Rin's Pov
Napakaingay ng babaeng 'to. Hindi matigil sa pagsasalita. Kung an-anung pinagsasasabi. Idedeny pa kasi. May nakakita na nga eh.
Nang makarating kamu sa tapat ng office ni Prof. Jay ay hindi ko muna binuksan. Humarap ako kay Nickel at sinamaan lang siya ng tingin.
"Anong tinitingin-tingin mo ha?" sita niya sakin. Imbes na pa tulan ko ang pinagsasasabi niya ay humarap nalang ulit ako sa pintuan at bumuntong-hininga.
"Good Morning, prof." bati ko kay Prof. Jay pagkapasok namin.
"Oh, Rin. napunta kayo rito? May nangyari ba?" nagugulat na tanong ni Prof. Hindi niya kami inaasahan.
"Nagkagulo po kanina sa field habang naglilinis kami." si ate Kate ang sumagot.
"Anong gulo?"
"Natapunan po kasi ng dumi si Nickle. Eh, hindi naman po sinasadya ng nakataponsa kanya kasi napatid po siya."
"Eh anong ginawa ni Ms. Blake?"
"Sinigawan niya po, nilait, at pinagsasabihan ng masasamang salita." ako na ang sumagot.
"Is it true, Ms. Blake?"
"Of course not!" sigaw ni Nickle.
"Huwag kang sumigaw. Nasa office ka ni Prof. Jay." pagpiligil ko ng galit.
"So?" sabi niya aka ako inirapan. Talagang babaeng 'to.
"I'll ask you again. Did you say those words?"
"No, of course. Why will I?" ang taray. Ayaw pang umamin.
"So you mean, nagsisinungling sina Ms. Shinize sa sinabi niya tungkol sayo?"
"Yes. Sinungaling siya." sabi niya at tinuro ako.
Aba ako pa ang sinungaling.
"For your information. Eto? Sinungaling? Eh, hindi 'to marunong magsinungaling eh. Baka ikaw, bihasang-bihasa ka na sa larangang 'yan." sabat ni Syl.
"Hoy, huwag kang sasabat kung di ka kinakausap!" sigaw ni Nickle. Mga 'to, di na inalala na nasa harap namin si Prof. Jay at nakikinig.
"Please, sto-"
"Pwede ba, tumigil kayo. Para kayong mga bata. Sigawan nang sigawan. Hindi na kayo nahiya kay Prof. na nakikinig sa inyo." putol ko sa sasabihin ni ate Kate. Hindi naman kasi sila makikinig. Well, si Syl, baka makinig pero ang isang 'to, sigurado akong hindi magpapapigil.
"Eh, siya 'tong nauna eh." sabi ko na nga ba.
"Pwede ba! Tama na! Ang ingay-ingay mo. Tahimik pwede?" naiinis na ako ah?
"Rin kalma. Haha. Sino nga ba ang nakatapon ng dumi kay Ms. Blake? Anong year nga pala ang kasama niyong maglinis sa field?"
"1st year po." sagot ni ate Kate.
"Mm." sabi ni Prof. sabay tango. "Nasaan na siya?"
"Nasa clinic po."
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?"
"Natumba po kasi. Tinulak nitong babaeng 'to." si Syl na ang sumagot at tinuro si Nickle.
"No! Hindi ko siya tinulak! Sinungaling ka!" sigaw ni Nickle. Eskandalosa talaga 'to.
"Please refrain from shouting Nickle." kalmado ngunit may pagbabanta sa boses ni Prof. kaya ayun tumahimik rin. "Rin, please bring here the student." baling sakin ni Prof.
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...
