Chapter 8

4.4K 170 9
                                    

This chapter is dedicated to Kheisyl... for you talaga 'to.. haha!! Labyu! :*

***

Rin's Pov

May nakabanga sa'kin. Nasa cafeteria kasi kami ngayon, nakaramdam kasi kami ng gutom. Malapit na akong matumba, napapikit na lang ako, pero naramdaman kong may nakasalo sa'kin.

"Ayos ka lang ba, Rin?" tanong niya sa'kin. Kilala niya ako?

"Kilala mo 'ko?" hindi ko pinansin ang tinanong niya. Inalalayan niya akong tumayo.

"Oo naman. Nakalimutan mo na ata ako. Kung sabagay ilang taon na rin naman ang nakalipas. Nag-iba na ako eh." sagot niya sa tanong 'ko.

"Bakit? Magkakilala ba tayo?" sino ba 'to? Baka nakadrugs 'to?! Kung anu-ano kasing pinagsasabi niya.

"Pasensya kana pala. Iniwan kita bigla noon." malungkot niyang sabi. Iba din 'to eh, ni hindi sinagot 'yung tanong ko. Kung sabagay hindi ko nga sinagot 'yung tanong niya, pero halata namang okay ako. Pero, teka? "Iniwan? Hmmm?" hmm?! Don't tell me... "Ikaw ba yan?! W-wynter?" siya nga ba 'to? Huhu~ ang rude ko naman.

"Akala ko, nakalimutan mo na talaga ako kung hindi ko pa sinabi ang salitang 'iniwan', Rin." so siya nga.

"Hindi mo naman ako iniwan. Umalis ka lang. Nagpaalam ka naman diba? Kaya, ayos lang 'yun." pagtatama ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin pala sa'min ang mga tao at wala na rin 'yung bumanga sa'kin kanina. "Huwag tayong mag-usap dito. Tinitingnan na tayo oh. Doon tayo sa rooftop." sabi ko. Syempre do ko nakalimutan ang purpose namin sa cafeteria. "Autumn, bumili kana doon. Bilis." di na ako bumili, si Autumn nalang pinabili ko. Agad namang umalis si Autumn, kaya naiwan kaming tatlo dito.

"Hi, Aes." sabi bigla ni Wynter. Huh? Magkakilala sila?! Wala namang binaggit si Syl sa'min ah.

"Hello." sabi lang ni Syl. Bastos na babae 'to ni hindi manlang tumingin at ngumiti kay Wynter, magkakilala pa naman sila at mukhang matagal talaga silang hindi nagkita.

"Laki ng pinagbago." bulong niya, pero dinig na dinig ko, di ko lang alam kung narinig din ba ni Syl. Nakabili na si Autumn ng makakain namin. Bumalik ulit kami sa rooftop, tambayan namin 'to minsan. Mahangin kasi, kaya pala nadadagdagan ang pagkalutang ko.

"Wynter, ba't di ka nakauniform? At saka ngayon lang kita nakita dito ah." napansin ko kasing nakacivilian clothes lang siya. Don't tell me...?

"Transfer student ako dito sa school niyo. Ngayon ako papasok. Di ko pa nga alama ng room ko. Pumunta lang ako sa cafeteria kasi nakaramdam ako ng gutom at ayun, nakita ko kayo. Babalik din ako sa office na pinasukan ko kanina." transfer student siya?! Siya 'yung transfer student na sinasabi ni Prof? Pero diba galing England 'yun? Kung ganoon siya nga? Hindi ko nga rin kasi alam kung saan sila pumunta ni Wynter. Nagulat din si Autumn. Eh si Syl? Ayun seryosong nakatingin kay Winter. Hihi~ "Kanina may nakasabay akong isang lalake doon sa isang office na pinasukan ko. Ang daldal nga eh." sabi niya. May isa pa? Akala ko ba, isa lang ang transfer student? Eh, ba't ngayon dalawa na? Ano 'to? Nabalitaan niyang magtatransfer si Wynter, nagtransfer din siya?

"Isa pang transfer student? Ang sabi ni Prof. sa'min isa lang." sabi ni Autumn, na basa nanaman nito ang iniisip ko. "Autumn nga pala." pagpapakilala niya sa sarili niya at nakipagkamay kay Wynter.

"Ahh, hindi ko alam. kahapon lang ako dumating." sagot naman niya kay Autumn. "Oh, nice meeting you, Autumn. Wynter's the name." pagpapakilala niya din sa sarili niya.

The Forgotten LOVE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon