Aestine's Pov
Gabi na ko natulog kasi merong nagtext sa'kin. Siya nanaman. Haaaaayyyy. Palagi nalang siya nangangamusta. Hindi ko naman 'to tatay, ni hindi nga kami magkadugo nito, ehh, kung mangamusta parang kapatid kong matagal na nawala at nagyon lang kami nagkita.
[ kamusta siya? ] tanong niya. Ganyan naman parati niyang tinatanong ehh.
"Ayos lang." reply ko sa kanya. Nakaharap ako kay Autumn baka mamaya makita nito kung sinong katext ko. Hindi pa naman nila pwedeng malaman kung sinong katext ko. Buti nga si Autumn 'yung malapit sa higaan ni Rin.
[ buti naman kung ganoon. Salamat Syler. ] ano ba, sabing huwag akong tatawaging Syler ehh. Nakakainis, buti malayo bahay nito kundi kanina pa 'ko lumabas ng bahay ni Rin at inupakan 'to.
"Sabing huwag mo 'kong tawaging Syler ehh. Nang-iinis kaba? Baka gusto mo, hindi na kita etetext o babalitaan sa nangyayari dito." bwisit 'to ahh.
[ haha! Pasensya na Ral. Sige matulog ka na jan. ] buti naman at binawi niya.
"Sige, salamat. Good night." saka ko pinatay ang phone ko. Magreply siya kung gusto niya. Haaaayy. Maaga ata nagising si Rin. Nagri-ring kasi 'yung phone niya. Baka naliligo siya. Madali kasi akong magising kapag may naririnig akong tunog ng cellphone. Pero parang wala lang kay Autumn, tulog na tulog kasi siya eh. Sino ba kasing tumatawag sa kanya? Hayyy naku. Tapos na si Rin maligo at lumabas na ito nang kwarto niya, ang aga naman nitong magising. Mamaya nalang ako gigisng sasabay ako sa pinsan kong grabe matulog.
[ Fast Forward ]
Nakatulog si Rin at sa balikat ko pa talaga siya natulog. Hinayaan ko nalang siya kahit na ayaw na ayaw kong may natutulog sa balikat ko. Pasalamat siya doon kami natulog sa bahay nila't pinakain pa kami. Gabi na rin kami nakauwi kasi magfa-5 pm na kaya. Pagkarating namin sa bahay nina Rin ay agad namin inayos ang gamit namin, nagpasalamat kami at umalis na. Mukhang magtetext nanaman siya sa'kin mamay o di kaya'y magchachat. Ang kulit ng isang 'to. Pagkarating ko ay nagbihis na 'ko agad at binuksan ang laptop at nagsign-in sa messenger. As expected nagmessage nga siya. Haaaayyyyy!! Tatanungin nanaman niya ako tungkol sa nangyari ngayon?? As if naman 'yun ang gusto niyang malaman. Itong taong 'to kilalang kilala ko na 'to. Way back nung magkasama kami nito, iisang tao lang naman ang palagi nitong iniisip at ikinikwento sa'kin. Talagang tinamaan siya. Gabi nanaman ako matutulog nito. Kung di ko lang 'to kaibigan, hindi ko 'to tutulungan. Pasalamat siya. Halaa!! Patay!! May sasagutan pa pala kami. Whaaaaa!! Ba't inuna ko pa 'tong taong 'to??
Rin's Pov
Gabi na nang makauwi sina Syl at Autumn. Pagkauwi na pagkauwi namin kasi kagabi, sinagutan ko 'yung pinapasagutan sa'min ni Prof. baka magwala 'yun pag hindi kmai nagpasa.
"RINN!!" ang aga aga ang ingay na. Eh, sino pa ba 'to?? Walang iba kundi ang punung-puno ng energy na si Autumn Heartily. Tumatakbo siya palapit sakin. Palaging ganito 'to. "Good Morning." bati niya nung makalapit siya sa'kin.
"Good Morning din, Autumn." nakangiti kong bati sa kanya para hindi naman niya mahalata na naiinis ako. Paano bang hindi maiinis, eh, ang aga aga ang ingay. Pero dapat masanay na'ko dito.
"Tara na." yaya niya sa'kin at hinila na ako. Grabe naman 'to makakaladkad na 'ko sa ginagawa niya. Hindi naman siya masyadong nagmamadali no?"
"Teka, nasaan na si Syl? Hindi ba kayo sabay?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong wala si Syl. Akala ko pa naman magkasama sila.
"Ahh, baka papunta na rin 'yun. Di naman 'yun malelate eh, ang aga pa naman." sagot niya. Ahh, bakit kaya parang nahuhuli nanaman 'yung babaeng 'yun? Akala ko ba, ako lang ang nagiging dahilan 'nun pagnalelate? May iba pa pala? Nandito na kami sa room ngayon. 5 minutes nalang time na. Hala si Syl!
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomansaPrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...