok na palagi kayong magkasama dat--" hindi ko na pinatapos si Autumn sa pagsasalita at napamura nalang ako.

"Shit! Ba't niyo kinuwento? Hindi niya alam ang tungkol doon! Aish!" ginulo ko ang buhok ko. Kaya naman pala nagkakaganoon 'yun.

"Fuck!" napamura rin si Hiro. Ba't kasi napakadaldal nila? Hindi ko nga nakuwento kay Rin, tapos sasabihin lang nila?

"Hindi naman ako ang nagkwento. Isipin mo nga Aestine, paano ako makakwento sa kanya, eh hindi ko nga alam buhay mo sa states. Si Ryok nagkwento 'nun. Hala! Ngayon ko lang din naalala na meron palang nangyari dati sa kanila. Patay!!" napatampal na rin sa noo niya si Autumn.

"Teka! Magkaibigan pala kayo dati? Kaya pala hindi na kayo nagpakilala sa isa't isa." singit ni Maxwell. Napatingin kami sa kanya. "Kanina nga 'nung tinatawag ko siya, para sana magkasabay na kami, hindi niya ako nilingon. Kaya ayun hinabol ko. Tapos, t-teka, ba't ang sama niyo makatingin?" sabi ni Maxwell pagkatapos namin siya tingnan nang masama. Binanggit niya kasi na magkasama sila kanina kaya naalala namin na nakaakbay pa siya kay Rin nung pumasok sila.

Itong lalakeng 'to paraparaan din eh. May gusto kaya 'to kay Rin?

Hindi na namin sinagot ang tanong niya.

"Ang tagal naman niya bumalik, saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yun?" bulong ko.

"Nandito na si Rin." tumingin ako sa teacher's door at saktong bumukas ito at iniluwa si Rin.

Nung dumating siya kanina seryoso ang mukha tapos kanina nung break time umalis siya nang walang pasabi at ngayon bumalik siya at ganun parin ang pagmumukha niya. Kailangan ko siyang makausap para makapaliwanag ako sa kanya, kahit magalit pa siya ayos lang tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin niya. Kasalanan 'to nina Heartily at Ryok, makakatikim talaga sa akin ng batok si Yok pag-uwi ko. Pinanguhanan talaga nila ako.

**

"Are you all prepared now? Siguro naman nakapag-aral na kayo." sabi ni Prof. Salles. Ngayon kasi ang unang araw na kukuha ng exam ang mga kaklase namin.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon