Aestine's Pov
Naghahabulan sina Rin at Maxwell. Nang mahuli siya ni Rin piningot niya sa tenga si Maxwell at napaaray ito.
"Selos ka?" nagulat ako sa biglang pagsalita ni Rove.
"Huh? Ako? Selos?" bakit naman ako magseselos diba? Wala akong dapat na ikaselos.
"Eh, ba't parang papatayin mo na si Max sa tingin mong 'yan?"
"Anong parang papatayin ang pinagsasasabi mo jan? Eh kung ikaw kaya ang patayin ko?"
"Tapos ayan ang init-init ng ulo mo. Kanina lang nagtatawanan tayo tapos ngayon naiinis kana."
"Oh, eh, anong ibig mong sabihin?"
"Na nagseselos ka--"
"At bakit?"
"--kasi may gusto ka kay Max."
"No way!" sigaw ko at dahil dun napatingin samin sina Hynes at Autumn.
"Anong no way ang pinagsasasabi mo, insan?"
"Wala!" sigaw ko at medyo lumayo sa kanila.
"Anong nangyari doon?"
"Ewan ko. Hahahaha."
Sige tumawa kang abnoy ka.
---
Rin's Pov
Pagkatapos naming maghabulan ni Max ay nagphotoshoot nanaman sila. Habang pinipingot ko si Max narinig kong tumatawa si Hiro. Nagulat nalang ako nang bigla akong inakbayan ni Max.
"Diba sabi ko kung masakit huwag mong titingnan." buntong hininga lang ang naiganti ko kay Max.
"Ok everyone, back to your position. Mamaya dudumugin nanaman kayo dito."
"Yes, Pres!" sigaw ng lahat.
Dahil sa pagod na rin akong maglakad-lakad naupo nalang ako sa tabi at nanuod sa kanila. Maya-maya lang ay unti-unti nang dumadating ang gustong magpapicture sa kanila. Syempre bida nanaman silang apat. Pero ngayon si Max nakangiti na at enjoy na enjoy.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto siya kay Syl. Sana lang talaga magkagusto rin si Syl sa kanya. At kapag nangyari 'yun, ako ang unang tao na magsecelebrate dahil sa wakas makakaramdam na si Syl ng pagmamahal.
"Aestine, Hiro. Picture naman kayo oh." napabaling ako sa nagsalita. 'Yan nanaman? Nananadya na 'to ah.
Tumingin ako kina Hiro at Syl. Nagkatinginan silang dalawa at parang nag-uusap. Tapos biglang natawa si Hiro.
"Tumahimik ka Rove! Hahampasin talaga kita."
'Rove? Sinong Rove? Si Hiro? Paano naman siya naging Rove? Tawagan ba 'yun nila?'
"Sure." sabi ni Hiro at hinila si Syl papalapit sa kanya kaya tiningnan lang siya ng masama ni Syl at ngumiti na rin sa camera.
"Okay. One, two, three pose!" pagkasabi ng babae ng pose ay biglang umakbay si Hiro kay Syl at si Syl naman ay nakahawak sa bewang ni Hiro. Para silang magbf at gf. Umiling ako sa naisip ko. Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Bwisit ang sakit.
"Ano ngang sabi ko?" nagulat ako sa biglang pagsulpot Max.
"Oo na."
"Halika muna sama ka sakin."
"Saan tayo pupunta?"
"Basta halika." sabi niya sabay hila sa'kin. "Mere, tara." pati si Mere sasama?
BINABASA MO ANG
The Forgotten LOVE (COMPLETE)
RomancePrologue: Isa lamang akong simpleng babae, masayahin. tahimikin, loka-loka't pilosopo minsan pero sinasabi ko sa inyo... kapag nakita ninyo ako mahuhulog kayo sa'kin... haha.. totoo yun. maganda ako... Pero sa kabila ng pagkaloka-loka at pagkama...